Chapter 2

328 21 1
                                    

Against The Rule

Maaga akong gumising, ginawa ang dapat gawin at maayos ang tikas na lumabas ng aking silid. Agad akong sinalubong ng aking mga tagapagsilbi.

"Magandang Umaga po Prinsesa Furi, hinihintay na po kayo ng mahal na Reyna sa bulwagan ng palasyo" Nakayukong usal ni Ginoong Ansel, ang tagapag-ulat sa palasyo. Nginitian ko lamang ito. At naglakad na nang dahan-dahan. Kagabi pa sinabi sa akin ni Lina (isa sa mga tagapagsilbi)ang tungkol dito.

"Mahal na Prinsesa kailangan nyo po itong malaman!" Hinihingal pa na usal nito.

"Maghunos-dili ka nga Lina at baka ikaw ay mapaano!" Naiinis na usal ni Ginang Felina ang ina ni Lina.

"Pano ba naman inay.." Kamot ulo pa itong tumingin sa kaniyang ina. Habang nakatingin lang ako sa kanila. Sana'y na sila sa ganitong asta lalo at ako lamang ang kasama nila dahil hindi naman ako katulad ng reyna na masyadong perpektista lalo na sa kilos ng mga naninilbihan dito sa palasyo.

"Ikaw talagang bata ka! hindi ka man lang mahiya sa prinsesa! gusot-gusot pa 'yang uniporme mo." Naiiritang usal ng kaniyang ina dahil mukha itong nagsuot sa kung saan at may sapot pa sa ulo.

"Ano bang sasabihin mo sa akin Lina at kailangan mo pang magmadali?" malumanay kong usal. Dahil kabisado ko na ito. Tuwing may nasasagap itong balita sa labas o loob man ng palasyo ay magiliw niya itong ikinukwento sa amin ng kaniyang ina.

Chismosa kung tawagin ito ng mga kasamahan niya dahil sa taglay na kalakasan ng tenga sa balita at katalakan ng bibig sa pagkukwento.

"Eh kasi po bukas daw darating ang anak ng reyna! hindi po ba at wala namang anak ang reyna?! at saka wala po silang karapatang manirahan dito sa palasyo!kahit may sakit ang iyong ama ay wala parin silang karapatan!" Akala mo ay sasabak ito sa gera dahil sa itsura nito. Agad na piningot ito ng kaniyang ina.

"Ikaw talagang bata ka!nais mo pa atang mapugutan tayo ng ulo! wala kang respeto!" Pingot-pingot ito ng kanyang ina habang wala namang tigil ang kaniyang anak sa pagsasabing ito'y nasasaktan.

"Eh ina nagsasabi lang naman po ako ng toto--aray" depensa pa ni Lina.

"At talagang sumasagot ka pa!" Hindi parin ito binibitawan ng ina.

"Ehem...." Tumikhim na ako para maagaw ang atensyon nila. Agad nanlaki ang mata ni Ginang Felina.

"Ipagpatawad po ninyo mahal na prinsesa ang tinuran ng aking anak...sadyang masyadong matabil at wala sa lugar ang kaniyang mga sinasabi." Kinakabahang usal nito.

"Hayaan na po natin, masyado pa po syang bata kaya siguro'y hindi pa nasa tama ang kaniyang pagiisip." Nakangiti kong usal. Bata pa si Lina at sigurado akong hindi naman nya sinasadyang sabihin ang mga salitang iyon.

"M-mahal na Prinsesa yaan nyo't tuturuan ko po ito ng leksyon para sa susunod ay umayos na." Nakayuko nitong usal habang sinasamaan ng tingin ang kanyang anak na nasa kanyang tabi.

Lahat ng aming madaraanan ay natitigil sa kanilang gawain at yumuyuko bilang tanda ng respeto at paggalang.
Nagdire-diretso lamang kami hanggang sa narating ko na ang upuang nakalaan para sa akin sa kaliwang bahagi ng trono ng hari.

"Magandang umaga po Mahal na Reyna" Bati ko rito sabay yukod bago maupo. Pinagmasdan ko ang paligid at halata sa mga mukha ng ilang dalubhasa at tagapayo ang pagtataka at ang iba naman ay parang wala lang na tila ba inaasahan na nilang mangyari ito.

Napalingon ako sa kanan ng tumayo ang Reyna at ngumiti ng para bang may pinapakahulugan sa akin.

"Mga mamayan ng Lesbitya bilang Reyna ay nais kong magsitayo tayong lahat at salubungin ang pagdating ng mga bagong prinsesa ng Kaharian!" Malakas at magiliw na saad nito. Napuno ng bulungan ang bulwagan at halata sa mga matatandang tagapayo na tutol sila sa bagay na ito. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa paligid ramdam ko rin ang paglapit sa akin ng aking mga tagapagsilbi.

"Mahal na Reyna!Kalapastangan ang iyong sinasabi! Tanging anak lamang ng hari at magiging anak lamang ng Prinsesa Furi ang ituturing na tagapagmana. Nasa dugong maharlika lamang ang tatawaging Prinsipe at Prinsesa ng kaharian ng Lesbitya!" Sigaw ng Tagapayo ni Ama. Siya ang tiyuhin ng aking pumanaw na inang Reyna. Nanatili parin akong tahimik.Dahil wala naman akong masasabi tungkol rito.

"MANAHIMIK KA!AKO ANG REYNA AT WALANG MAARING PUMIGIL SA LAHAT NG GUSTO KO!" Malakas na sigaw ng Reyna dahilan para pati ako'y mapasinghap.

Kalapastangan!Ano bang pumapasok sa utak ng Reyna at para bang patay na si Ama kung ituring nito!

Kahit gusto kong tumutol sa kanyang pasya ay nanatili akong tahimik dahil isa lamang akong Prinsesa at isa siyang Reyna. Siguradong pagnagalit ito'y ang mga taong nakapaligid sa akin ang kanyang pupuntiryahin dahil hindi nya ako maaring masaktan maliban na lamang kung puno sila ng kasakiman sa kapangyarihan.

Natahimik ang buong paligid sabay sa pagbukas ng dambahan sabay pasok ng dalawang dalagang nakadamit pang sa mga may dugong bughaw. Tanging pagsinghap at pag-angal na lamang ang aking narinig sa paligid.

"SILA SINA PRINSESA LILA AT LISA!GALANGIN NIYO SILA AT ITURING GAYA NG RESPETO NYO SA AKIN BILANG REYNA AT PINUNO NG ATING KAHARIAN!"

"Wag nyo pong mamasamain ngunit saang kaharian at angkan po ba sila nagmula mahal na reyna?" Tanong ng isang tagapangasiwa.

"WALA KANG KARAPATANG TANUNGIN SA AKIN IYAN!HANGAL!KAMATAYAN ANG PATAW SA KUNG SINO MANG LUMABAG SA AKING UTOS!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito magsalita ang reyna. Pangalawa siyang asawa ng aking ama dahil sa taglay nitong kabaitan at kagandahan ngunit parang iba na ito mula sa dating Reynang nakilala ko.

Nandito na ako sa hardin ng palasyo at iniisip parinang mga nangyari kanina.

Isa ba talaga akong Prinsesa?bakit hindi ko man lang nagawang pangatwiranan at ipaglaban ang ganong mga usapin?

"Tingnan mo nga naman kung dati'y sa tore lang kita nakikita ngayon ay nasa pareho na tayong lupang tinatapakan" Napalingon ako kay Lisa. Hindi ko sya ituturing na Prinsesa dahil labag ito sa kasulatan ng kaharian. Tanging reyna lamang ang nagbigay lakas ukol dito.

"Mawalang galang na Binibini ngunit magka-iba parin tayo ng kinatatayuan. Tanging liwanag at kaayusan ang hangad ko ngunit ikaw saan ba patungo ang layunin mo?" Tanong ko rito bilang prinsesa ay bihasa na ako tungkol sa ganitong usapin lalo na at may sarili pa kong guro sa ibat-ibang asignatura.

"Aba!anong nais mong iparating?na ako'y sa padilim?" Bakas sa mukha nito ang inis. Nakataas na ang isang kilay nito. Hindi ko mawari kung bakit ganyan siya kung magsalita samantalang isa lamang syang bisita sa aking kaharian.

"Ipagpaumanhin mo Binibini---

----Prinsesa Lisa ang itawag mo sa akin" Putol nito sa dapat kong ituturan.

"Tanging anak lamang at dugong bughaw ng kaharian ang nararapat na tawaging Prinsesa ng kaharian ng Lesbitya" Pormal kong saad. Akma na itong susugod sa akin ng pigilan ito ng kaniyang kapatid.

"Ate ano bang ginagawa mo?gumalang ka sa prinsesa" Pigil nito sa kanyang kapatid.

"ISA DIN TAYONG PRINSESA LILA!KAYA UMAYOS KA!" Sigaw nito sa kapatid. Ngumiti lamang ng hilaw sa akin si Lila. Di gaya ko ay wala itong takip sa mukha kaya't nakikita ko kung gaano kaaliwalas ang mukha nito.

"Mauuna na ko sa inyo" Iyon lamang ang aking sinabi bago naglakad paalis papunta sa aking silid.

Masyadong madaming nangyari ngayon. Hindi ko inakalang magkakaganito ang sitwasyon. Dagdag pasakit sa ulo ang bawat desisyon ng Reyna. Napahilot na lamang ako sa aking sintido bago huminga ng malalim at nagtungo sa aking silid.

Tanging mga maharlika lamang ang nakakaintindi ng salitang Ingles dito sa kaharian kaya't kadalasan ay tagalog lamang ang aking ginagamit para maintindihan ako ng mga taong nakapaligid sa akin.

Nakatingin ako sa salamin habang hinahaplos ang kwintas na suot ko.

Ina kung nasan ka'man po nawa'y lagi mo kaming gabayan.

Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Miss na miss na kita Ina kung sana lang ay nandito ka pa ay sana maayos ang kalagayan ng ating kaharian.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now