Day 19
February 22"Baby boy!" Bulyaw ni Axies mula sa gate, late siya ngayon at ako ang hinahabol niya, sinalubong ko siya ng nakakunot ang noo.
"Stop with that calling. Huwag kang ding tumakbo, alam mo naman ang sitwasyon mo."
"Aba?! Pinagsasabihan mo ko?" Umiling ako at tumango. "Ang bilis mo kasi, may sasabihin pa 'ko sa'yo."
"Ano 'yun?" Sinuri ko siya para malaman kung ayos lang ba siya, 'di naman siya namumutla o ano. "Nakakuha kaba ng maayos na pahinga sa ospital?"
"Teka, tama na muna do'n, sama ka mamaya?" Mukhang excited siya at ang bilis ng paglangot niya sa bubble gum.
"Nakapagpahinga kaba?"
"Aish! Oo! Sama kaba?"
"Ilang oras na tulog?" Sinuntok nito ang braso ko dahil sa inis n'ya. "Aray."
"Kulit mo, oo nga, nakatulog ako ng maayos bakla, kaya nga nalate diba? Uminom din ako ng gamot na-check up at ayos naman buhay ko. Oh, sama ka?"
Hinimas ko muna ang braso ko at nakampante ang loob dahil sa sinabi niya. "Saan 'yun?"
"May contest kasi sa bayan mamaya, after class, mga banda, kasama sila Lana, sumama ka ha? Nagpaalam kana?"
Contest? Talaga lalaban sila Lana? Parang nakaramdam din ako ng excitement.
"Sige, sasabihin ko." Lalakad na ulit ako ng hilahin niya damit ko at ilahad kamay ng may ngisi.
"Magic sandwich."
Ano pa nga bang aasahan ko? Binigay ko na 'yun sakan'ya, pagdating namin ng room puros puyat ang tropa- sila Lana at nakatungo sa lamesa, siguro dahil sa practice, sinisipa-sipa pa sila ni Axies para umalis sa upuan nito tamad talaga silang umiling.
Lumabas muna ako ng room at nagtungo sa CR para tawagan sina Mama.
"Intayin ko lang silang makatugtug aalis na agad ako." Pangako ko kay Mama, matagal na katahimikan bago siya bumuntong hininga sa kabilang linya.
["Kwentuhan mo ako kung nanalo sila, huh?"]
"P-Po?"
["Basta 'wag mong kalimutan mga bilin ko huh?"] Kinagat ko ang ilalim ng labi ko sa saya.
"Sige po Ma."
["I love you anak, ingat."] 'Di ko mapigilan ang saya.
"Ano pinayagan ka?" Tumango ako kay Axes na nakaupo sa lamesa ko at kumakain ng magic sandwich, magsulat nalang ako. "Taray din ng magulang mo ah? Pagkatiwalaan kami, mukha ba kaming mga anghel?"
Napangisi ako. "Malabo 'yun."
"Uy, ang sakit nu'n bakla."
"Di ako bakla."
"Sige kiss nga." Nagtaas ako ng tingin kaya nahuli nanaman niya ako doon. Napangisi siya at pinitik noo ko. "Asa ka."
"Di naman ako nag-iintay," irita kong sabi habang hinihimas ang noo. Inabot niya ako ng magic sandwich.
"Kagat."
"W-Wag na-"
"Kagat." Napilitan akong sunduin s'ya at sana ay walang nakapansin nu'n. "Lana anong oras tayo mamaya?" Tinignan siya ni Lana at lumapit saakin saka inagawan si Axies ng magic sandwich. "Uy!" Bulyaw nito.
Umupo din sa lamesa ko si Lana habang kumakain. "Three siguro punta na tayo do'n, sama ka Piter?" Tumango ako. "Sama mo tatay mo? Sige na, mamo-motivate ako pag ganu'n."
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...