Chapter 45

147 8 0
                                    

Pause

Anim na buwan na simula ng muli akong magbalik dito sa Lesbitya at halos tatloh buwan na rin simula ng matali ako sa Hari. Hindi rin naman pala masama na naikasal ako sa kaniya dahil kahit papaano ay may hawak akong kapangyarihan.

Nagagawa kong pakialaman ang mga batas at kaniyang mga salita ng hindi lumalabag. Isang linggo matapos ang kasalang naganap ay pinaalis ko na nang Lesbitya sila Cecilia ipinasama ko na rin sa kanila ang pamilya ni Ginang Sonya.

Kahit papaano sa kanilang pag-alis rito ay bahagyang nabawasan ang aking mga isipin. Sa isiping nasa puder sila ni Haring Mordeus na nasa akin ang katapatan ay malaking bawas na sa aking mga plano at suliranin.

"Care to share some thoughts?" Bahagyang naging komportable sa kaniyang mga ikinikilos.

Tulad na lamang ngayon na bigla-bigla na lamang siyang lumilitaw. Agad nitong ipinulupot ang kaniyang dalawang braso sa aking baywang saka ipinatong ang kaniyang baba sa aking balikat kaya bahagya kong itinagilid ang aking ulo upang pareho kaming hindi mahirapan.

"I'm just thinking about how I can kick my husband out of our family's land." Matapat kong saad rito.

Naramdaman ko na lamang na bahagya itong tumawa saka mas isiniksik ang kaniyang baba sa aking leeg saka pa bahagyang inaamoy.

Totoo ang aking tinuran sa mga nagdaang araw ay madalas akong nahuhulog sa malalim na pagiisip tulad ng hiningi niya sa akin ay sinasabi ko ang totoo sa kaniya. At sa mga nagdaang linggo rin ay madalas pagtawa o kaya'y paglingkis lamang sa akin ang kaniyang sinusukli tuwing nagsasalita ako ng tungkol sa ganoong bagay.

"Silly as always." Saad nito saka ako pinihit paharap sa kaniya kaya binitawan ko na lamang sa ibabaw ng lamesa ang panyolitong aking binuburdahan.

Agad kong tinitigan ang mukha nito. Andito na naman. Nararamdaman ko na naman ang mabiliss na pagpintig ng aking puso tuwing nasisilayan ko ang maamo nitong mukha kahit bakas pa sa mga mata nito ang tapang at pangingilatis.

"Bakit hindi mo ako hayaang makapaglibot libot rito sa palasyo." Sabay muling pumihit patalikod sa kaniya saka tinuloy ang aking nasimulang gawain.

"Nah. I don't want to let my guard down. I deeply knew how silly and clever my wife is. I can't let her be a stray and leave my side. I need her. I really need her not just to carry my heir but to be with me and love me as her husband." Bahagya pa akong napapikit at napakapit ng mahigpit sa hawak kong panyolito.

Ramdam na ramdam ko rin ang napakabilis na tibok ng aking puso na tila ba tumakbo ako ng ilang oras at napakalayo dahil sa lakas ng pagkalabog nito. Dagdag pa ang paninindig ng aking balahibo sa aking buong katawan dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa aking batok na tila may isinusulat ito rito.

"Why can't we have a deal?" Tanong ko biglaan rito upang maiwasan ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa aking buong katawan dahil sa kaniyang ginagawa.

"I think it's a great idea." Lalo akong nailang dahil sa sobrang dikit na dikit na siya sa aking likuran.

Bagamat makapal ang aking suot na damit ay tila ramdam na ramdam ko parin ang init ng kaniyang katawan.
Kaya kahit naiilang ay ginawa kong humarap rito at marahan siyang inilayo sa akin saka ngumiti ng alanganin.

"Let me out of the palace and roam around the kingdom. In exchange I let you rule over me." Kumpyansa kong saad rito.

Agad kong nasilayan ang hindi ko gustong uri ng kaniyang ngisi. Ang ngising laging may dalang suliranin sa akin tuwing ito'y aking nasisilayan.

"Sure my dear as long as you're with my knights to assure me that you may not easily escape." Saad nito habang pinaglalaruan ang aking pisngi sa kakahaplos.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now