CHAPTER 4

569 31 2
                                    

Day 5
February 8

"Baby boy!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Axies sa labas ng gate. Kakalabas ko lang ng kotse dahil kakarating ko lang naman ng eskwelahan.

Pinasok ko sa loob ang ulo ko para tignan si Manong Fer na tinignan din si Axies, baka maghinala at magk'wento kina Mama. I don't want them to get confuse why I'm hanging out with this basag-ulo.

"A-Ano po, sige na mauna na po kayo... kaklase ko lang po siya." 'Di ko rin alam kung bakit ko 'yun sinabi. Pero dapat talaga akong mag-explain... diba?

Awkward naman talaga pag may nag-iintay sa'yong babae... tinawag kapang Baby boy! Kakaiba ka talaga Axies, sarap mong iligaw sa gubat.

"Ah akala ko kasintahan niyo hahaha." Nangiwi ako sa sinabi ni Manong at hinagod ang dibdib ko sa kaba.

"Naku 'di po, pusang ligaw lang 'yan... 'W-Wag niyo na pong banggitin kay Mama, ah?" Tumango ako nang natatawa.

"Oo naman Piter, kakampi mo ko! Sige na! Iniintay kana ng nobya mo." Mapahilamos ako sa mukha. This is so nakakairita.

"D-Di ko nga po siya... sige na po. Mauna na nga kayo." Sinara ko na ang pintuan ng kotse, inintay ko munang umalis ang kotse namin bago ko harapin si Axies na parang kagalang galang.

"Hmm, mayaman ka pala?" Tanong niya, nagbago itsura ng mukha n'ya, para na siyang detective. Natawa ako ng peke.

"A-Ako? No, grab 'yon." Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa kinakalawang na gate ng eskwelahan.

"Ayun! Akala ko naman mayaman kang baby boy ka, holdapin pa man din kita." Lumapit siya saakin at naglahad ng kamay. "Magic Sandwich!"

Gumaan ang loob ko ng natawa ng kaunti. She is really kinda different when with me.

"Nasa bag, maaga pa naman, 'di kaba mag r-re-review? Garden or rooftop?" Nahihiya kong sabi. 'Di naman sa inaaya ko siya! Baka kasi may makakita sa'min, yep! Ayun! Baka may makakita sa'min dito.

Ngumiwi siya at sinuntok ang braso ko. "Inis naman, review na 'yan! Sige na nga. Gutom narin naman ako tara na!" Pinauna ko siyang maglakad papasok sa eskwelahan, dumistansya ako sakan'ya ng tatlong metro para walang makapansin na magkasama kami.

Ayoko kasing isipin ng iba na close kami. Like, I don't really wanna get involve with her famous background. Amazona, basagulera, basag ulo, high way to hell.

"Bakit ang layo mo?"

"Hmm?" Gulat kong tugon, patuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik papuntang garden. Nakatalikod parin siya sa'kin, nakalagay ang dalawang kamay sa likod at pamuni-muning tinitignan ang ibon na naglalaro sa punong nadadaanan namin.

"Sabi ko bakit ang layo mo? Ayaw mong ma-attract sa'kin?"

Kapal talaga. "Ayoko lang."

"Tss, ahhh, okay." Katahimikan ulit ang bumalot sa'min. Dahil 'di naman siya nakaharap sa'kin, malaya kong natignan ang kabuuan ng likuran niya.

'Di naman payat si Axies, katamtaman lang ang payat niya... siguro dahil sa sakit niya kaya bumaba ang pangangatawan niya ngayong taon.

Makinis at maputi din siya, 'yun 'yung karaniwang pinagkakaguluhan ng ibang section, 'yung kutis niya kaya ang daming nanliligaw sakan'ya, ang haba din ng buhok niya, hanggang bewang niya at unat na unat 'yun, kakulay ng gabi.

Kung 'di nga lang sa maangas niyang mukha 'di panghihinaan ng loob 'yung pumoporma sakan'ya, lagi kasi siyang naka-nude color na makeup. Atsaka makapal ang eyeliner niya... kulang nalang maging Avril Lavigne siya ng eskwelahan.

Season Series : Before March 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon