CHAPTER 7

502 32 6
                                    

Day 8
February 11

Kagaya ng nakakaraang araw, maaga ulit akong bumangon, naghanda sa pagpasok at... heto, gumagawa nanaman ng sandamangkal na Magic Sandwich.

Nga pala, magkikita ba kami? Matext nalang, wala namang masama.

To: Before March 4
Saan tayo?

Bakit may tayo? Baka dumumi nanaman ang isip niya, iniba ko nalang ang sentence.

To: Before March 4
Garden o Rooftop?

Pagkasend ko pinasok ko na ang mga sandwich sa bag at nagpaalam na kina Mama, Papa at Manang.

Malapit na ako sa campus nang magreply siya.

From: Before March 4
Ayie, ikaw na nagtatanong ngayon ah?

Bakit?! Weird ba 'yon? Mukha na ba akong stalker? Nakakahiya... I'm not really use to talking stuff.

To: Before March 4
Wag na.

From: Before March 4
Kanina pa kita iniintay.

Saktong tumigil kami sa harap ng gate ng eskwelahan, kita ko siyang nakasandal, hawak ang cellphone at nakatingin sa gawi ko.

Kanina pa kaya siya?

Lumabas agad ako ng kotse para salubungin siya.

"Axies." Tawag ko, pero 'di siya lumapit sa'kin para magtaka ako.

"Akala ko grab lang 'yan?" Turo niya sa kotse. Ay, oo nga pala. Isang pagsisinungaling nanaman. I just don't like them to know I live prestigous.

"Kapitbahay namin." Simple kong linaw nang 'di makatingin sa mata niya, bakit kelangan kong mag-explain? Kinabahan ako nang lumapit siya sa'kin unti-unti ng may nananaliksik na mga mata. "B-Bakit? Anong tingin 'yan?"

Nagbago ang ekspresyon niya, mula sa pagkasimangot bigla siyang ngumiti at sinuntok ako sa braso. "Wala namiss lang kita! Tara na." Siya na mismo ang humila ng braso ko papasok, ako naman nagpahila nalang.

Pagdaan namin sa gate, napansin kong nagtataka ang guwardiya sa pagkalapit namin ni Axies.

Oo nga pala...

Tumigil ako at tinanggal ang kamay niya.

"Ano, Axies baka may makakita," nakatungo kong iwas at humakbang paatras sakan'ya.

"Ano?"

Kinamot ko ang likod ng tenga ko. 'Di ba siya nag-aalalang may makakita sa'min? "Baka magtaka 'yung iba na magkasama tayo, alam mo—"

"So?" Nagtaas ako sakan'ya ng tingin, walang ekspresyon ang nakapinta sa mukha niya. She is quite scary. What's wrong with her? "Bakit nahihiya kang kasama mo ako?" Bumalik sa pagiging maangas ang boses niya. No, 'di maangas... inis? Galit?

Nakakakaba. And it's a warning sign that I must embrace myself.

"H-Huh? 'D-Di naman do'n. A-Ayoko lang ng issue, anong s-sinasabi mo?"

Kesa sagutin ako tumalikod siya at naunang maglakad. Galit ba siya?

"Bilisan mo."

Nagmadali akong humabol sakan'ya pero may pagitan parin. 'Di niya ako pinansin sa nakakaraang minuto kaya lubos akong nabahala. May nagawa ba akong masama?

"Ano... Axies galit kaba?" Okay, sinadya kong sabihin 'yun. Ewan ko ba ang panget kasi ng pakiramdam ko pag ganun s'ya.

Nag-intay akong sumagot siya, pero wala akong nakuha kahit pa galit ang tono. Tahimik lang talaga siya hanggang marating namin ang roof top.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon