CHAPTER 8

487 31 4
                                    

Day 9
February 12

"Magandang... magandang putanginang umaga!"

Madaling araw, as in 5:30 pinapasok na ako ni Axies para lang pagplanohin ang booth na sinabi ni sir. Buti na lang at 'di nagtaka sila Mama at Papa.

"February 12! Here I come! Tama ba 'yung sentence ko, baby boy? Or here I came? Or here I cumming? Or here I homing?"

"Tama lang 'yung una," walang gana kong balik. Mas nabadtrip ako nang suntukin niya ang braso ko.

"Di kaba nae-excite?! Kasi ako excite na excite na!" Nakipag boxing pa siya sa ere.

"Mukha ngang excited ka... pero 'di makatarungan ang 5:30 ng umaga, Axies! 'Di natin agad magagawa ang booth no'n!"

"Huh? Sino nagsabing excited para gawin 'yung booth?" Inosente niyang sabi. Inosente, pweh!

"Eh bakit ka excited dyan."

"Gento kasi 'yan." Tumayo siya nang tuwid at... nagpapacute ba siya? "Excited ako dahil first time kong sisipsip sa mga teacher! Wahahahha! Ano kayang feeling? Nasan naba 'yung mga teacher? Gusto ko nang sumipsip!"

Bumagsak ang balikat ko. Gumuho ang mundo ko. Kakaibang babae... kakaibang kakaiba!

Kaya pala niya gustong maging co-leder ko dahil gusto niyang maranasang sumipsip akala ko naman para gawin ang role niya.

"Wala kapang sisipsipan, tss kailan kapa naging linta?" Ani ko.

"Aray! Masakit 'yun bakla ah! Pero sige 'yun naman totoo ahihi, nae-excite akong mabash. Alam mo 'yung sa TV 'yung ikukulong ka nila sa bodega dahil sipsip ka? Tapos dadating super hero mo—"

"Nangangarap ka lang." Sumama nanaman ang tingin niya.

"Arte mo! Ikaw pa naman naiisip kong magliligtas sa'kin."

"Takip nga ng palaman nahihirapan akong buksan pintuan pa kaya?" Asik ko.

"Pang bad trip ka ah?! Lampa! Lampa!" 'Di ko siya pinansin sa inis. "Bat mo ba ako hinahawahan nang kabadtripan mo?"

"Papuntahin mo kaya ako ng 5:30 sa eskwelahan kahit ang dilim dilim pa! 'Di pa nga ako umiinom ng..." 'Di ko na tinuloy ang dapat na sasabihin.

"Uminom ng?"

Kumamot ako sa pikod ng ulo ko at umiling. "CR lang ako."

"Tubig ng CR?" Ang sakit niya sa ulo, utak ko mabubulok dito eh!

"Ano?! 'Di ah, CR lang ako, puntahan kita sa bench?"

"Geh bala ka, bilisan mo kundi yari ka sa'kin." Tumango at naghiwalay kami ng lakad.

Sinara ko ang pintuan ng CR at ininom ang dapat atsaka binalikan siya doon sa concrete bench sa ilalim ng puno malapit sa gate.

Pero nasan na 'yun? Abat?! Nag ikot-ikot ako nang tingin. Pinagtripan ba ako nu'n? Axies talaga!

"Baby boy!" Pagtingin ko sa kanan andun siya at tumatakbo sa gawi kong may hawak na dalawang puting cup. Ano 'yun? Umuusok pa.

Paglapit niya sa'kin agad niyang nilahad ang isang baso sa'kin.

Kape...

Nagsara ako ng kamao nang maamoy ko ang napakabangong aroma na minsan ko lang naamoy.

Mukhang masarap.

"Oh, ito ba ang sinasabi mong 'di mo pa naiinom? Coffee lover ka din 'no?! Tikman mo bilis, sa kabilang kanto ko 'yan nabili, safe 'yan, coffee vender 'yun. Walang kulangot 'yan promise, mamatay man si Tim." Nilapit niya saakin ang kape kaya hinawakan ko 'yun.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon