Chapter 29

130 11 2
                                    

Traitors

Hindi ko inaasahang bantay salakay pala ang Everette na ito. Ilang araw na rin akong muling nakakulong sa kwarto ko dito sa taas ng tore. Ilang beses na akong nagtangkang tumakas pero ni isang beses ay hindi man lang ako nakatapak sa unang palapag ng palasyo.

Masaya parin naman ako sa nagawa kong mga kakulitan dahil napag alaman ko ring nandito parin pala sa palasyo si Gng.Felina ang dati kong punong matron ng mga tagapaglingkod na naglilingkod sa akin. Nakakalungkot ring isipin na hindi rin pala naging madali sa kanila ang lahat.

Dahil bago pa man mapunta sa kamay ni Everette ang pamumuno sa Lesbitya ay halos tatlong buwan ring nanatili rito ang tusong Hari. Ilang beses daw silang pinaamin kung may nalalaman ba sila sa mga gawa ng yumao kong Ama ngunit sadyang wala silang alam kaya halos araw-araw silang nakabilad sa initan. Iyon rin ang dahilan kung bakit wala syuang nagawa kundi ang paalisin ng palasyo si Lida ang nag-iisa niyang anak. Dahil ayon rito ay ilang beses na itong muntik pagsamantalahan ng mga kawal at ilang beses na ring minaltrato ng huwad na reyna.

Simula nung isang araw ay siya na raw ang inatasan ng Hari upang pakainin ako at pagsilbihan. Nung unang nakita niya ako ay kinabahan pa akong baka makilala niya ako pero hindi. Sinabi lang nitong tila kaboses ko daw ang Prinsesa ngunit hindi ako umamin kahit ilang beses niya akong tanungin.

"Lady Yuri?" Napabalikwas ako sa pagkakasalampak sa gilid ng aking kama dahil sa narinig kong boses sa labas ng pintuan. Napatingala na lamang ako saka pinatong ko na lamang ang librong binabasa ko sa aking mukha. Nababagot na ako.

Tanging kalansing lang ng susi at kandado ang naririnig ko sa pintuan.
Nakakulong parin ako rito sa aking silid habang nakakandado ang pinto. Sa labas naman ay nandon ang dalawang kawal na bantay sa pintuan at bawat kanto ng bulwagan ay may tig-dadalawa ring kawal.

"Para naman akong bilanggo ng lagay na ito." Mahina ko pang anas habang nakasalampak parin.

"Lasy Yuri narito po ako upang linisin ang inyong sugat." Bahagya kong iniangat ang librong nasa mukha ko at sinilip kung sino ang nagsalita.

Si Ginang Felina pala. Nagkasugat kasi ako nitong nakaraang araw ng tangkain ko uling tumakas at sa kamalasan ay namali ako ng kapit sa hagdanan at di sinasadyang nabasag ang isang plorera na nakabig ng isang kawal. Hindi ko naman na napansin na doon pala ko sakto sa mga bubog babagsak pagkatapos kong sipain ang isang kawal. Kaya nagkasugat tuloy ako.

Nakayuko naman itong lumapit sakin kaya lalong nalukot ang aking mukha. Ilang beses ko na ring sinabing huwag na itong yumuko o kaya ay tawagin na lamang ako sa aking pangalan ngunit makulit talaga siya at wala na akong magagawa roon.

Hindi ko maiwasang mapangiwi tuwing nililinisan nito ang sugat ko sa kamay dahil sadyang napakasakit naman talaga nito lalo na tuwing mababasa.

"Huwag ka pong magalala at mukhang malapit na itong maghilom...saka nga po pala sabi ng kamahalan ay tulungan ko raw po kayong maghanda." Saad nito habang binabalutan ng malinis na puting tela ang aking kaliwang kamay.

"Huh? eh bakit naman daw po?" Hindi kaya ay hahayaan niya na akong makaalis. Ngunit imposible dahil kung hahayaan na nito akong makaalis rito ay hindi na kailangan pang magayos.

"Darating po kasi ang Reyna ng Novillya kasama ang anak nitong babae. Nais na kasi ni Haring Felikano na magkaroon na ng kabiyak ang kamahalan." Napaikot na lamang ang aking mata dahil sa sinabi nito.

Bakit kailangan pa ko doon ay mapapagod lamang ako saka wala naman akong gagawin doon liban na lamang sa----tama!

"Nasan ang damit na aking susuutin?" Nakangiti kong saad rito. Naguguluhan naman ako nitong tiningnan ngunit ng makabawi ay ngumiti narin.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now