Day 3
February 6(BAKLANG BABY BOY!)
"M-Ma?!"
Gulat akong bumangon mula sa pagkakahiga, nagkanda kumahog akong kumapa sa kama ko para malaman kung san nanggaling ang tunog na 'yun.
What was that?! Bat may palaka sa kwarto ko?!
"Aray!" Anas ko nang mahulog ako sa kama, kinapa ko ang salamin ko para makita ang cellphone.
Ano naman 'to?!
(BAKLANG BABY BOY!)
Anong ringtone to?! Teka, ang babaeng 'yon!
"Axies!" Paano niya napalitan 'yon?!
Kakaiba talaga kamay no'n! Inis kong sinagot ang tawag niya.
"Ano?!"
["Woah, galit ang kabayo."]
"Di ako kabayo!"
["Galit ang bakla."]
"Di ako bakla!"
["Sige kiss nga?"]
"Ano bang kelangan mo nanaman, Axies!"
["Woah sa tono mo parang hinaharas kita ah?"]
"Bakit hindi ba? Ano bang kelangan mo?" Tumayo ako sa pagkakahulog ko para mag-unat, sakit sa balakang ng pagkakahulog ko. It's all her fault.
["Punta kang garden ng school, dala kang sampung magic sandwich mo."]
Tumigil ako sa pag-uunat nang marinig yun.
"A-Anong dadalhin ko?"
["Yung magic sandwich mo! Mukhang may magic talaga' yun, bigla akong nagka-energy kahapon! Kaya sampo, ah?!"]
Magic? Even Albert Einstein proved that no such thing exist. Now she's saying that my sandwich has? How cute. How disgusting. How stupid.
"Teka teka, garden? Bakit?"
["Turuan mo ako ng oslo, 'yung natirang equation, bilisan mo kundi yari ka sa'kin."]
"Tss, ano nanamang parusa mo?"
["Torrid kiss, kaya bilis!"] Eww. Binaba na niya ang tawag kaya nagsimula na akong mag-asikaso.
'Di ko ba alam, pero for the first time, medyo ginanahan akong pumasok. Kasi... may makakausap--, no way! Bad trip ako, tama!
"Oh, bakit ang dami yata niyan anak?" Nilingon ko si Manang. "Para sa kaibigan mo?"
"P-Po?" Iwas kong sabi. 15 ang ginawa kong sandwich, sampo sakan'ya lima sa'kin. Was that weird? "Wala akong kaibigan," bulong ko. And I'm not interested.
"Ah... kung hindi sa kaibigan, baka ka-ibigan?" Nag-init ang mukha ko. How disgusting!
"Manang naman, gutom lang po ako."
"Ahh, weh... sabi mo eh, sya tulungan na kita."
Habang ginagawa 'yung sandwich, napangiti ako.
Magic Sandwich...
'Yun pala ang pangalan ng pagkaing ito. Mukhang sira din ang utak ng babaeng 'yun.
Dahil may sarili naman akong service agad akong nakapunta ng school. Teka... saan nga pala garden? Room, library, and bahay lang kasi ang puntahan ko.
Ow, I snap, sa pinaka-dulo pala 'yun.
Inabot din ako ng 10 minutes bago makarating sa garden na yun, hinihingal ako, hinabol ko muna ang hininga ko atsaka tinignan ang relos.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...