Chapter 28

134 8 0
                                    

Harder than rock

Agad akong napamulat ng aking mata habang nakadukdok parin ang aking mukha sa lamesa.Pinakiramdaman ko munang mabuti ang aking paligid dahil kahit nahimbing ang aking pagkakatulog ay pakiramram ko'y may nagmamasid sa akin.

Hindi muna ako gumalaw maging ang aking paghinga ay pinanatili ko lamang na normal na wari ay natutulog pa ako. Pakiramdam ko'y dinaig ko pa ata ang kuwago sa pamimilog ng aking mga mata ng maramdaman kong may kumikilos at marahang naglalakad papalapit sa akin.

Unti-unti na ring nilulukob ng kaba ang aking dibdib hindi dahil sa natatakot akong masaktan at hindi makalaban sa maaring umatake sakin ngunit mas lamang sa akin ang lahat ng nangyari sa loob ng palasyo na ito isang taon na ang nakalilipas. Ang pagpanaw ni Ama...

Halos higitin ko na ang aking hininga ng maramdaman kong haplusin nito ang aking buhok. Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa mga alaalang bumabagabag sa aking isipan..

Hindi na ako maaring magpadaig sa takot. Hindi ko na kailangan pang maging mahina. Hindi na ako ang dating Prinsesa na iaasa lamang ang kaligtasan sa buhay ng ibang tao. Kaya ko ng lumaban.

"I knew that you're already awake...in the way your shoulders jerked and your hungry tummy that keeps on ranging many times ago." Napapikit pa ako ng dumampi ang hininga nito sa aking tenga matapos niya akong bulungan.

Sa pagiisip ay hindi ko na napansin na kanina pa pala kumakalam ang aking sikmura. Jaya bahagya kong naramdaman ang pamumula ng aking pisngi.

Sa pagkapahiya ay agad akong tumayo sa pagkakaupo at agad humarap sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin habang sumeryoso naman ito ng tindig halos walang pumansin ni isa sa amin sa pagkalabog ng upuang inuupuan ko kanina dahil sa pwersahan kong pagtayo.

"Ehem...Mr. Whoever you are...ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nagpipigil inis kong turan.

Hindi ko dapat ipinag sa walang bahala ang kakayahan ng hari na ito dahil kagabi lang ay....naiinis ako tuwing naiisip ko ang nangyayari sa aking buhay....sadyang malas lamang ba talaga ako upang makulong sa palasyong ito sa kamay ng gahamang angkan. O masyado lamang akong nagpaka kampante na walang mangyayaring masama sa akin kaya ni ang magbaon man lang ng isang balisong ay hindi ko nagawa.

"Checking on my wife to see if she has already eaten her breakfast? " Patanong na saad nito kaya lalo akong nainis.

And what?! W-wife?! Hindi ako hangal upang hindi maintindihan lahat ng sinabi niya. Kaya napahawak na lamang ako sa laylayan ng suot kong bestida saka napakuyom ang aking kamao habang nakapikit at inaalala lahat ng nangyari kagabi...

Speech.....The Commotion....Lady Lisa....the wife....

Oh my goodness! What I have done?!

Inis na lamabng akong napakamot sa aking buhok habang nagpapapadyak.
Napakakitid ng utak mo Furi! Naisahan ka na naman nila!

"Why didn't you eat your food?" Pormal na tanong nito saka humatak ng upuan sa tabi ko lamang kaya umusog ako pakaliwa saka naghatak rin ng upuan at umupo.

Ngunit sadya atang ipinanganak ito upang inisin ako dahil umusog rin siya pakaliwa saka nagusog ng upuan kaya katabi ko na siya ngayon.

"Ipagpawalang galang mo Ginoo ngunit hindi mo ba nakikita na ayaw kitang katabi?" Nakataas kilay kong tanong. Dahil bukod sa naiinis na talaga ako dahil sa gutom ay dumadagdag pa itong ginoong ito!

"I don't care." Simpleng saad nito saka inayos muli ag pagkaing lumamig na.
"Seat and Eat."

"Ayoko nga! kahit mamatay pa ako--"saad ko na pinutol nya.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now