Chapter 39

130 10 0
                                    

Hear Me,Love

Hindi pa man ganoon katagal ang aking pagkakahimbing ay agad rin akong napamulat dahil sa pangangawit ng aking binti. Bahagya ko pang kinusot ang aking mga mata saka bahagyang sinilip ang mukha ni Everette na ganon parin ang posisyon.

Agad na namula ang aking dalawang pisngi ng mapagtanto kong nakasubsob na pala ang mukha nito sa aking dibdib. Kahit namamanhid pa ang aking binti ay bahagya ko iyong inunat.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakadagan sa akin ni Everette ngunit mas lalo lamang iyong humihigpit kung kaya't hinaplos ko na lamang ulit ang buhok nito.

Ilang minuto pa ako naghintay bago sinubukang alisin muli ang pagkakadagan nito sa akin. Bahagya itong nagangat ng ulo kaya lalong namula ang aking pisngi dahil halos nakatukod na ang baba nito sa tapat ng aking dibdib. Namumungay ang matang tumingin ito sa akin. Saka napahikab pa.

"Kailangan kong gumamit ng palikuran." Mahina kong usal rito kahit hindi ko naman talaga nararamdaman ang pagtawag ng kalikasan.

"Hmmm..." Bahagyang ungol nito habang muling sumubsob sa aking dibdib na kalaunan ay parang pagod na pagod na humiga sa aking tabi.

Agad akong nakahinga ng maluwag ng makaalis ito sa pagkakapatong sa akin. Ramdam ko pa ang pamamanhid ng aking dalawang binti kaya napangiwi pa ako ng bahagya ko iyong ginalaw.

Kalaunan ay dahan-dahan akong umalis sa aking pagkakahiga at pabalik-balik ang tingin kay Everette. Maingat ang bawat paghakbang na aking ginawa palapit sa aparador. Nakahinga naman ako ng maluwag ng muli kong marinig ang mumunti nitong hilik. Agad kong kinuha ang inihanda kong damit at mga gamit na kakailangan ko rin.

Simula ng dumating ako rito ay paunti-unti akong nagpupuslit ng mga kagamitang pandigma. Isang espada, Isang pana at dalawang dosenang palaso lamang ang aking naitago rito ngunit hindi iyon magiging hadlang sa aking plano ngayon.

Hindi na rin ako pumunta ng palikuran at doon narin mismo mabilisang nagbihis. Nang makatapos ay agad kong itinali ng mataas ang aking buhok saka naglagay ng pantabing sa aking mukha na tanging mata lamang ang makikita saka dahan-dahang lumabas ng silid.

Tinapunan ko lamang ng tingin ang natutulog sa aking kama saka dali-daling nagsimulang maglakad.
Bawat hakbang na aking ginagawa ay napakagaan lamang at puro sa madilim na bahagi lamang ako nagsusuot.

Madali akong nakalabas ng palasyo agad akong pumunta sa kanang bahagi ng palasyo kung nasaan ang kwadra ng kabayo. May nakatayong nagbabantay roon at halatang inaantok.

Kung papasukin ko ang kwadra ng dilat ang kaniyang mga mata ay tiyak na may posibilidad na mahuli agad nila ako kaya umikot pa ako ng direksyon. Kahit mas malayo ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang mahuli o hindi.

Maingat ang aking bawat at kagat labi akong naglakad sa damuhan. Nakakaagaw pansin ang mumunting tunog ng pagkadurog ng tuyong dahon ang aking paghakbang. Agad akong napahinto sa pagkilos ng makitang biglang naalimpungatan ng tayo ang kawal saka palinga-lingang tumingin.

Nanlalaki ang mata nito ng makita ako kaya walang alinlangan akong tumakbo papalapit rito. Agad ko itong sinipa sa panga saka inindahan ng siko ang kaniyang batok. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid dahil baka may nakakita sa nangyari.

Nang makita kong walang ibang nakakita ay agad ko itong hinila papasok sa kwadra ng mga kabayo.
Agad akong lumapit sa pinakadulong kwadra kung nasaan ang kulay puti na kabayo. Hindi ko tuloy mapigilang maalala si Dilim.

"Samahan mo ako ha." Mahina kong bulong rito saka bahagyang sinusuklay-suklay ang malambot at mahaba nitong buhok.

Agad kong sinuotan ito ng mga bagay na makakatulong sa aming pagtakas.
Nang makatapos ay pinakain ko rin ito at pinainom. Bahagya pa akong sumilip sa labas at nagsisimula ng sumilip ang liwanag kaya agad na kong sumakay sa likod ng kabayo at dali-daling umalis roon.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now