Chapter 6

202 17 0
                                    

The Down Fall 0.2

Tatlong buwan na ng makatakas ang taksil na reyna. At ni isa ay wala pa akong nakukuhang kahit anong balita o palatandaan man lang kung saan ito nagtatago.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil mahigit apat na linggo na rin ng bumuti ang lagay ni ama. Nais niya nang muling mamahala sa kaharian. Ngunit ipinilit kong sa susunod na linggo na.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay ama ngunit nitong mga nakaraang araw ay pansin kong lagi niya akong kinakausap at kinukwentuhan tungkol sa kanila ni Ina.

Natutuwa ako sa mga bagay na iyon dahil hindi kami gano'ng nagkakaroon ng matagal na usapan tungkol sa personal na buhay namin bilang tao. Kadalasan kasi ay pormal at tungkol lamang sa pamamalakad ng buong kaharian o di kaya ay kung paano ako magiging mabuting pinuno sa hinaharap.

Ngunit sa kabila noon ay hindi ko mawari ang nararamdaman ko masaya ngunit puno ng pangamba. Anong nais iparating sakin ni Ama?

Ayokong magduda dahil alam kong mahal niya ako at hindi sya gagawa ng bagay na ikasisira namin. Pero pakiramdam ko ay may tinatago ito at may hindi sinasabi sa'kin. Pansin ko rin iyon sa paraan ng pagtingin sa akin ng matalik nyang kaibigan na walang kongkretong pangalan.

Kumbaga ay paiba-iba ito ng pagkakakilanlan at lugar na pinamamalagian. Hindi ko rin alam kung anong dahilan nya ngunit alam kong may matatag silang ugnayan ni Ama.

Naglalakad ako papunta ng silid ni Ama dahil pinapatawag daw ako nito. Nasa aking silid lang ako kanina at nagbabasa ng ilang mga repleksyon ng kaharian nitong mga nakaraang buwan sa ilalim ng aking pamamahala.

Hindi ito tumaas ngunit hindi rin bumaba ibig sabihin ay nagampanan ko naman siguro ang gampanin ko?

Hindi ko na kailangan kumatok dahil ang dalawang kawal na bantay sa silid ni ama na ang gumawa nito para sa akin.

Suot ang kulay gatas na bestida ay pinarisan ito ng mga maliliit na bulaklak kanina ng tagapag-ayos ng aking buhok. Hinayaan niya itong nakaladlad at may tabing parin ang mata ko.

Pumasok na ko sa loob naiwan sa labas ang mga tagapagsilbi at muling isinara ng mga kawal ang pinto.

"Ama"tawag pansin ko kay ama ng makita ko itong may hawak na kopita at nakatanaw sa durungawan.

"Aking Prinsesa! masaya akong nakarating ka agad." Nakangiti nitong usal pagkaharap sakin.

Agad kong inalis ang aking pantabing sa mukha. Dahil kampante akong walang makakakita sa akin, isa pa ay sagrado ang kwarto ng hari hindi basta basta nakakapasok ang kung sino-sino rito 'liban na lamang kung ito'y may pahintulot.

"Tunay ngang kamukha mo ang iyong Ina." Nakangiti nitong usal agaw pansin parin sa mga mata niya ang galak at pangungulila.

"Ama hindi po ba at sinabi ko sa inyong mamahinga na muna po kayo? hindi nyo po kailangang magmadali dahil sa susunod na linggo ay hahayaan ko na kayong bumalik sa pamamahala ng kaharian." Nagaalala kong saad dito.

"Hahaahahah para ka talagang iyong Ina"tumatawa ito ngunit nagtataka ako ng makitang may lumandas na luha sa kaniyang mga mata.

"Ama bakit ka po umiiyak?" Nagaalala kong tanong. Nagtataka parin ako kung bakit may lumandas na luha sa kaniyang mukha.

Agad kong inabot sa kanya ang aking panyo na nakasilid sa laylayan ng damit ko sa bandang palapulsuhan.
Pinunasan muna nito ang kanyang mga luha bago huminga ng malalim at tumingin sa akin ng seryoso.

"Nais kong lisanin mo ang palasyo bukas ng hating gabi kasama mo ang aking kaibigan na si Ginoong Wilhelmo, ang ating panauhin. Gagabayan ka niya sa inyong paglalakbay." Seryosong saad nito at hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Ngunit Ama hindi po maaring mangyari ang bagay na yan....kailangan ako ng ating kaharian at saka hindi ko ito maaring lisanin... at hindi pa po kita pwedeng iwan lalo na at may mga bilanggo pang nawawala at hindi pa natutugis saka tulad ng sabi ko sa inyo ay hindi pa kayo maaring mamuno sa kaharian dahil sa susunod na linggo pa ito." Mahaba kong paliwanag. Ano bang iniisip ni Ama?

"Iyon ang aking utos anak...Bilang hari ay susundin mo ang aking ipinaguutos. Gagawin mo iyon para sa ating kaharian."saad nito.

Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Bakit kailngang ako pa ang lumabas kung maari naman kaming magpadala ng mga sugo.

"Maari nyo po bang ipaliwanag sa akin kung ano ang tumatakbo sa inyong isipan?" Magalang kong saad dahil kahit siya ang aking ama ay ito parin ang respetadong hari ng kaharian ng Lesbitya.

"Sasamahan ka ni Ginoong Wilhelmo para magsanay babalik ka rito sa oras na magtagumpay ka sa iyong misyon." Tumango na lang ako dahil noon pa man ay pinalalabas na niya ako sa palasyo.

Lalo na tuwing kailangan ng respresentatibo ng aming kaharian at hindi maaring makadalo si ama kaya ako ng humahalili.

"Masusunod po Mahal na Amang Hari" magalang kong saad.

Narito na ako sa aking silid at naghahanda ng aking mga kagamitan. Hindi ko alam ang misyon na iniatang sa akin ni Ama. At sinabi niya itong pribado kaya lilisanin ko ang palasyo ng walang nakakakita.

Ako lamang ang naghanda ng aking mga gagamitin dahil sa salitang pribado ay hindi nako nagpatulong pa sa mga tagapaglingkod dahil kahit papano ay kaya ko namang ayusin ang mga personal kong gamit.

Malalim na ang gabi at tanging mumunting ilaw na lang sa ilang kabahayan sa labas ng palasyo ang aking nakikita. Sinusuklay ko muna ang aking buhok habang nakatanaw sa malayo bago tumingala sa langit.

'Ina gabayan nyo po ako, si Ama at ating kaharian lalo na sa mga panahon nang aking paglisan'

Sinabi sa akin ni ama noon na kada pumapanaw raw ang mga tao ay nagiging isa sila sa mga bituin sa langit at kung ano daw ang may pinakamaliwanag na bituin ay siya daw ang taong malapit sa atin na napagiwanan na ng panahon. Napangiti na lang ako habang itinaas sa ere ang kamay ko at ultimong hinahaplos ang bituin kahit napakalayo nito sa akin.

Alam kong sabi sabi lamang ang tinurang iyon sa akin ni Ama ngunit totoong nakakagaan ng loob kung ganon ang iisipin ko. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang paligid bago napagdesisyonang matulog.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now