Day 23
February 26Lulan ng imahinasyong na mga mata niya lamang ay sapat na para ako'y mabuhay, nagising ako sa isang panaginip.
Tunog ng aking makinang ang sumalubong saakin, puting kisame, bumuga ako ng hangin at napansin ang takip saaking ilong at bibig na nagbibigay hangin saaking loob.
Sobrang bigat ng aking pakiramdam, lantang gulay... mas malala ito kesa sa nakakaraang taon, sinubukan kong tumayo hanggang mapansing ang daming apparatus ang nakakabit saakin... I can't move.
I tried to say a word but I failed. Questions comes crashing unto me.
Anong nangyare?
Bakit nandito ako?
Si Mama?
Si Papa?
Ang tropa?
Si Axies- si Axies...
Dumaloy saaking utak ang nangyareng insidente bago ko isara ang aking mata na tanging si Axies lamang ang tinignan.
"Gusto kita Piter. Gusto kong mabuhay para sa'yo."
Nasan siya? Nalaman naba niya-
Nabali ang aking pag-iisip dahil sunod sunod na ang ingay ang aking narinig matapos akong makitang gising ng isang nurse.
Tumakbo ang ilang tao saaking paligid, nangunguna dito si Papa na nagtutubig ang mata, mabilis siyang gumawa ng eksamina saakin, inikot ko ang aking paningin dahil 'yun lamang ang magagawa ko sa panahong ito.
Sumentro ang aking tingin sa isang doktor na 'di rin mapakali. Si doktor Venus... Si Axies, baka alam niya kung nasaan si Axies! I need to talk to her!
"Can you hear me? Huh?" Pumikit ako bilang sagot kay Papa, with all my strenght, tinaas ko ang kamay at tinuro ang nakatakip saaking bibig, tinanggal niya 'yun at nag-intay saaking sasabihin.
Nanatili ang tingin ko kay doktor Venus na ganu'n din ang ginawa.
"S-Si Axies?" 'Yun agad ang lumabas sa tuyo kong labi at nangangatal, bigkas palang ay tumulo ang luha saaking pisngi na 'di ko mapigilan. "Si Axies? W-Where is she?" Almost pleading.
But he didn't answer making me sicker.
Mula sa Intensive care unit na kinalagyan ko ng mahigpit dalawang araw nilipat na ako sa normal na kwarto, nanatili parin ang gamot saakin at mga sched check up para sa mga susunod pang hakbang na dapat gawin para sa naging heart attack.
I was passed asleep for almost two days... what could have Axies done? Ano? Was she fine? Was she happy? Was she in agony- please no...
Umalis ang mga nurse at doctor matapos ilagay ang kailangan saaking katawan, naiwan sila Mama at Papa na seryoso ang mga mata, nanatili akong nakaupo sa gilid paharap sakanila.
Bakas parin sa mata ni Mama ang luhang nagbigay bangungot sakan'ya, at ang itsura ni Papa ay pagod na pagod. I caused this.
"Si Axies?" Call it selfish... but I want to see her badly, so bad that I could die not knowing what happen to her, what's in her thought. Kita ko ang pag kuyom ng kamao ni Papa.
"Get some sleep," saad ni Mama kahit gaano ako kadesperado sa sitwasyong ito.
"Si Axie-"
"Sleep, tomorrow will be another check up-"
"Si Axies?"
"Sleep-"
"Si Axies?" Naramdaman nilang 'di ako papapigil kaya't tumayo si Mama, nilapitan ito ni Papa para pigilan na agad niyang kinailing.
BINABASA MO ANG
Season Series : Before March 4
Short Story"To live limitless..." What is the season of Your life? Summer is approaching, the season where the sun lingers in every smile, and it's a taste of heaven for Jupiter who never wanted anything but a peaceful life and finish his Junior high school. B...