PROLOGUE

2K 67 36
                                    

Day 1
February 4

That day... she was dying.

"Axies...." Nangangatal ang mga labi kong tawag sakan'ya. Gusto kong malamang namamalikmata lang ako, pero dahil sa kapal at laki ng salamin ko kitang kita ko nangyayare.

Nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko.

Gusto kong tumakbo at damayan siya sa lapag ng hallway, pero pinangunahan ako ng takot na baka mas lumala ang kalagayan niya. I'm not use to this... anong nangyayare sakanya?

Patuloy ang pag-agos ng dugo sa ilong niya, namimilipit din itong nakahawak sakan'yang dibdib.

Umubo ito ng malakas, sunod sunod na kahit ako ay nasasaktan dahil doon.

Tuluyan na siyang napaluhod, sumayad na rin ang mahaba niyang buhok sa lapag at nilukot ang kamay sa bandang dibdib nito.

"T-Tatawag na ba ako ng, ng, ng 911?" Nangangatal kong sambit.

Nagimbal ako nang magtaas siya ng tingin sa'kin.

Mula sa lapag kita ko ang kaunting dugo mula sa pag-ubo niya, at nang sulyapan ko ang kan'yang labi, doon nga nagmula ang dugo, kita ko pa sa ngipin niyang nakasilip dahil sa ngisi nito...?!

Is she human?! Paano niya nakayang ngumiti ng ganun sa sitwasyon niya?

"Bakla kaba?"

"A-Ano?" 'Di ko na maiwasang mairita, what does that suppose to connect in her current situation? Umasik siya sa'kin, pinilit niyang tumayo para mapaatras ako. She was strong... as always, 'di talaga ako sanay na ganito ang itsura niya.

'Di ko nalamang siya nilapitan, baka bigla siyang tumumba at mas masaktan ko pa, humawak siya sa pader nang nakatalikod sa'kin, mabibigat na hangin ang pinakawalan niya. Nanglalata siya. I watch her back, wala ba talaga akong gagawin?

Even if she is an amazona, she's still a human, I guess?

"Dugo, delikado pag nilalabasan ka ng dugo." Kahit walang lakas ng loob buti nailabas ko 'yon sa'king bibig para malaman niya kung gaano kadelikado ang nangyayare sakanya.

"Hahaha, seryoso ka dyan?" Aniya. "Nireregla nga ako, namatay ba ako?" Nag-init ang pisngi ko ng sabihin n'ya 'yun, walang preno ang bibig ng babaeng 'to.

"Iba kasi y-yun!" Ang init ng mukha ko! Bakit ko ba kasi siya nilapitan? Alam ko namang 'di niya ako pakikinggan, isa siyang basagulera, ano naman ako sakan'yang kung sino diba? But what is happening to her? It's weird... is she sick?

"Dugo lang 'yan, basag na bungo pa nga nakikita ko pero 'di ako kagaya mong mag umarte, bakla."

"Di ako bakla!"

"Haha, anong susunod mong sasabihin? Hahalikan mo ako?" Nangilabot ako sa pang-aasar niya.

"H-Hindi 'no... nagmamalasakit lang naman ako."

Humarap siya sa'kin nang may maangas na paraan, nakangisi parin talaga siya kahit patuloy na umaagos ang dugo sa ilong niya.

"B-Bakit?" Naglakad siya palapit sa'kin nang dahan dahan, humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Is she going to kill me? Humakbang ako paatras nang paulit-ulit habang papalapit s'ya nang papalapit.

Nakakatakot ang mukha niya lalo na ang ngisi niyang ginagawa tuwing may nakakaaway siya dito sa loob ng school.

Sasapakin ba niya ako dahil nalaman kong, may sakit siya?

Lumunok ako ng isang beses nang wala na akong mahakbangan pa, tumama na ang likod ko sa pader.

"U-Uy. Lumayo ka nga... s-sige na." 'Di man lang niya pinakinggan sinabi ko, bagkus malakas niya pang hinampas ang kabila niyang kamay sa gilid ko.

Oo matangkad ako sakan'ya, pero kakaiba ang awra ng babaeng 'to, kahit putlang-putla na.

"A-Ano ba, huh?" Matalim ko siyang minata.

"Lung cancer, stage 2B." Gulat akong nagtakip ng bibig sa diretso niyang pag-amin. "Regalo ng nanay ko."

"A-Anong sinasabi mo, huh?"

"Malapit na akong mamatay, intinde mo?"

Dying....

"At pag may nakaalam na iba, mas nauuna kapa sa'kin. Huh?" Pinadaan niya ang hinlalaki niya sa leeg bilang pagbabanta. Baliw na siya! I don't even care about her! She is just some random gangster who does not care about her future together with her cheap gang!

"Bakit mo sinasabi?! A-Ayo'ko din namang malaman!" Mas lumapit ang mukha niya sa'kin kaya siniksik ko ang sarili ko sa pader.

"Anong pangalan mo ulit?"

"Bakit?" Sinamaan niya ako ng tingin. Aish! "J-Jupiter, Jupiter Sy." Natawa siya saaking sinabi. "B-Bakit?"

"Panget ng pangalan mo."

"Kahit sayo naman ah?! Axies tss." Nakakapikon pala talaga ang babaeng 'to. Nakakairita.

"So Jupiter, ikaw ang top 1 ng buong batch diba?"

"E-Eh ano naman?"

"Wala naman." Kumunot ang noo ko nang kunwari niyang inayos ang polo ko.

"A-Ano nga?" Bakit kinakabahan ako sa inaakto niya?

"Hmm... dahil nalaman mo ang sikreto ko kailangan mong magbayad."

"Ano? H-Hindi, wala akong pera 'di ko rin naman ginusto 'yon."

"Kailan ang tapos ng exam?" Agad akong nag-isip. Malapit narin ang 4th grading... eh ano naman sakan'ya?

"M-March? March 4... why?"

"30 days mula ngayon."

"B-Bakit nga?"

Lumayo siya sa'kin ng isang metro at nilahad ang kamay na parang inaantay ang kamay ko.

"Para saan nanaman 'y-yan?" Tinuro ko ang palad niya.

"Congrats Jupiter, baby na kita, kelangan mo akong tulungan makapasa sa exam, gets mo?"

"Ano?! Sinong baliw ang papayag dyan?!"

"Ikaw." Lumapit 'to sa'king tenga. "Kilala mo ako, diba? Kaya pumili ka, papayag ka o babayagan kita? Napaka-fair naman ng sinabi ko diba? Ikaw ang kikilos o ako ang kikilos." She devilishly smile.

Lumunok ako, nabuo ang pawis at namula ang pisngi. What is she saying?! 'Di marunong magbiro ang babaeng 'to...

Gusto ko lang namang tumulong kanina, bakit ako nadamay sa gulo niya?! I don't want to get involve with her!

"Ano na baby boy? Bago March 4 lang naman, maawa ka naman sa mamamatay na. Nagbabagong buhay na nga oh."

Ngumiwi ako nang sabihin niya 'yun, parang nagbibiro pa siya, 'di rin nakatulong ang ngisi niya. Nagbabagong buhay?

Nakakairita!

Gusto ko lang naman matahimik ng 'di nakikigulo, bakit umextra ang babaeng 'to? March is coming... dapat masaya ako ngayon dahil matatapos na ang Junior year! Ano nanaman ba 'tong gulo na 'to?!

Kumawala muna ako ng buntong hininga bago tanggapin ang kamay niya.

"March 4, then it's over," seryoso kong balik.

"Okay, good boy baby boy." And she wink at me.

And by that time... I know I was on a big trouble.

Not big...

The biggest trouble I had ever been.

Dahil talo ko pa ang nakipag deal sa isang demonyo... Axies, holds my neck. I am her prey in her own made spider web, can I survive her?

I mean... paano ko pakikisamahan ang isang tulad niya? I prepare my zone, quite... and alone. while... she is a curse magnet... party wrecker, guidance prone, and a witch who has the biggest gang in the school who loves bullying... me. They're students with cheap lives who don't even have any direction in the future.

Having her will surely leave me breathless!

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon