Chapter 40

141 11 0
                                    

Escape

Hindi ko alam kung nasaang bahagi na ako ng kagubatan basta ang alam ko lamang ay hinayaan ko ang kabayong sinasakyan ko kung saan man niya ako dalhin. Kung titingnan ay mukhang nasa timog na bahagi ako ng Lesbitya kung nasaan ang kagubatang tinitirhan ng mababangis na mga hayop.

Unti-unti na ring nilalamon ng kadiliman ang paligid at unti-unti na ring lumalamig ang simoy ng hangin.
Tanging dalawang pirasong tinapay lamang ang aking dala at wala pa akong dalang tubig.

Sakay parin sa kabayo ay inilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran. Agad akong bumaba sa kabayo habang hawak ang tali nito dahil hindi sa kalayuan ay may nakita akong batang usa na mukhang naipit sa patibong ng mga mangangaso.

Itinali ko muna sa isang puno ang tali ng kabayo saka bahagyang sinuklay ang buhok nito. Agad akong lumapit sa usa habang matamang tinitingnan ang kapaligiran dahil baka ako naman ang maipit sa isang patibong.

Bawat pagyapak ko ay halos isang abante at atras ang aking ginagawa hanggang sa masiguro kong walang ibang patibong dito. Nang makalapit sa usa ay bigla na lamang bumigat ang aking pakiramdam dahil bukod sa may sugat ito gawa sa pagkakaipit niya sa isang patibong ay may malaki rin itong sugat sa bandang ulo nito at sariwa pa ang kaniyang dugo roon.

Maingat ko itong pinakawalan saka lumapit sa isang puno ng bayabas sa hindi kalayuan. Dahil sa wala namang tubig ay napilitan akong nguyain iyon saka pinilas ang laylayang bahagi ng aking damit at itinapal ang dahon ng bayabas sa sugat nito.

Agad rin akong napangiti ng kumiskis pa ito ng konti sa aking paanan saka naglakad palayo. Nabaling naman ang aking tingin sa aking kasamang kabayo ng magingay ito. Marahil ay nauuhaw at nagugutom na rin siya.

Agad kong sinundan ng tingin ang paika-ikang usa. Agad na pumasok sa aking isipan ang mga aral na aking natatandaan pa mula ng ako ay magaral.

"Ang hayop ang magtuturo sa iyo sa kaligtasan dahil sa oras na maligaw ka sa isang malaking kagubatan ay tanging mga hayop lamang ang makakapaghanap ng daan upang ikaw ay makakain. Alam nila ang pinagmumulan ng tubig sa lugar kung kaya't mabuting lagi mong isasaisip Prinsesa na ang mga hayop ang iyong magiging gabay sa kagubatan hindi sa kapahamakan." Saad ng aking guro.

"Ngunit paano po kayo nakakasiguro na ituturo nga po nila ang daan sa tubig. Paano na lamang po ang mababangis na hayop? kaya po hindi rin po tama ang ilan sa inyong mga tinuran." Katwira ko sa aking guro.

"Mahusay Prinsesa! Sa ganoong sitwasyon ay lagi mong iisipin lahat ng iyong gagawing hakbang. Palaisipan ang iyong sinabi ngunit simple lamang ang sagot riyan. Lahat ng mabangis ay maamo."

"Hindi ko po naunawaan ang inyong tinuran." Naguguluhan ko pang tanong.

"Dahil anim na taong gulang ka pa lamang at hindi pa ito ang tamang panahon para maunawaan mo ang mga bagay-bagay."

Agad akong lumapit sa kabayo saka sumakay rito. Bawat dinaraanan ng usa ay aming sinundan at mula nga sa kalayuan ay rinig ko na ang ragasa ng tubig na sa tingin ko ay may malapit na ilog rito.

'Ang Ilog ng Kalinisan

Hindi pa man nakakalapit ay agad ng tumakbo ang kabayo papalapit roon kaya bahagya pa akong natawa dahil mukhang pareho na kaming uhaw na uhaw. Agad kong itinali ang tali nito sa isang malaking bato saka naghugas ng kamay sa ilog. Agad na rin akong naghilamos saka napatingin sa kalangitan.

Kakaunting liwanag na lamang ang mayroon at unti-unti na ring lumilitaw ang mga bituin sa kalangitan. Agad akong sumalok ng tubig gamit ang aking dalawang kamay saka iyon ininom.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now