Chapter 38

126 7 0
                                    

I am Furi

Matagal ng wala sa plano ko ang pagiging damay rito nina Amang Mario ngunit kanina ko lamang talaga naintindihang hindi pala nila ko kayang pagkatiwalaan, hindi nga ba?

Sa pagiisip ay hindi ko na nagawang lumabas ng silid upang kumain. Ni hindi ko rin binubuksan ang pintuan hinarang ko pa roon ang malaking aparador.

Ilang beses na rin akong pilit kinakausap nila Ginang Felina ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko pinaunlakan. Nais kong mapagisa...

Kung hindi nila kayang magtiwala para sa aking kaligtasan papatunayan ko na lamang. Papalubog na ang araw at naghahalo na sa kalangitan ang asul at kahel na kulay.

Payapa ang langit at tanging iilang mga ibon lamang ang naroroon.Kung titingnan sila ay tila ba napakasaya ng kanilang pamumuhay may kalayaan ngunit may inuuwian.

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa aking kama saka naglakad papunta sa harap ng salamin. Alam kong may magandang dahilan si Ama kung bakit pinili nya akong mabuhay.

may dahilan ang lahat

Marahan kong inayos ang aking buhok. Titig na titig lamang ako sa aking mukha habang ginagawa iyon. Marahan ko ring tinapiktapik ang aking dalawang pisngi dahil masyado na itong namumutla. Bahagya ko ring kinagat ang aking labi dahil namumutla na rin ito marahil dala ng aking pagkagutom.

Nang makuntento na sa aking ayos ay buong lakas ko paring inalis ang aparador sa pintuan. Bagamat ilang beses pa akong naghabol ng hininga dahil sa pagod. Kung tutuusin ay hindi naman dapat ako madaling mapagod ngunit dahil nga sa hindi pa ako kumakain ng tanghalian at malapit na ring magdapit hapon ay mabilis na akong mapagod dahil ni tubig ay wala ako rito sa aking silid.

Nang makabawi ay agad kong inayos ang aking postura saka marahang binuksan ang aking pintuan. Agad sumalubong sa akin ang nagaalalang mukha nina Ginang Felina at ng iba pang mga tagapaglingkod.

Bukod kasi sa dinoble ko ang pagkakasarado ng pintuan ay tinalian ko pa ito ng marami upang masigurong hindi nila ito mabubuksan kahit gumamit pa sila ng susi.

"K-kumuha kayo ng makakain!Magmadali!" Agad nitong sigaw saka agad hinawakan ang aking pisngi.

Hindi na sumagot ang mga tagapaglingkod saka dali-daling umalis upang sundin ang iniutos nito. Napabuntong hininga na lamang ako saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Alam kong may dinaramdam ka Lady Yuri ngunit hindi mo parin dapat pabayaang magutom ang iyong sarili." Saad nito sa akin saka ako inalalayang maupo sa aking kama.

Agad pumasok ang mga tagapaglingkod saka inayos ang mga kagamitan rito sa loob na wala na sa pagkakaayos. Agad namang dumating ang mga pagkaing ipinadala ni Ginang Felina.

Kahit kanina pa kumakalam ang aking sikmura at kahit napakabango pa ng amoy nito. Ay tila wala parin akong ganang kumain. Binuksan ko lamang ang pintuan upang papasukin sila iyon lamang iyon.

"Kailangan mo pong kumain. Hindi mo po malalagpasan kung ano man ang iyong kinahaharap kung walang lamang ang inyong kalamnan." Saad nito kaya napabaling ang aking tingin sa kaniya.

Sinsero itong nakangiti sa akin ilang beses pang tumango. Kahit tila hindi ko nalalasahan ang mga pagkain ay ginawa ko paring sumubo.

'Kailangan kong maging malakas

Nang maubos ko ang aking pagkain ay agad ako nitong tinulungan sa pagsasaayos ng aking susoutin. Naghugas lamang ako ng aking  katawan saka nahiga na sa aking kama.

Agad namang lumabas ang ibang mga tagapaglingkod hanggang sa maiwan  na lamang si Ginang Felina sa loob.
Inayos pa nito ang aking kumot saka binuksan ang maliit na larampara na de kuryente sa gilid ng aking kama.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now