Chapter 48

153 13 0
                                    

Hazy

Matapos ang pagtatatak ng ilang mga bagong batas na pinalulunsad sa buong kaharian ay naglibot libot rin ako sa bayang lungsod upang suriin ang kalagayan ng aming mga mamamayan roon maging ang mga mas pinataas na seguridad at bakod ay amin ding sinuri.

Bago magtanghalian ay nagpatupad rin kami ng libreng pagpapakain at bigas sa mahihirap sa timog na bahagi ng kaharian. Batay sa mga datos mula ng magsimula ang aking pamumuno ay unti-unti namang gumaganda at bumababa ang pursyento ng mga mamamayang nagugutom kaya isang malaking kabawasan na iyon sa aking mga isipin.

"Mahal na Reyna tapos na po naming ayusin ang inyong higaan." Magalang na saad ng mga tagapaglingkod.

Mag iika-anim pa lang ng gabi ngunit heto ako at naghahanda na sa aking pagtulog. Tila pagod na pagod ako sa maghapon kahit hindi naman ako gaanong napagod sa aking mga ginawa kanina.

Tinanguan ko muna sila bago umupo sa gilid ng aking kama. Tanging damit na pantulog na manipis na lamang ang aking isinuot total naman ay mataas ang temperatura at klima ngayon sa buong kaharian dahil narin sa nalalapit na anihan.

Hindi ko parin maiwasang mabagabag sa aming napagpulungan kanina. Kahit anong paliwanag at pagpapaintindi ay mananatiling sa salitang kailangan ko ng tagapagmana parin hihinto ang lahat.

Napakamot na lamang ako sa aking pisngi dahil sa aking mga isipin saka inabot ang baso ng tinimplang gatas sa gilid ng aking kama. Nakasanayan ko ng uminom nito bago matulog.

DAHAN dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa aking pagkakatulog. Kinusot kusot ko pa iyon ngunit pakiramdam ko parin ay natutulog pa rin ako.

'Nais ko pang matulog....

Kaya parang lantang gulay akong bumalik sa aking pagkakahiga at natulog muli. Ngunit ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo ng marinig ko na naman ang mahinang kaluskos na aking narinig kanina lamang kaya naiinis akong muling umupo sa ibabaw ng aking kama.

"Mga kawal?" Malakas na sigaw ko ngunit ilanginuto na ang lumipas ay wala parin sila kaya napakunot na lamang ang aking noo dahil roon.

"Ano ba naman yan Furi! Malamang ay namamahinga na ang mga iyon." Mahina kong anas saka napakamot sa medyo magulo ko ng buhok.

Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa aking kama saka wala na sa isipan na manipis lamang ang aking kasuotan. Maingat ang bawat pag galaw na tinungo ko ang teresa kung saan ko naririnig ang mahihinang kaluskos.

Agad na nangilid ang aking mga luha ng masilayan ko kung sino ang nasa labas. Kung kathang isip lamang ito--wala naman sigurong masamang mangarap dahil napakaimposible nitong mangyari.

Kahit alam kong imposibleng makita ko siya rito ay masaya akong muling masilayan ang gwapo nitong mukha bagamat may taglay talaga itong kakisigan ay sa aking gunita ay mas lalo pa siyang gumwapo.

Agad akong napailing sa aking mga hakahaka kahit alam kong napakaimposible ng aking mga nakikita marahil ay dala lamang ito ng pagod sa aking mga ginawa. Kaya agad akong tumalikod rito saka akmang isasara na ang pintuan ng teresa ng agad niya iyong pinigil.

Kung kanina ay halos kalahati lamang ng mukha nito ang aking nakikita dahil sa liwanag ng buwan ay malinaw ko ng nasisilayan ang tila nakakahipnotismo nitong mga mata.

Agad muling nangilid ang akih mga luha kaya pilit kong inaalis ang pagkakaipit ng mga kamay nito sa pintuan ng teresa ngunit nabigo ako. Agad niyang binuksan ng maluwang ang pintuan kaya nanghihina akong napaupo sa malamig na simento ng aking silid.

Napatakip pa ako ng aking bibig upang pigilan ang mapahagulhol. Natutuwa akong muli syang makita pero bakit parang may humihila sa akin pabalik sa mga nakalipas na taon na nagdadala ng sakit sa aking dibdib.

"My Wife." Mahinang saad nito saka lumuhod sa aking harapan at niyakap ako nang mahigpit.

Halos ipalupot ko na ang aking mga braso sa kaniyang leeg sa higpit ng aking pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko na rin mapigilang mapahagulhol dahil sa kaniyang pagkakayakap sa akin.

"I-I am s-still your w-wife e-even I marry someone else r-right?" Mahina kong usal habang mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya.

Agad akong naalerto nang maramdaman kong kinakalas nito ang aking mga braso sa aking pagkakayakap sa kaniya kaya mas lalo ko pang pinalupot sa kaniyang leeg ang aking mga kamay kahit alam kong nahihirapan na siyang umiyak.

"D-Diba?P-Please tell me that I am still your wife!" Halos namimilit ko ng saad sa kaniya.

Halos manlumo at napatakip na lamang ako ng kamay sa aking mukha ng mapagtagumpayan niyang alisin ang aking mahigpit na pagkakayakap sa kaniya.

"Face me" Matigas nitong saad.
Ayoko! Natatakot ako! B-Baka hindi siya pumayag!

Pawang pag-iling lamang ang aking naging tugon sa paulit-ulit na kaniyang inuutos sa akin.

Naramdaman ko na lang ang marahang paghawak niya sa aking baba saka unti-unting inihaharap sa kaniya. Agad na sumalubong sa akin ang maamo nitong mukha na minsan ko lamang masilayan at ngayon na lang ulit ito nangyari.

Ilang beses pa akong umiling sa kaniya habang patuloy paring umaagos ang aking masaganang luha na naipon simula ng ipaubaya niya sa akin ang aking kahilingan.

"My wife is really beautiful even though she's a cry baby...so adorable" Malambing nitong saad habang mahina pang natatawa kaya napahinto ang pagtulo ng aking mga luha at natulala na lamang sa nakangiti niyang mukha.

Hindi ko na namalayan na marahan ko na palang hinahaplos ang pisngi nito gamit ang kaliwa kong kamay. Hinawakan rin niya iyon saka mas lalo pang idinikit sa kaniyang mga pisngi.

"Walang magpapakasal sa iba. Naiintindihan mo ba Mahal ko?" Pinal na saad nito kaya kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.

Sa pang-apat na pagkakataon ay muling naglapat ang aming mga labi ngunit hindi tulad noon na siya lagi ang nagpapasimula. Buong puso kong tinugon ang bawat paggalaw ng kaniyang labi. Ramdam ko rin sa kaniya ang pagkabigla at saya dahil sa unang pagkakataon ay ako ang gumawa ng mga bagay na siya dati ang gumagawa.

Naramdaman ko na lamang ang marahan kong pagangat mula sa pagkakaupo sa malamig na semento. Parang may sariling buhay ang dalawa kong brasong pumalupot sa kaniyang leegan habang hindi parin napuputol ang halik.

Maging ang aking mga binti ay akin naring pinalupot sa kaniyang baiwang. At kung ano man ang patutunguhan nito malugod ko itong tatanggapin. Kahit alam kong napakaimposible nitong mangyari.

Naramdaman ko na lamang na maingat niya akong inihiga sa aking kama habang hindi parin napuputol ang pagsasamyo ng aming mga labi.

"A-Are you aware of what we are doing and what may the possible consequences were going to face after this?" Hinihingal nitong saad ni hindi ko man lang namalayang halos nahubaran nya na pala ako.

"I-I love you" Namumula kong saad matapos nitong pasadahan nang tingin ang aking kabuoan.

Tila isa iyong hudyat sa isang labanan sa pagitan naming dalawa. Sa mga lumipas na minuto ay halinhinang impit na halinghing lamang ang maririnig sa kabuoan ng aking silid.

Ni hindi ko man lang naisip na baka may makarinig sa amin. Ang mahalaga sa akin ay kung ano ang kaganapan ngayon. Masakit mang ungkatin ang aming simula ay wala parin akong kasiguraduhan kung hanggang kailan tatagal ang sakit na iyon. Basta ang alam ko lamang sa ngayon ay puso ko ang susundin ko.

NAALIMPUNGATAN ako sa maliliit na tinig na nagmumula sa aking paligid. Napakasakit ng aking katawan at tila ay aapuyin ako ng lagnat. Nilalamig rin ako at kahit gumalaw lamang ng kaunti ay tila pinupunit sa gitna ang aking buong katawan kaya kahit nahihirapan ay ginawa ko paring imulat ang aking mga mata.

"Tumawag kayo ng mga manggagamot!Inaapoy ng lagnat ang kamahalan!" Narinig kong natatakot na saad ni Ginang Felina hindi ko man makita ang ginagawa ng iba ay nakikinig na lamang ako sa mga maliliit na ingay na kanilang ginagawa.

"Mahabaging Langit! Napakataas ng lagnat ng kamahalan! Saan nang galing ang mga dugong nagkalat?" Narinig ko pang usal ni Ginang Felina bago ako muling hatakin ng antok.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now