Chapter 36

119 8 0
                                    

The Royal Pendant

Ilang beses ko ng gustong humikab habang pumipikit pikit na ng konti ang aking mga mata ngunit sa ganitong sitwasyon ay mas mabuting nakadilat lamang lalo pang nakapagpadagdag ng aking antok ang paginom ng maligamgam na gatas.

"W-What?! H-How the h-h*ll did it happen?!" Nagkanda utal-utal na tanong ng reyna.

Habang halos sobra na ang ingay dito sa buong bulwagan na nakapagpadagdag lamang ng aking antok. Kaya panaka-naka kong kinukurot ang aking palad upang maiwasan ang pagpikit ng aking mga talukap.

"Yes, we found this inside the room of our Lady Lisa." Matigas na sagot ng Heneral.

"N-NO! L-LISTEN TO ME MY MAJESTY!
H-HINDI AKIN ANG BAGAY N-NA IYON. B-BAKA MAY NAGLAGAY LAMANG NIYON DOON!!" Niglang sigaw ni Lisa kaya biglang nabuhayan ang inaantok ko ng sistema.

Ng madako ang aking tingin sa bintana sa itaas na bahagi ng bulwagan ay sobrang liwanag na ng buwan at kitang-kita ang mga bituin doon.

"Oras ng pagpataw at paglilitis!" Sigaw ng isang kawal kasabay ng pagtugtog ng isang trumpeta kaya lalong nagising ang aking diwa.

"W-WALA AKONG KINALAMAN SA SINASABI NG BABAENG IYAN!" Walang tigil pang sigaw ni Lisa ilang beses pa itong nautal at nagpapikit pikit.

"Napakatagal naman." Mahina kong bulong saka pasimpleng humikab.

"Hush you're going take your sleep later. Just wait a couple of minutes." Agad ko namang natampal ang kamay ni Everette ng bigla niyang haplusin ang aking pisngi.

Hindi ko namalayan na dahil sa sobrang pagkabagot at antok ay bahagya na pala akong nakahilig sa sandalan ng kaniyang trono kaya dali-dali akong umayos ng upo.

"Rita Selya, Isa sa mga tagapaglingkod ni Lady Lisa na anak ng asawa ng hari mula sa Kaharian ng Novillya sa dumaang apat na taon. Ikaw ngayon ay naakusahan sa salita at ebidensya na siyang lumason sa Amang Hari ng ating Kamahalan. Binibigyan ka ng pagkakataong magsabi ng pawang katotohanan sa harap ng ating kamahalan. Mababaw na kaparusahan para sa tapat at kamatayan naman para sa mga taksil." Saad ng punong tagapayo ng Hari.

"H-Huwag nyo po akong p-patayin. S-sagutin ko p-po ang inyong mga katanungan. L-lady Yuri. K-kamahalan nakikiusap po ako b-bigyan n-ninyo po ng p-proteksyon ang aking pamilya." Umiiyak na saad nito kaya tumango na lamang ako rito.

"T-tinanggap ko po ang kanilang ipinagutos kapalit ng m-malaking h-halaga ng salapi. Upang m-masigurong mapapaalis at mapaparusahan si Lady Yuri." Saad nito habang umiiyak parin.

"TELL US WHO THE H*LL ARE THEY?!" Hindi sinasadyang nakurot ko sa braso si Everette kaya napasinghap ang mga nakakita.

Taka ako nitong tiningnan habang magkasalubong ang makakapal nitong kilay. Agad akong napanguso dahil sa itsura nito saka umayos ng upo.

"For where the h*ll was that?!"Mahina ngunit bakas ang inis sa boses nito kaya napakunot ang aking noo saka padabog na binitawan ang kamay nitong nakakapit parin sa akin.

Tinangka pa nitong habulin nag aking kamay saka muling pagsiklupin kaya ilang beses ko itong inilayo saka sinamaan siya ng tingin.

"Hoy hindi porket ikaw ang Hari ay maari mo na akong pagsabihan ng masama at isumpa sumpa!" Inis kong usal saka padabog na inilayo ang upuan ko sa kaniya.

Napaamang na lamang ito saka pilit paring kinukuha ang aking kamay kaya lagi ko siyang napapalo sa kamay.

"M-mangako m-muna po k-kayo sa akin." Nakayuko nitong saad saka lumuhod.

"Alright then" Saad ni Everette saka napabuntong hiningang patingin-tingin sa akin dahil maski ang pagdikitin ang aming mga braso ay hindi ko hinahayaang gawin niya.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now