Chapter 15

144 15 0
                                    

Until We Met Again Lesbitya

Nang dumating ako sa aming pansamantalaang tirahan ay nakita kong muli na namang nakagayak ang aming karwahe lulan ang mga gamit namin. Inalalayan akong makababa ni Dero sabay abot sa akin nang aking byolin dahil mukhang naipasok at na iayos na nila ang aking mga personal na kagamitan sa loob.

"Ngayon na po ba ang ating paglisan?" Tanong ko kay Amang Mario ng mapadaan ako sa kanyang harapan hinihigpitan nito ang tali sa mga bagahe naming dala.

"Naisin ko mang ipagpabukas ngunit tulad nga ng aking sinabi hindi na tayo maaring magtagal pa rito. Alam kong nakita mo na sila....kaya kailangan na kitang mailayo rito." Tumango na lamang ako sa kanyang tinuran.

Walang nakakaalam na buhay ang tagapagmana ng Lesbitya. Ngunit hindi parin ito dahilan para magpaka kampante. Alam kong ano mang oras ay lilibutin at susuyurin nila ang kaharian upang matiyak ang kanilang paghahari.

Naisin ko man silang pigilan ngunit hindi ito ang tamang oras at mas makabubuting hintayin ko na lamang ang tamang panahon.

"Naiintindihan ko po." Aaad ko na lamang rito bago napagpasyahang sumakay sa karwahe.

Saglit ko pang pinagmasdan ang kapaligiran. Talaga namang mayaman ang lupa ng Lesbitya dahil narin sa mga natatanging punong kahoy at mga halaman sa paligid gayon pa man nawa'y kahit papaano ay alagaan nila ang handog ng inang kalikasan.

Naiintindihan kong hindi na kami maaring magtagal rito. Tulad na lamang ng aking nasaksihan ay masyadong mapanganib ang mananakop ng aming kaharian.

Wala silang puso iyon ang unang katagang maari kong ipangtukoy sa kanila. Sa mga itsura ay talaga namang may ipagmamalaki sila ngunit kung gaano katingkad ang kanilang itsura ay kasing tayog rin ito ng kanilang lipad.

Lagi ko na lamang isasaisip na kahit gaano man katayog ang lipad ng isang ibon ay may bagyo paring makakapagbagsak sa mga ito. Maaring isa lamang akong mahinang hangin para sa kanila ngayon ngunit sisiguraduhin kong ako ang hanging habagat at amihan na magpapabagsak sa kanila.

"Nakausap mo na ba?" Narinig kong tanong ni Amang Mario kay Dero.

"Opo...Bago mag ika-anim ng gabi po ang aming usapan"

"Kung gayon ay kailangan nating humayo..." Narinig kong usal ni Amang Mario bago ito pumasok rin sa loob.

Naramdaman ko na lamang ang marahang paggalaw ng aming sinasakyan. Tanging sa labas lamang ako nakatingin. At patuloy na tumatakbo ang aking isipan sa samot saring mga bagay.

Ang ginoo kanina. Hindi ko man nalaman ang kaniyang 'ngalan at pagkakakilanlan sisiguraduhin kong sa muli naming pagkikita ay siya naman ang tatangis sa aking harapan at ako naman ang makakakita sa kaniyang kahinaan. Sisiguraduhin ko iyon.

"Ayos ka lamang ba anak?" Napabaling ang aking tiningin kay Amang Mario. Simula ng makasama ko siya ay kailan man ay hindi niya hinayaang makaramdam ako ng pagiisa.

"Ayos lamang po ako. Huwag kayong magalala sa akin." Mahina kong usal.

Siguro hahayaan ko munang maging mahina ang sarili ko habang nandito pa ako sa lupaing aking kinalakihan.
Wala naman sigurong magiging masama roon hindi ba?

"Alam kong magiging maayos rin ang lahat...Maaring tayo ang tumatakbo ngayon ngunit sa susunod ay tayo naman ang hahabol sa kanila....Alam kong mahal na mahal ka ng iyong ama....Marahil ay natatakot lamang siyang ipakita iyon sa iyo. Alam ko sa puso niyang wala siyang ibang hangad kun'di ang iyong kaligtasan." Unti-unti na namang pumatak ang aking mga luha.

Hindi ko inakalang maaring humantong sa ganito ang lahat. Parang kahapon lamang ay nasa loob pa ako ng silid ni ama nananalangin na sana ay gumaling na siya mula sa kaniyang karamdam ngunit....

Bakit nagkaganito? Bakit hinayaan niyang saluhin niya ang lahat kung maaari naman niya itong ibahagi sa akin?

"Mahal na mahal ko rin po ang aking ama ngunit....Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?"
Mahina kong usal habang pinupunasan ang luhang tumakas mula sa aking mga mata.

"Nalulungkot man akong isipin ngunit sa mundo...sa buhay....at lalong lalo na sa politika...may mga bagay talagang hindi maiiwasan...halimbawa na lamang ng kapangyarihan...isipin mong nasa mataas na tore ka...kung gaano kataas ang tore ganon din ang yaman at kapangyarihan mo....sa baba ng tore nandoon nakatayo ang mga inggit at mga taong ganid sa kapangyarihan...kahit gaano ka kalakas, kayaman at makapangyarihan kung madami ang nagbabalak na pabagsakin ka ganun din kabilis ka bubulusok pababa." Mahaba nitong turan.

Agad akong napaisip sa kaniyang sinabi. Tama ang mga ito, kahit hindi niya sabihin ng direkta ay naiintindihan ko ang nais niyang iparating.

Maraming tao ang ganid sa kapagyarihan. Maraming tao ang maaring magkainteres sa kayamanan...at hinding hindi maalis ang mga taong may nakatagong intensyon.

Bakit ganun na lamang ang epekto ng kapangyarihan at salapi? Sapat na ba iyong rason upang pagtaksilan at gawan mo ng masama ang iyong kapwa?

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa hangganan ng kaharian ng Lesbitya. Tanaw ko mula sa durungawan ang tayog ng pader na pumoprotekta sa buong kaharian.

"Sapat na ang mga iyan." Narinig kong usal ni Dero. Bahagya pa akong tumanaw sa labas.

"Akala ko ay hindi ka marunong sumunod sa ating usapan bata." Narinig kong usal ng kawal hawak hawak nito ang isang sisidlan ng salapi. Abot tainga ang ngiti nito at makikita sa kaniyang itsura ang pagkagahaman.

Kung gayon ay patakas pala kaming aalis. Kung hindi lamang tiwali ang mga opisyales baka hindi na kami makalabas pa ng kaharian. Unti unti kong naramdaman ang muli naming pagusad. Nakatulong nga ba ang pagiging ganid ng isang nilalang para sa amin ngunit kung hindi ito nasilaw sa salapi ay siguradong pagiging palaisipan pa ito sa amin.

Malalim na lamang akong napabuntong hininga bago tumingin sa aking mga kamay. Marumi ito at may bahid pa ng putik. Agad na gawi sa aking hinlalaki ang aking kamay. May bakas pa ito ng natuyong dugo.

Dugo..dugo ng taong sisingilin ko balang araw.

Bawat isa sa kanila sisiguraduhin kong magsisi na sana ay puro tama na lamang ang kanilang ginawa. Mga taong magninilay sa mga kasalanan nilang ginawa sa nanahimik nilang kapwa.

Napasulyap pa ako sa nanliliit na tanawin ng Lesbitya bago ako ngumiti ng matamis. Kinaway ko pa ang aking kamay na sa isipan na aalis lamang ako saglit ngunit babalik rin ako. At sa pagbalik ko na iyon ay babawiin ko ang lahat. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now