Day 10
February 13Sivillian lang kami ngayong araw at kelangan nang tapusin ang booth na sinimulan kahapon...
Kahapon...
Naalala ko lahat ng nangyare kahapon. Bigbang. Ang pinaka-turning point ng buhay ko. Ang katapusan ko.
Bago lumabas ng sasakyan huminga ako ng malalim at inisa-isa ang ala-ala kahapon. Gusto kong magwala. Totoo lang... gustong gusto ko.
Pagkatapos ng eksena kahapon sa tapat ng buong kaklase ko nagkulong ako sa rooftop at inintindi kung anong kabaliwan ang pinasok ko.
I mean... Gang 'yung binangga ko 'di lang basta tropa! At 'di lang basta simpleng gang, ang pinaka basag ulo sa lahat! Jupiter Sy, okie kalang? Baliw ka eh!
Bakit kasi s'liya humarang kahapon?! Naalala ko tuloy mukha ni Space.
At isa pa ang Space na 'yun! Bakit iritang-irita ako sakanya kahit dati ay close naman kami?
Ano bang problema mo, Jupiter Sy? Umayos ka mga wala ka namang sayad sa utak!
Paano ko sila haharapin? This is a mess. Nagbeep ang cellphone ko ng biglaan... nanaman.
Text nanaman mula kay Axies, simula din kahapon text siya ng text pero ayo'ko talaga sakan'yang magpakita kaya di ako nagreply ni isa.
From: Before March 4
Problema mo ba talaga? Balak sana kitang intayin sa gate yun lang feeling close yung teacher na blooming daw kaya nagpadala ulit ng bag at kinuwentuhan ako, sumakay nalang ako kasi sipsip nga diba, malay mo gawing 90 yung 85, nga pala iniintay ka pala sa room kita nalang tayo doon.Gusto ko nang matawa pero nalakaiyak yung last sentence ng text niya eh, nakakaiyak.
Nag-iintay ang buong section? Seriously? Lahat sila reresbakan ako?! Mama...
"Manong... Pag may nangyare sa'kin, pakidiligin lagi 'yung sunflower... Alagaan mo silang mabuti. Mahal ko 'yung mga 'yun." Basag ang boses kong sabi sa driver.
"Po?" Umiling ako.
"Ingatan mo po sila Mama... Papa."
Pumasok ako ng loob ng gate, kanina ko pa ramdam ang pag-vibrate ng BPM monitor ko sa pulsuan pero 'di ko 'yun pinansin. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Parang kabayong mawawalan ng hininga.
Kasi naman... kasalan 'to ni bao — Space — I mean ako! Ako ang may kasalanan kaya deserve ko 'to!
Ako dapat ang may magandang ehemplo pero ako ang pasimuno! Napaka sama ko... kaya buong puso kong tatanggapin ang resbak nila.
Sana kayanin ko... sana 'wag kong maunahan si Axies na mamaalam, 'di pa ako handa.
Nagsimula na akong mag hyperventilate, I mean palpitate lalo na at ilang hakbang nalang ang room namin sa'kin. 'Di naba talaga pwedeng maitama ang pagkakamali ko? Kaya ko namang magbago eh...
Kainis na buwan ito. Haharapin ko nalang sila, tama! O mali?
Nabawasan ang kaba ko nang 'di ko makitang nasa harapan sila ng pintuan nakatambay.
Siguro bibiglain nila ako ng suntok. Ito naba 'yung time na magba-back out ako?
Hindi... Kailangan kong tanggapin ito.
Pagtapak ko sa loob ng classroom tumahimik ang lahat, mapababae man o mapalalake, para silang mga estatwang 'di gumalaw kung nasa'n man sila at nakatingin sa gawi ko.
Sabi na eh...
Mukhang lalabas dapat si Tim pero napatigil din ito sa harapan dahil sa presensya ko. Wala yatang balak na magsalita ni isa sakanila kaya tumungo ako.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Короткий рассказ"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...