Chapter 49

155 8 0
                                    

The Heir

Nanginginig ang aking mga kamay na hinatak pailalim sa may kakapalan kong kumot sa aking katawan. Sa aking mga naririnig sa mga sumusuri sa akin ay pangalawang araw at pangatlong gabi na mamaya akong nilalagnat.

Masakit parin ang aking katawan na miski pagpunta sa palikuran ay hindi ko magawa ng ayos lalo na nang subukan kong maglakad papunta roon ng magisa.

Halos hagkan ko ang malamig na semento ng mga oras na iyon kung hindi lamang dumating sina Ginang Felina. Masakit at tila ngawit na ngawit ang aking mga binti at pati ang pag-ihi ay hindi ko magawa ng maayos dahil sa hapdi ng aking pagkababae. Mas lalo ko pang niyakap ang aking sarili dahil tila lamig na lamig ako gayong napakainit ng temperatura ng aking katawan.

"Bakit tila hindi bumababa ang lagnat ng kamahalan?" Narinig kong saad ng kung sino.

"Yes and about the stain of bloods. How does it happen that there was a lot of blood near her even though she doesn't have any tiny wounds?" Narinig kong saad ng isa pang boses. Kahit mahina lamang iyon ay kilala ko ang boses na iyon. Mordeus.

"H-Hindi ko po alam kamahalan." Narinig kong usal ng kung sino.

Tanging mabibigat na yabag na lamang ang aking narinig palayo at pagbukas sara na lamang ng pintuan ng aking silid ang aking naririnig. Dahil sa sama ng pakiramdam ay napagpasyahan ko na lamang muling bumalik sa pagkakatulog.

LIMANG araw na ang nakakaraan simula ng gumaling ako mula sa aking pagkakaroon ng mataas na lagnat. Halos dalawamg araw ko ding tiniis ang paginom ng kung ano-anong mapapait na halamang gamot.

Agad akong napabalikwas sa aking higaan ng maramdaman ko ang tila pagbaliktad ng aking sikmura. Simula ng gumaling ako sa sakit ay laging tila mas nais ko na lamang matulog kaysa ang gumalawgalaw.

Nanghihina akong napakapit sa lababo ng aking palikuran saka nanlalatang sumandal sa pader nito. Hinihingal kong tiningnan ang aking sarili sa repleksyon mula sa salamin. Namumutla ang aking mga labi at tila nahihilo ako gayong kagigising ko lamang at magaling na ako sa aking sakit.

Agad akong inalalayang makaupo sa aking kama ng makita ako ni Ginang Felina na lumalabas sa aking palikuran. Agad ako nitong inalalayan saka hinatiran ng pagkain.

Mabilis na lumipas ang mga araw at unti-unti na akong nasasanay sa mga kakaibang bagay na aking nararamdaman. Madalas rin akong natatagpuan sa kusina ng palasyo dahil sa dami ng pagkain na mayroon sila.

"Kamahalan mas mabuti po kung magpahinga na lamang po muna kayo." Pakiusap pa sa akin ni Ginang Felina ngunit nginitian ko na lamang ito saka inabutan ng malambot na tinapay na aking kinakain.

"Ginang. Ilang araw na po akong nakaburo hindi naman po ako amoy maasim para iburo hindi ba?" Nakanguso kong saad rito.

Bahagya na lamang itong natawa bagamat nababakas parin sa mga mata nito ang pagaalinlangan. Agad rin akong umiwas ng tingin rito saka tumalikod sa gawi niya. Panaka-naka kong sinisilip siya mula sa aking likuran habang pasimpleng pinupuslit sa aking dalang sisidlan ang sumobra kong tinapay na nakalagay pa sa babasaging platito.

"Kamahalan handa na po ang hukbo na inyong pinatatawag." Magalang na saad ng isang kawal saka yumuko sa aking harapan.

Agad naman akong ngumiti rito saka masayang kinuha ang aking pana at palaso. Agad ko namang inayos ang pagkakasara ng aking dalang sisidlan saka bahagyang inayos ang aking buhok bago naglakad at sinundan ang kawal.

Ilang minuto na rin ang nakakaraan ng iwan ko ang mga kasama kong kawal at magtungo sa lugar kung saan nais kong pumwesto. Sa masukal na lagusan papalabas ng gubat. Wala ako sa wisyo para makipagbuno sa mga magnanakaw na ito.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now