Chapter 8

177 15 0
                                    


Forward

Sa loob ng anim na araw na pamamalagi namin sa hilagang bundok ay tanging puro pag eensayo lang ang ginagawa namin na hindi ko batid kung para saan ba. Ito ba ang nais ni Ama?
Napapailang na lang ako habang pilit sinasalag ang bawat hampas at atake sakin ni Dero gamit ang sanga ng punong kahoy na pinulot namin sa kakahuyan kahapon.

Hindi ko mawari kung ano ang nais nilang ipabatid sa akin. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng dahas lalo na sa mga kababaihan.
Kumbaga wala pang pagkakapantay pantay ng kasarian. Tanging mga lalaki lang ang maaring magtrabaho bilang kawal at parte ng hukbong pansadatahan at mga babae lang rin naman ang maaring maging tagapaglingkod ng mga maharlikang uri.

Sa umaga ay paggamit ng depensa at opensa ang itinuturo nila sa akin na hindi ko rin naman magawa ng ayos dahil bukod sa puro sakit ng katawan ang inabot ko nitong mga nakaraang araw ay lubhang mas malakas at mas magaling gumamit sa akin ng sandata si Dero.

Malapit ng lumubog ang araw kaya katulad ng mga nakaraang araw ay magkakarera kami ni Dero simula sa tuktok ng bundok hanggang sa pamilihang bayan saka babalik ulit sa bundok.

Ang pangangabayo ang pinakamadali sa akin sa lahat dahil bukod sa minsan na rin akong nakasakay rito ay nagkainteres rin ako dati tungkol sa hayop na ito. Kaya lahat ng artikulong maaring kong mahanap sa silid aklatan ay binasa at pinagaralan ko na rin.

Isang puting polong pangibabaw na pinatungan ng isang low cut na vest na kulay brown ang damit ko pang itaas parisan pa ng nakatali kong buhok at itim na hapit na pantalon saka isang lapad na sapatos na kulay chocolate din ang suot ko. Kahit ilang araw na ko sa labas ay hindi ko parin inaalis ang tabing ko sa mukha kahit si Amang Mario o kahit si Dero ay hindi pa nasisilayan ang aking mukha na matagal ng nakakubli sa likod ng telang lagi kong dala-dala.

"Nais kong makabalik kayong dalawa rito bago dumilim ang talunan ay siyang magliligpit ng hapagkainan mamayang hapunan" Agad kaming nagkatinginang dalawa ni Dero bago parehong tumango.

Nang marinig namin ang pagsipol ni Amang Mario ay siya ring takbo ng mga alaga namin. Mabilis 'kong pinatakbo si Dilim. Iyan ang ipinangalan ko sa kabayong buting ginagamit ko.

Ako ang nagaalaga sa kanya. Dahil pareho kaming hinalikan ng kaputian ay Dilim ang ipinangalan ko sa kanya.
Nauuna kaysa sa akin si Dero pababa ng bundok kaya hinayaan ko na muna siya.

Nang makarating sa paanan ay agad kong pinatakbo ng mabilis si Dilim.
Mabilis din ang takbo nila ni Kayumanggi kaya binagalan ko na ng konti para pagkapinatulin ko si Dilim ay hindi sya gaanong mapagod.

Nang makakita ng magandang ruta ay agad kong pinatakbo papasok sa maliit na eskenita si Dilim ang labas na nito ay ang sentro ng pamilihan mas malayo kasi ang ikot kung sa mismong daan ka pa dadaan. Saka wala naman silang sinabing hindi maaring gumamit ng alternatibong daanan. Tss

Pagbungad pa lang ng sentro ay agad ko ng pinatakbo ng matulin si Dilim.
Ngunit agad ko ring hinatak ang tali nito sanhi para bumagal at huminto ito. Nagtataka kong inilibot ang paningin sa mismong sentro ng pamilihan maging sa paligid nito. Masyadong aligaga at parit parito ang mga tao.

Sakay parin sa kabayo ay dinala ako ni Dilim sa Sentro ng Plaza. Nang lalaki ang matang napatingin ako sa mga bangkay ng ilang magsasaka na puno ng dugo at wala ng buhay na nakahandusay sa tapat mismo ng daan papunta sa palasyo ng hari. Agad akong bumaba sa kabayo at hindi man lang natitinag ang tingin sa mga katawan at sa pamilyang umiiyak sa paligid nito.

Maglakad ako papalapit dito habang hawak ang tali ni Dilim. Bago pa man ako makalapit ay may nagtakip na ng dalawa kong mata.

"Kailngan na nating umuwi Yuri nagaalala na sa atin si Amang Mario." saad sa akin ni Dero na siya ring naglagay ng takip sa aking paningin.
Marahan kong inalis ang kanyang mga kamay na nakatabing sa aking paningin. Hindi parin kumukurap.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now