CHAPTER 12

430 24 2
                                    

Day 12
February 15

Pagkagising ko ng umaga 'yun' nanaman ang pumasok sa isip ko.

"Yellow symbolizes hope and Life. Soo... Live."

Nagtakip ako ng unan sa mukha.

Live?

Eh... Eh 'di nga rin niya alam ang estado ng buhay niya bakit mo pa sinabing Live Piter?

Ilang buwan, taon na nga lang ang buhay niya, paano mo nasabing Live?! Its a Lung Cancer stage 2B, paono mo nasabing Live? Pa'no?! Arg! You're... you're... she is hopeless...

Live...

Something must be wrong with me. Alam ko namang 'di 'yung utak ko ang may problema pero in my recent actions. Parang gano'n nga.

Sino ba 'ko para sabihan siya ng Live in her near death?

But, I still want her to live.

Is it weird or is it too funny?

Naalala ko ang mukha niya nang sabihin niyang takot pa siyang mamatay.

I know.

I know that feeling. At ayoko no'n, soo I wanna do something. But what can I do?

Napahiga muli ako sa higaan ng may hinihingal na dibdib kahit kakabangon ko lang. Pinagkatitigan ko ang ceiling thinking something must be wrong with me.

I heave.

Ilang araw nalang ba?

Before march 4?

Will she still... be there?

Oo diba? Oo naman...?

Bumangon ako at nagtungo sa CR para maghanda, pero pagtapat ko sa salamin ang boses niya ulit ang narinig ko. Nostalgia.

"Praning ka? Kaibigan kita."

Namalayan ko ang sarili ko na tumakbo pabalik sa kama at hinanap ang cellphone ko, pagkakuha ko no'n nag search agad ako sa Google.

What is friendship?

--

Friday, puros linisan naman ng mga booth ngayong araw, at si Axies ay sitting pretty do'n sa concrete bench at panay ang turo sa mga kaklase ko sa mga lilinisin.

'Di parin nila ako pinapansin, aniko sa isip ko habang tinitignan 'yung mga kaklase ko na 'di man lang lumapit sa'kin ng less than 3 meters. Tingin ko ay galit parin sila sa'kin. Sila Tim at ang tropa niya ay panay ang tawa sa gilid pag napapatingin sa'kin na parang naasar nila ang buong pagkatao ko dahil sa ginawa nila kahapon.

I don't even care. Narrow minded people.

Bakit sila nasisiyahan sa maliliit na bagay? Cheap. Grabe pa sila makatawa. I even heard their topic kanina, kulangot nanaman. Ang grupo man nila Lana ay tungkol sa K-pop at kung anong K-drama, 'yung ibang magkakaibigan ay kung ano-anong chismisan, bilog bilog sila sa paligid ko. Wala pa silang pwedeng pagkwentuhang may sense?

It's so noisy. Nakakairita.

Nakakairita... talaga... na sila may nakakatawanan, na sila may napag-uusapan kahit maliliit na bagay lamang, na sila may sariling bilog ng kaibigan. While being surrounded yet still alone in my position, while seeing all their happy faces makes me, weaker.

Do they have rules? Do they have requirements?

Why can't I be in their small group? Anong problema sa'kin?

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon