Chapter 9

176 15 0
                                    

The greatest of fears

Nagkakagulo ang buong palasyo mapa kawal, tagapaglingkod at maging mga tagapagpayo. Ika-sampu na ng umaga ngunit hindi parin nila matagpuan ang prinsesa. Kaliwat kanan ang lahat, wala silang alam na maari nitong puntahan maliban sa loob ng palasyo dahil walang binabang usapin ang hari upang lumabas ito ng palasyo.

IKALAWANG araw na at ganun parin ang kalagayan ng buong palasyo hindi nila ito nais ipabatid sa mga mamayan kung kaya't mahigpit na ipinagbabawal ang paguusap tungkol sa prinsesa.

"Mahal na hari bakit hanggang ngayon ay wala parin ang prinsesa?" Tanong ng punong hukbo.

"Nais kong hanapin niyo sya sa mga karatig-kaharian"sagot ng hari.

Sa isip nito ay kailangan niyang magmukang nagaalala ng labis na totoo naman dahil hindi pa sya sigurado kung makakaligtas ang kanyang anak hanggat naririto pa siya sa kanyang lupain.

"Ngunit pano itong nakaalis ng walang nakakaalam?" Takang tanong pa nito.

"Sigurado akong dinukot ang Prinsesa at hindi na ko magtataka kung ang taksil na reyna ang pasimuno ng lahat"masakit man sa damdamin ng hari na sabihin iyon sa reynang minsan nya ng inibig at pinagkatiwalaan. Wala na siyang ibang magagawa dahil para rin ito sa kaligtasan ng kanyang prinsesa.

"Hindi iyon basta basta magagawa ng reyna dahil wala---"seryosong tinititigan ng hari ang punong hukbo. Hindi na siya magtataka kung ito ang kasabwat ng reyna para makatakas ngunit ala na syang ibang magagawa kundi sundin ang plano.

"---ehem ang ibig ko pong sabihin ay hindi madaling makalabas ng palasyo" Tumikhim pa ito at naging malikot ang mga mata. Alam nyang matatalo sya sa oras na sumugod ang kalaban hindi dahil sa mahina siyang hari kundi sa mga taksil sa kanyang pamumuno.

Wala na syang oras para sibakin at parusahan ang mga ito. Matalino ang hari at mabilis magisip. Pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay nakaisip na siya ng mga plano at kung paano ito maisakakatuparan.

"Narinig mo na ba ang mga huni ng pusa? nang isilang ito ay maamong pusa ang itsura magandang tingnan....kahalihalina....ngunit habang lumilipas mumunting kuko'y humahaba...maliliit na ngipi'y tumutulis hanggang sa isang umaga'y tangay tangay pagkaing kanyang bihag...Ano sa tingin mo ang nilalang na iyon?" Mahabang usal ng hari.

Sa itsura ng punong hukbo ay halatang hindi niya nauunawaan ang biglaang pagbibigkas ng hari. Sa tagal ng nagtatrabaho rito ay madalang lamang itong magtanong at lalo na ang manggulo ng isang isipan.

"H-hindi ko po alam kamahalan" Lumuhod ito matapos sabihin ang mga katagang iyon.

"Ngayon ang nilalang na iyon ay isa pa lamang kasing among pusa...mahinhin...malambing...sa ngayon ay mahina pa ito na miski ipis ay di kayang banggain....sa oras na lumaki ito...sya ring pagbagsak ng nasa taas dahil handa ng bumalik ang Lion." Usal pa nito.

Sa isip ng punong hukbo ay na babaliw na ang hari. Kung pagpaslang lamang ay madali na sa kanya ngunit hindi pa sa ngayon. May tamang oras para sa lahat.

IKA-APAT na araw. Nagambala ang tahimik at malumbay na palasyo sa isang sigaw ng tagapagsilbi. Agad lumapit ang mga kawal at nagsipagtago ang mga tagapagsilbi.

Ang lahat ay pumunta sa pinanggalingan ng tinig at ito ay sa tapat ng kwarto ng prinsesa. Nanginginig ang mga kamay nito at balisa miski ang pagiyak ay hindi na nito magawa dahil sa labis na pagkabigla.

Agad na nalerto ang punong hukbo. Siya ang nagbukas ng silid. Sa una ay tila nabunutan ito ng tinik ng makitang may nakahiga sa kama ng prinsesa.Sa isip niya ay mas mapapadali ang plano kung mananatili ito rito.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now