Day 6
February 9Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Papa.
"Yes?" Tugon niya sa loob, pinihit ko ang door knob at pumasok na, nakaupo siya sa lamesa nito at may binabasang article sa laptop niya, mukhang tungkol nanaman sa Cardio Vascular tissues...
Doctor tatay ko. Cardiologist to be exact.
"Yes anak? May kailangan ka?" Kumamot ako sa ulo ko pagkaupo sa silya.
"Ano po kasi Papa..."
Pa'no ko ba 'to sisimulan? Close naman kami ng parents ko, binibigay naman nila 'yung kalayaan ko even in my situation, pero iba kasi 'to, gabi pa.
"Go on, may problema ba? Project? May nanggugulo sa'yo?" Inayos ni Papa ang salamin nya na mukhang binabasa ang kilos ko. Nanggulo? Panggugulo ba 'tong ginagawa ni Axies? But, I'm kinda enjoying it. Wait, what?
Umiling ako. "Di po, Pa... ano, may kelangan po kasi akong puntahan mamayang 7PM... ano, malapit lang naman po, sa may convenience store lang."
Nagtataka ang itsura ni Papa. "Kaibigan?" Tanong niya.
Haist, another kasinungalingan. My father knows I don't know anything about that 'kaibigan'.
"Opo, m-may kailangang gawin sa, sa deadline niya."
"Mamayang 7pm?" Tumango ako. Sana payagan ako. Curious na talaga ako kay Axies. "Sige pinapayagan kita, mag paalam ka din sa Mama mo at kay Manang huh?"
"Talaga Pa?" Nabuhayan ako ng dugo dahil doon. I mean, am I dreaming?!
"But... know your limits, young man, okay? Alam mo naman ang kundisyon mo." Tumango ako.
Alam ko naman 'yun eh. I have been living with that for my whole life. Nakatatak na 'yun sa isip ko.
"Sige po Pa, labas na ako... salamat po ulit."
"Always anak... you know what to do, okay?" Bahid sa mata niya ang pag-aalala.
"Yes po."
Pagkalabas ko sa opisina ni Papa 'di ko maiwasang mapangiti, agad akong nagtungo sa k'warto at tinext si Axies.
To: Before March 4
Pinayagan ako ni PapaHumiga ako sa kama at 'di maiwasang ma-excite. Naglalaro sa isip ko 'yung mga tanong na... Ano kayang sasabihin niya? Ikekwento niya?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko.
From: Berore March 4
Masaya kana niyan? Bakla talaga.Abat?! Ilang salita lang pero nagawa na niyang baguhin ang mood ko. Nakakairita! Kinabahan kaya ako ng sobra.
To: Before March 4
Tss!From: Before March 4
Joke lang baby boy! Nga pala, mamaya, dala kaparin ng Magic sandwich ah?To: Before March 4
Utot moPagkasend ko... nanlaki ang mata ko!
Nasend ko ba talaga ang pangit pakinggan na salitang 'yun?! Aish! Nakakahiya! Paano pag nalaman ng iba?! Wala na akong pinagkaiba sa mga kaibigan niya! This is so... so... disgusting.
Napagulo ako ng buhok.
Kasi ang Axies na 'to eh! 'Di ko tuloy namalayan na 'yun na pala ang tinatype ko! Nakakainis!
From: Before March 4
Aba... may paganyan kana ah? Gusto mo amuyin?To: Before March 4
Nag-auto type
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...