Chapter 3

242 22 1
                                    

Traitor

Sa mga nagdaang araw ay hindi nagbago ang kundisyon ng mahal na hari. Ang dating tahimik na palasyo ay laging napupuno ng kaguluhan sanhi ng mga dayuhang bisita ng Reyna. Halos nakabisado ko na ang kanilang gawain dahil tulad sa umaga wala silang gagawin kundi magkalat at mag-ingay sa ibat-ibang parte ng palasyo. Sa tanghali naman ay pahihirapan ang mga tagapagsilbing nagaasikaso sa kanila, naroon na ang pasukin nila ang mga silid ng mga ito at guluhin at itapon ang mga bagay na hindi naman nila pagaari. At sa hapon ay wala akong ibang naririnig kung hindi ay pagtaghoy at pagmamakaawa.

Ilang beses ko na silang pinagsabihan ngunit lagi akong tinututulan ng reyna. Kaya mas mabuti nalamang na bawasan ko ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Narito ako ngayon sa hilagang bahagi ng palasyo para magliwaliw. Masyado na akong maraming iniisip sa mga nagdaang araw kasama na doon ang unti-unting pagkakasakit ng mga sundalong nakatalaga si timog.

"Hindi po ba mahal na Prinsesa kataka-taka ang mga nangyayari sa ating kaharian? tila sumasabay naman ata sa pagkakasakit ng Amang Hari ang mga suliranin." Tanong sa akin ni Binibining Romualdo. Ang aking tagapayo at siya ring aking naging guro simula ng ako'y tumungtong sa pagaaral. Sa ngayon ay nakatapos na ko sa aking mga dapat aralin bilang susunod na tagapagmana at reyna ng kaharian.

"Marahil ay nagkataon lamang po ito...malalampasan din natin ang mga suliraning bumabalakid sa ating kapayapaan." Saad ko habang nakatanaw sa bahagda-hagdang palayan na kita dito sa durungawan ng palasyo.

Kahit papano'y gumagaan ang aking kalooban sa tuwing tumitingin ako sa kalikasan. Napaka tahimik nito tanging natural na tunog lamang ng ihip nang hangin at galaw ng mga hayop na naninirahan ang tanging gumagalaw sa loob. Hindi tulad dito sa palasyo na masyadong magulo at pasaway ang nanunuluyan.

"Nais kong magpatupad ng kautusan." Saad ko ng hindi lumilingon rito.

"Nakikinig po ako Mahal na Prinsesa" Magalang na saad ng aking tagapayo.

"Ako si Prinsesa Furi sa kaharian ng Lesbitya inuutusan ang bawat lagusan na saraduhan na muna ang mga ito hanggat hindi ko sinasabing alisin ay walang magaalis. Sa ngalan ng aking pangalan, amang hari, aking yumaong inang reyna at lahat ng ninuno ng dugong bughaw ng Lesbitya ay walang makakabali nito. Kamatayan ang siyang kaparusahan sa kung sino mang tataliwas sa aking iniutos." Mahabang anas ko.

Ito lamang ang paraan upang mapangalagaan ko ang kaharian. Sa pamamagitan nito ay wala nang makakapasok at makakalabas sa buong Kaharian ng Lesbitya hanggang sa hindi ko ibinababa ang kautusan. Maging ang pagpasok at paglabas ng mga produkto ay inihinto ko na rin muna. Para masiguradong walang manghihimasok at walang makalusot sa mahigpit na seguridad na aking ibinaba.

"Masusunod po Mahal na Prinsesa" Sagot nito bago ako iwan magisa rito habang nasa kabilang pasilyo lamang ang aking mga tagapaglingkod. Alam nilang madami akong suliraning kaylangang ayusin at ipatupad na batas kaya't hanggat maari ay iniiwasan nila akong kausapin at istorbohin.

Bumalik na ako sa aking silid at naupo sa aking pribadong lamesa na tanging ako lamang ang maaring maupo at ang aking ama lamang ang may pahintulot na maupo rito.

Binasa ko na isa-isa ang mga liham mula sa mga karatig kaharian at mga liham na nagmula sa mga namumuno sa labas ng palasyo. Napahilot na lamang ako sa aking sintido matapos basahin ang lahat at tanging isang itim na sobre na may pulang laso na lamang ang hindi ko pa nababasa.

Halos manginig ang aking kalamnan matapos mabasa ang liham. Ang kaninang pagod ko ay tila balewala matapos kong basahin ang kasulatan.

Agad agad akong tumayo at lumabas halata sa mukha ng mga tagapagsilbi ang takot at pagaalala nila sakin. Hawak ang sobreng halos malukot na at sa malalaki kong hakbang ay narating ko rin ang aking sadya.

Kumatok lamang ako ng tatlong beses kahit walang pahintulot ay pumasok ako ng silid. Nagkalat sa paligid ang iba't ibang alahas at dyamanteng iniingatan ng kaharian sa loob ng silid na ito. Kunot noo akong tumingin sa reyna na ngayon ay suotsuot ang koronang hindi naman nararapat sa kanya.

"ANONG KALAPASTANGANAN AT NAPADPAD KAYO RITO!" Galit ang agad na isinalubong sa akin nito. Sa taranta ay bigla na lamang nyang hinubad ang suot na pulang kapa at inihagis upang matabunan ang mga alahas na marahil sa kanyang kasakiman ay ipinakuha nya kahit alam nyang sagrado ito at ipinagbabawal kunin.

Magagamit lamang ang mga ito sa oras na bumagsak ang kaharian at maubusan ng salaping ipangtutugon sa kaayusan ng lahat. Ngunit tila nagpapakasaya ang reyna at hindi alintana ang mga batas.

"Mahal na Reyna! Pano mo nagawang lapastanganin ang Aking kaharian?!" Tanong ko rito sa mahinahon na paraan ngunit mababakas parin ang muhi at poot.

"MAGHUNOS DILI KA SA IYONG MGA BINIBITAWANG SALITA MAHAL NA PRINSESA! AKO ANG REYNA KAYA GALANGIN MO AKO!" sigaw nito sa akin.

"Pano mo ito nagawa?Mataas ang tingin ko sayo dahil kaibigan ka ng aking yumaong Inang reyna...Wag ka ng magkaila isa kang taksil!" Sagot ko rin rito kaunti na lang at alam kong babagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Siya ang reyna pero ako ang sumasalo lahat ng suliranin ng kaharian. Siya ang nakaupo ngunit parang pag-upo na lang talaga ang balak nyang gawin.

"A-ANO BANG S-SINASABI MO?!WALA KANG EBIDENSYA!OO TAMA ALA KANG EBIDENSYA PARA PAG-AKUSAHAN AKO NG PAGTATAKSIL!" Sigaw parin nito. Balisa na ang katawan nito at hindi na din mapalagay ang kanyang mga mata at kung saan saan na tumitingin. Halata rin ang saglitang panginginig nito.

"May tatak ng nakaupong reyna ng Lesbitya ang liham na ipinadala mo at kamalas malasan lamang na naligaw at ako ang nakabasa ng liham na para sayo!" Hindi na maiwasang magunahan ng aking mga luhang kanina ko pa tinitimpi.

"Nais mong ipapatay si ama?! paano mo ito nagagawa sa taong walang ginawa kundi ibigin at ayusan ka?!" Sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na magawang kontrolin ang mga sinasabi ko sa kanya.

"WALA AKONG ALAM SA MGA BAGAY NA IYAN!" Saad nito sabay sipa ng lamesang katabi nya.

"Kung ganon ay magkita na lamang tayo sa oras ng paglilitis." Walang kahit anong nararamdamn kong saad sa kanya.

Umalis ako ng silid na nanginginig siya at masama ang tingin sa akin. Nakasalubong ko pa sa daan ang dalawang pasaway na panauhin. Bagya pang umawang ang bibig nila ng magawi sa aking mga kamay ang tingin nila.

Nilagpasan ko na lamang sila at ipinatawag lahat ng mga tagapayo at matatandang nanunungkulan sa kaharian. Matapos kong ipakita at sabihin sa kanila ang aking pasya ay bakas sa marami ang gulat at galit. May mga ilan namang tila inaasahan na ang mga ganitong pangyayari at hindi man lang ako nakakuha ng kahit anong reaksyon sa mga mukha nila.

Matapos ang pagpupulong ay dumeretso na ako sa silid ni Ama para kamustahin ito. Naglagi ako doon ng ilang oras bago napagpasyahang maghapunan sa loob ng silid mismo ni Ama. Bukas na bukas ay pupulungin ko ang lahat lalo na ang mga taong nagangasiwa sa kusina at pangangalaga sa aking ama. Hindi ako nagpasabi ng aking mga gagawin bukas dahil gusto kong hulihin sa akto ang mga taksil at walang awa sa aking kaharian.

Kinausap ko muna si Ginoong Julio saglit bago dumiretso sa aking silid. Pagod na pagod at lupaypay ang katawan akong humiga sa kama pagkatapos kong magpalit at magayos ng sarili. Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa malalim na pagiisip at sa mga maaring maging solusyon sa problemang kinahaharap ng buong kaharian.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now