Chapter 17

145 15 0
                                    

Sweat and Blood

Ilang araw na rin simula noong ako ay  magising sa aking malalim na pagkakahimbing. Nung una ay nagtaka pa ako kung bakit nasa ganoon akong silid kahit hindi naman iyon ang nakasanayan ko ng tulugan. Ang sabi ni Amang Mario ay ito daw ang kaharian ng Amazora na pinamumunuan ni Haring Mordeus.

Nung una ay nagalit pa ako dahil sa kanilang ginawa ngunit naipaliwanag naman nila ito ng maayos sa akin. Sa isang bahay na pagmamay ari daw ni Haring Mordeus kami naninirahan kung saan ako nagising. Napagalaman ko ding lihim na kaibigan pala ito ng aking ama. Si Haring Mordeus ay matanda lamang sa akin ng dalawang taon.

Dalawampung taon na daw ito at dahil nasa wastong edad na ay naipasa na sa kaniya ng kaniyang ama ang trono ng pagiging Hari. Humingi rin sila ng tawad sa akin ng personal. Sadyang ganito lamang daw talaga ang nagiging kilos ng kanilang mga mamayan lalo na sa mga dayuhang hindi naman nila kakilala. Hindi lamang daw nila kami namukhaan lalo na at wala daw sinabing pangalan si ama ng magpadala ito ng sulat upang sa aming pamamalagi sa kanilang lugar.

At tungkol naman kay Medusa. Ang babaeng nakaduelo ko noong nakaraan ay maayos naman na daw ang kalagayan. Hindi lang daw nito matanggap ang pagkatalo niya sa akin kung kaya't ginawa daw nito ang bagay na iyon.

"Magandang Umaga sayo Yuri!"
Magiliw na bati sa akin ng isang barbaro. Nginitian ko na lamang ito dahil hindi ko rin naman matandaan ang pangalan niya sa dami ba naman nila.

Sabi sa akin ni Dero ay ngayon daw ang unang araw ng aking pageensayo. Sinabi pa nitong huwag daw akong magpakakampante dahil hindi raw sumasanto ang mga mamayan dito.

HINDI ko inakalang halos limang buwan na kaming nanunuluyan rito.
Limang buwan at mahigit na rin ng sumakabilang buhay ang aking ama.
Masakit mang isipin na kapakanan ko parin ang kaniyang iniisip sa kaniyang huling hininga ay wala na akong magagawa para mabago pa ito.

"Ilag!" natauhan lamang ako sa malalim kong pagiisip ng bigla na lamang akong itinulak ng isang manggagawa. Sabay na napatingin kami sa palasong nakatarak na ngayon sa katawan ng kahoy.

Napahawak na lamang ako sa tapat ng aking dibdib habang tulalang nakatitig sa palaso.

"Ayos ka lang ba?" Tulala parin ako at parang hindi naririnig ang sinasabi ng lalaking nagtulak sakin kanina.

P-paano k-kung...Paano kung natamaan ako? Mabubuhay pa ba ako kung sakali man?

"Sa susunod magiingat ka." Nabaling ang aking tingin sa lalaking tumulong sa akin. Medyo may pagkamagulo ang buhok nito at hindi maitatangging may kakisigan din itong nakatago sa kabila ng mahaba niyang buhok na halos matakpan na ang kalahati ng kaniyang mukha.

"Yuri!" Napawi ang aking paningin sa kaniya ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Dero.

Agad akong nagpalinga-linga hanggang sa masumpungan ko siya ng tingin. Hala sa mukha nito ang pagkabalisa. Marahil ay nasaksihan niya ang kaganapan kani-kanina lamang.

"Dero?" Patanong ko pang tawag sa pangalan niya dahil andungis ng itsura nito at pawisan.

"H-hay Nako! Maraming Salamat sayo Prinsipe Baron ito kasing kapatid ko na ito ay parang laging nasa kalawakan ang isip kung kaya't laging napapahamak." Bahagya pa akong nagulat ng tawagin niyang prinsipe ang ginoo.

"Wala iyon Dero...alam mo naman ang mga mamayan rito." Tatawa-tawa nitong saad.

"Sa ganon ay mauna na kami sa Iyo Prinsipe Baron at itong aking kapatid ay may kailangan pang puntahan."
Nakangiting saad ni Dero. Agad ako nitong hinatak saka tumakbo.

"Daha- dahan naman Dero"
Nakangiwi kong saad ng lalong binilisan pa nito ang takbo.

Halos magkanda subsob na ako sa paghatak niya pero dirediretso parin siya. Namilog ang aking mata ng bigla na lamang ako nitong hinatak papunta sa napakadaming tao.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now