Day 17
February 20Inabot ko sakan'ya ang sampong magic sandwich, gulat niyang hinablot 'yun at 'di ako maiwasang mahampas.
"I love you talaga baby boy." Tumango ako at inayos ang 'di naman magulong salamin bago umupo sa table tabi niya. Pinanood lang namin ang araw na sumusunog sa balat namin habang rinig ang ingay sa baba ng mga istudyante. "Kagat." Tinapat nito ang isang sandwich sa'kin, gulat akong tumingin sakan'ya. "Bakla ka talaga, kagat sabi."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa lapit nito, at para nakaiwas sinunod ko ang utos n'ya matapos 'yun kumagat din siya sa maangas na paraan. How could she still look like a badass with her cancer?
Winasik ko sa isip ko ang cancer na 'yun... pero 'di ko maiwasang mag-alala. "Kamusta naman?"
"Ako?"
"Sino paba?"
"Malay ko."
"Kamusta daw cancer mo?"
"Ayun cancer pa din." Hinarap ko ito ng may inis na ekspresyon, natawa ito at inubos muna ang sandwich. "Wala naman kasing espesyal, bakit anong tingin mo? Magiging maayos? Oy! Baka naman gusto mong lumala?"
"No of course."
"Wow. Crush mo nga ako!" Bulyaw nito at tinuro ako, tinabig ko 'yun nang marahan.
"Di kita gusto."
"Sige kiss nga?" There's goes that legendary line.
"It's almost class hour, bilisan mo na dyan."
"Kiss nga muna!" Ang amazona niyang itsura kanina ay napalitan ng pagiging bata habang nakanguso at hinihila hila ang manggas ko. Sa asar ko lumapit ako dito at siya naman ang umatras ng bigla.
Ngumisi ako at pinitik noo niya. "Ikaw yata bakla."
"Babae ako!" At hinawakan pa nito ang dibdib niya na kinapigil pula ng mukha ko.
"Sige kiss nga?" Pang-aasar ko.
"G-Gago ka?!" Umalis na ako sa table at pinagpag ang yuniporme.
"Tara, pasok na."
"Opo, opo Tay!"
Bumalik na nga kami ng klase, nagbahid nanaman ang lungkot sa mata niya nang makitang wala ang buong tropa niya sa loob ng room. Nanatili lang akong tahimik dahil 'di rin naman siya nagtatanong.
Pag-upo ko sa pwesto ko mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nagsimulang maggawa ng dahilan para sa mangyayare mamaya.
To: Mama
May group project po kami sa bahay ng kaklase ko, baka gabihin ako.Matagal kong tinignan ang text bago napahilot sa gilid ng mata. Here I am, lying again. Binura ko ng text at nagsimula ng bago.
To: Mama
Puwede po ba akong sumama sa mga kaibigan ko mamayang gabi?Kumunot ang noo ko at nakatitig sa screen ng cellphone. Kaibigan ko? Is this word really coming out from me because of those suck-up-life teenager whose life are highway to hell?
Binura ko ng mabilis ang text at sinend nalang kay mama ang unang tinext ko. Nakarecieve agad ako ng reply.
From: Mama
Hanggang anong oras? Kailangan ba talaga iyan? Huh? Di ba ako puwedeng sumama?Napatampal ako sa noo.
To: Mama
Kaibigan ko naman po kasama ko, 'di ako magpapakapagod.Kaibigan? Tss, what a lier Jupier. Huli na bago ko pa man mabura ang text dahil aksidente ko itong nasend dahil sa panggugulat saakin ni Axies, agad kong tinago ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...