Day 2
February 5Cheap. That's how I define them. I'm not a typical nerd who will lie just to keep my good looking identity safe. I say what I see. Backstabber, atleast 'di maingay.
Well, how did I say they are a gang full of suck-up members? Guess what.. they never done any good for the past 4 years in our high school, karaniwan kung wala sa guidance at balak mag-akyat bakod para tumakas sa eskwelahan ay nasa canteen silang mag totropa. Lumalamon na parang walang bukas.
They can't even have the 20% percent of the test! They shout and laugh horribly in our teachers face, they talk nonsense for the whole break, kundi tae, ay kulangot. Is that even a topic?
And lastly. They don't have any future. I bet that. Wala silang kahit ano kundi ang mga itsura at porma nilang nagpapadilim lalo ng corridor.
Axies gang consist of 12 members including her, 5 girls and 7 boys. And I despise them... why? Because of this...
"Hoy! Bakla! Nandito na ang bakla!"
They won't leave my life alone since I transfer in their section. The last section, of course, anong aasahan mo? They use their mouth without sense.
If their gang is the definition of friendship, I shall rather die alone. Having fun endlessly? Seriously? We are talking about future here.
Nanatili akong naglakad ng nakatungo kahit na ilang beses nila akong sigawan sa tenga ng salitang 'yun habang naglalakad papunta sa upuan ko. Tingin nila sa'kin ay bakla.
Wala kang choice kundi ang tumikom. Toxic people won't have my attention... I swear!
Kung si Axies excited nang marating ang March 4 mas lalo ako, dahil pagkatapos no'n, hinding hindi na ako papasok para makita sila.
"Bakla! Graduating kana ah, 'di kapa ba aamin saaking gusto mo ako huh?" Isa sa tropa ni Axies ang nagsabi nu'n, si Tim, nakaupo siya ngayon sa pwesto ko.
Nakabukas ang uniporme niya at kita ang black niyang sando, iba din ang kulay ng buhok nito... pula 'yun, at kahit 'di babae ang dami niyang piercing sa kaliwang tenga, lima yata 'yun... isang tingin palang, basag ulo na ang hanap niya.
"Hoy, gago kita niyo 'yun? Naglalaway ang bakla saakin! Ako talaga ang nais!" Napuno nanaman ng katatawanan ang buong klase dahil saakin. Haist, bakit kasi ako na-late ng enroll ngayong year, sa klase tuloy ng mga basagulero ang bagsak ko. Mas malala pa sa iba kong naging klase. What a waste of time they are.
"Upuan ko 'yan."
"Uy! Nakipag-usap saakin ang bakla! Sige na Piter, umamin kana saakin. Call me sugar baby." 'Di ako umusap na mukhang kinairita niya, umupo siya sa table para makaharap ako. "Kausap ka, diba? Sumagot ka! Bingi kaba?!" Bahagya niyang inurong ang balikat ko na kinairap ko.
"Uy! LQ!" Pangungutya ng tropa niyang nakapalibot sa'kin. Pinikit ko ang mata ko nang suklayin ni Tim ang buhok ko, tinabig ko ang kamay niya.
"Sige na kasi Jupiter magsalita kana."
"Excuse me. Uupo na ako."
"Woooh! Wala ka pala Tim eh! 'Di tumalab charm mo!"
"Hahaha! Aba palaban?" Sinuntok niya ng pabiro ang balikat ko pero madiin 'yun. Tumahimik bigla ang room, sinundan ni Tim ng tingin ang kararating lang nilang tropa sa likod ko.
"Ano yan?" It's the dying one. "Tumigil na nga kayo para kayong batang paslit." Dumaan si Axies nang dire-diretso malapit sa'min, pabagsak siyang umupo sa silya niya at nagtaas ng paa sa isang mesa.
Nakatingin siya sa tropa niya at sinenyasang lumapit na sakan'ya na parang leader.
"Boss!" Sigaw ni Tim na parang bata bago dumugin si Axies para makipag kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...