CHAPTER 6

495 29 1
                                    

Day 7
February 10

I woke up the other day feeling numb. Pagbukas ko ng mata tulala ako sa kisame.

Ang dami kong gustong isipin at klarohin. Sobrang dami, simula pa kagabi pagka-uwi ko, kaya kahit tulog ako, 'yun 'yung pinagmumunihan ko, at ngayong paggising ko.

Tumagilid ako at pinaginteresan tignan ang alarm clock.

It's 5AM.

After one hour, it's 6AM

After another 24 hours...

Its 5AM again. Kinabukasan na.

Another 1 week...

And another week...

And another week...

Examination day na.

It will be March 4 before I knew it.

The other week I was wishing badly for March 4 to come, bakit nag-iiba ang ihip ngayon araw? Just because of that lung cancer?

"Piter?" Umupo ako sa kama nang marinig ang boses ni Manang sa labas, agad akong tumayo para pagbuksan siya ng pintuan.

"Good morning, Manang..." Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko, umatras ako ng ilapit niya ang palad sa'king noo. "Manang, anong ginagawa mo?"

"Ang lungkot ng boses mo, ayos kalang ba? Saan kaba kasi nagpunta kagabi"

"Manang, ayos lang ako."

"Baka inaatake--"

"Hindi po--"

"Iniinom mo ba gamo--"

"Manang..." Kinamot ko ang batok ko. Ayoko talaga 'yung pinag-uusapan. "Sila Mama?"

"Oo nga pala, bumaba kana, nag hahanda na sila para sa Sunday service bilisan mo ah." Tumango ako bago isara ang pinto para maghanda na sa pagpunta sa church.

Well... that's a duty, I must come.

Pagkaligo ko, naghanap ako ng maayos na damit... teka, bakit pa ako maghahanap eh pare-parehas lang naman damit ko?

Kundi polo, T-shirt.

Kaya siguro ako matawag na nerd. 'Di kasi ako maalam sa fashion, malay ko ba. Kesa magpili sa dalawang istilo T-shirt na black na pinatulungan nalang ng puting polo ang sinuot ko.

Lalabas na dapat ako nang maalala kong kailanan ko nga palang uminom muna ng maintenance—

(BAKLANG BABY BOY!)

Humawak ako sa dibdib sa sobrang gulat ng tumunog ang telepono ko. Aish! 'Yung ringtone na 'yun! 'Yung palaka nanaman na 'yun.

Agad ko 'tong sinagot nang may nakasimangot na mukha.

"Ano?!"

["Woah kalma, lagi kang galit ah? Parang kagabi lang sobra ka pang nag-aalala saakin."] Sandali akong natigilan.

Yung boses niya. It's nostalgic. Kinalma ko ang sistema ko bago sumagot. "Ano 'yun?"

["Hmm, wala akong gaawin ngayong umaga, I'm bored baby boy."] Ngumiwi ako sa boses niyang kulot.

"Nasan kaba?" Nagtakip ako ng bibig, bakit ko 'yun tinanong?!

["Ako? Hmm... park lang."]

"Teka, 'di kapa umuuwi?"

["Mamaya pa... bakit nag-aalala ka?"]

"Sa baga mo."

["Aray ko naman, pranka mo, baby boy."]

"Stop calling me baby boy."

["Baby girl?"]

How cute. How disgusting. "Ano ba 'yun, Axies?"

["Taray mo, ah? May gora ka?"]

"Oo..."

["Saan?"] Parang bata ang boses niya na kinangiwi ko at med'yo kinatuwa, ay teka tuwa? No way.

Baga lang ang inaalala ko sakan'ya, 'di siya. Yeah...

"Bakit ko kailangang sabihin?"

["Hoy boss mo ko."]

"Hahaha, sino nagsabi?"

["Hmm, ayaw mo ng boss, sige syota nalang."]

Kakaiba talaga ang babaeng 'to, pinapasikip n'ya dibdib ko.

"Sisimba kami." Lumapit ako sa mga bote ng gamot para uminom na.

["Simba? Woah, kakaiba ka talaga, Kristiyano ka?"]

"Oo, bakit?"

["As expected. Saan kayo nagsisimba?"]

"Sa ELH, bakit?"

["Ah... "] Aniya sa kabilang linya. ["Okay. Anong oras na pala, uwi na ako."] Bigla niyang pag-iiba ng usapin.

"Sige?" Namatay na ang kabilang linya. Tignano mo, tatawag tapos biglang papatayin. Weird ng babaeng 'yun.

Pagkatapos kong tapusin ang mga gagawin ko bumaba na ako para kumain kasabay sila Mama at Papa. Busy man sila buong linggo talagang binibigyan nila ng oras 'to. 'Di ko rin alam para saan.

Anim lang naman kami sa bahay, si Mama, Papa, ako, Manang yung secretary ni Manang at 'yung driver kaya sabay sabay na kaming pumunta ng Church.

Normal lang na service ang nangyare, always, worship, preaching... at malamig na aircon.

"Bakit ko 'to dinadanas? Bakit sa lahat ng tao ako? Napaka daya mo naman, Panginoon." Sabi ni Pastor Titan sa entablado, nanatili akong naka-ayos ng upo kahit nakuha nito ang atensyon ko. "Minsan talaga, o parati, pag may problema, una nating tinatanong, bakit? Bakit Mo 'to binibigay?" After ng service dumiretso ako sa Cell group namin.

Nang magkatipon na kami nagyaya 'yung leader namin na pumasok ulit sa loob ng venue para magmano kay Pastor.

"Tara na guys! Nandoon si Tatay," yaya ni Kuya Faith, I'm just one of the member so I agree. 'Di naman ako makakapalag.

"Good morning po, Tatay," bati ko sakan'ya matapos nagpilit ng ngiti.

"Good morning din, anak," sagot nito at hinawakan ang aking ulo, lumipat naman ako para pagmanuhan ang Pastora namin.

"Oo... Pastor tatay ko, at alam na alam ko 'yun." Lumambot ulit ang pananalita n'ya, nakatitig s'ya sa kawalan. "Pero 'di niya alam... na may anak siyang nag ngangalang Alexies."

Natigilan ako sa paglapit kay Pastora para magbalik tanaw kay Pastor.

Oo nga pala... Pastor din daw tatay ni Axies. Sa sobrang bigla ko tungkol sa nanay n'ya kahapon nakalimutan ko kahapon na itanong 'yung tungkol sa Tatay niya.

Is it not wrong to ask why doesn't she have contact with her father?

'Di kaya siya ma-offend?

Pero... 'di ba gusto niyang nagke-kwento sa'kin? Ayaw pa nga niya akong paalisin.

I smiled. Teka, bakit ako natutuwa sa isiping 'yun? Ang weird ko.

Umayos ka nga, Piter.

Nakakairita ka.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon