CHAPTER 21

394 22 5
                                    

Day 21
February 24

'Di na inintay pa ng tropang umalis ang doktor at niyakap nila nang kay higpit ito na halos ikangiwi niya. "Anong problema niyo?!"

"T-Talaga bang m-magagamot pa siya?!" Usisa ni Tim.

"M-Malaki ba ang tyansang maging cancer survivor siya huh?!"

"Kailan? Ilang taon? Paano? Huh? Huh?!"

Kesa pakinggan ang sunod sunod nilang tanong lumapit ako kay Axies dala ang tubig, medyo gulat parin 'to sa sinabi ng doktor. "Oh." Bumalik siya sa sarili at kaagad na kinuha 'yun.

"What are you feeling?"

"Ka... kabad- kagago niya pag 'di totoo 'yun diba?" Ngumiwi ako at umiling.

"Words. Isa pang mura nabawasan ko magic sandwich mo." Nanlaki ang mata niya.

"Gago 'to ah, nagbibiro lang ako no'n baliw-"

"Nine nalang."

"Okay okay chill, hindi na, akala mo sinong nag-aalala pero paparusahan din ako. Bakla." Umasik siya bago tignan nang bad trip nina Lana. "Tahimik!" Bulyaw nito na kahit ako ay nabigla, ganu'n ba siya kagalit?! "Ano pa daw gagawin ko?"

"Alam mo na ang mga bawal sa'yo, lalo na ang pangyayare kagaya kahapon." Nalaman ni doktor Venus ang nangyare kay Axies kahapon dahil ako mismo ang nagsabi. "Pag na-ulit 'yun 'di ko alam kung magiging stable pa 'yang katawan mo, 'di ito pwedeng biglain."

"Bakit anong nangyare kahapon?" Sitsit nila A.

"Tahimik! Pero pag sinunod ko naman 'yun magiging maayos naman diba?" Lumingon muli ako kay Axies, at sa unang pag-kakataon...

Nakita kong gusto niyang mabuhay. Puno ng pag-asa ang mata niya at handang gawin ang lahat. Looks like she is somewhat following the rule. This woman is like the universe itself, no limits... so magical, so mysterious and I wanna explore more about it.

"It's base on how your body progress, this is a serious case. And if it's good, then there's a 70% of healing for the Chemo-"

"Make it 101%" I smiled, she really loves 101, and if it's possible...

God, just this one, make it possible. Make it 101%.

"Let's see then." Umalis na si doktor Venus at 'saka bumalik sa katinuan ang buong tropa, nagpa-kwento na sila kay Axies kung anong mangyayare sa check up niya.

I just watch them, I remember Mom's invitation at the house para sa pagkain nila, kinuha ko ang cellphone ko kaagad.

To: Before March 4
Nagyaya sila Mama at Papa ng lunch sa bahay, go?

Agad niya 'yung nakita, umirap pa siya saakin ng mabasa 'yun and then type while the other is busy talking.

From: Before March 4
Go! Ako lang! Meet the manugang this eh!

Nag-init ang aking mukha at kumarera ang puso dahil doon, cancer nga talaga siya.

To: Before March 4
Ask them.

From: Before March 4
Hmmm, lemme see, maya ko sabihin!

To: Before March 4
K

Matapos naubos nila Tim ang cookies na kinainggit ni Axies ay nagpaalam na sila at babalik mamaya.

Nagulo 'yung bag ko dahil nagmamadali silang umalis, nakalimutan ko yata itong isara kaya nahulog siya sa lapag.

"Aish," asik ko at inayos 'yun sa couch.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon