CHAPTER 10

470 31 4
                                    

Day 11
February 14

"Haloha!" Tinaas ni Axies ang dalawang kamay sa ere at biglang sumayaw na kung paa-paano.

Umiling ako at naunang maglakad papasok ng school.

It's really February 14.

Araw ng mga puso.

Araw ng mga jowa.

In short, araw ng kaharutan.

At excited na excited na si Axies para sa booth namin, para pa siyang bulateng pasayaw sayaw sa gilid ko. Umiling nalang ako at inenjoy ang araw at hangin.

7AM palang ng umaga kaya ko'nti palang ang tao at.

"Jupiter!" Inis ko siyang nilingon, ang aga-aga pa makasigaw, nakatigil ulit siya doon sa paborito niyang spot sa gitna ng daanan kung saan may sinag ng araw mula sa puno.

"Oh?"

"Kita mo 'yun?" Sinundan ko ang turo niya sa puno, napangiwi ako.

"Anong meron sa pugad?" Naalala ko tuloy 'yung buhok ni Space. Teka.. ano nanamang naiisip ko.

"Yung ibon kasi! Kamukha mo haha."

"Anong nakakatawa doon? Ano ako mukhang ibon?" Nakatingala parin siyang umiling. "Eh ano?"

"Kamukha mo sila." Tinignan niya ako ng direkta sa mata. "Ang sarap mong tignan."

'Di ako bigla makagalaw. Ang dibdib ko...

Parang nawala ang mga tao sa paligid, at ang nakikita ko lang ay ang ngiti niya, ang mata niyang nagrereplika sa araw, at ang marahang paghampas ng hangin sa malambot niyang buhok—

Iniwas ko ang tingin ko.

Stop that nonsense thought, Piter. Shame up!

"Luh mang-iiwan!" Humabol siya sa'kin habang tawa ng tawa. "Yung itsura mo haha..." Napaubo na tuloy siya kakatawa. "Hahaha... kinilig kaba... hahaha..." Inubo ulit siya, buti nga! "Pero 'di ako nagbibiro haha... kamukha mo nga sila—"

Malalakas na ubo ang lumabas sakan'ya para tignan ko siya, parang ang rahas kasi ng paraan ng pag-ubo, lalo na at walang tigil ito.

"A-Anong tingin 'yan hahaha?" Tanong niya.

"Kumalma ka nga."

"Ayoko! Baka—" Tumigil siya at umubo ulit nang umubo, kulang nalang talsikan niya ako ng laway kaya lumayo ako.

"Laway mo."

"Mabango—" Ubo nanaman. Normal paba 'to?

"Y-Yung ubo mo." Umiling siya at sinubukang kumalma kahit tawang tawa parin.

"Wala 'to..." Ilang ubo at mukhang kumalma na siya pero malalim ang paghinga n'ya. "Wag kang masyadong mag-alala sa baga ko." Dalawang ubo pa. "Nakainom kasi ako ng isang blokeng yelo."

"Sinong maniniwala?"

"Atleast nanay ko! Pero 'di nga, nag ice cram ako kagabi, alam mo naman favorite ko!"

"Kahit delikado?"

"Huh? Eh ano? Gano'n din naman 'yun?"

'Di ako sumang-ayon sa sinabi niya. Ganun nalang 'yon? Kamatayan? Ganun nalang siya gigive up? It's life.

Ang buhay ay isang responsibilidad.

Walang responsibilidad ang magaan.

Kailangan mong pagsumikapan.

"Nga pala Magic Sandwich ko!" Parang bata niyang sabi... kagaya nito, parang responsibilidad ko na ang paghahain sakanya ng sandwich.

Pagkakuha niya nu'n bumalik ang pagkasigla n'ya habang lumalamon. Nakakapagtaka, 'di talaga siya nagsasawa? 'Di ko rin siya masisisi, magaling ako. Matalino pa. Gwapo pa.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon