Chapter 21

134 13 2
                                    

It's been a while

Katulad ng mga nakagawiang araw ay sa durungawan ako ng aming tahanan matatagpuan. Halos isang taon na rin ang lumipas at hindi na ako makapag antay na muling makabalik sa aking sinisintang kaharian. Nakahanda na ang aking mga dadalhin at wala akong balak na isama pa si Amang Mario at Dero pabalik. Dahil alam kong sa mga oras na ito ay lumantad na ang taksil na kawal.

Hindi sa lahat ng panahon ay handang tapalan ng salapi ang ating pagkakamali. Hindi rin ako nakakasiguro dahil wala rin akong nasasagap na balita sa pamilihan. Ang huli ko lamang nakauha ay ang pagsasabing napakataas daw ng seguridad ng kaharian.

Kung gayon ay hindi agad ako makakapasok roon kung halimbawang wala akong dala kaya napagpasyahan kong pakyawin lahat ng paninda ng batang nagtitinda ng mga palamuti kahapon.

Nakakatuwa pa ngang binigyan nya pa ako ng isang purselas na pinakamaganda daw sa lahat ng kaniyang ginawa kung kaya't pagkakaingatan ko ito.

"Bakit tila nakaimpake ang mga gamit mo Prinsesa?" Sinalubong ko ang maitim na mga mata ni Dero. Halatang puyat ito at walang maayos na tulog.

"May pupuntahan kasi ako---"

"----at nagbabalak ka bang tumakas?!" Bahagya pa akong nagulat ng bigla ako nitong pagtaasan ng boses.

"Hindi naman sa ganon iyon. Ang sa akin lamang ay hindi ko na kayo kailangan pang isama roon dahil magtitinda lamang ako ng mga palamuti." Seryoso ko ring saad dahil alam kong matatalo ako kung ipapakita kong natatakot ako sa paraan ng kaniyang pagtingin.

"Anong ba'ng kaganapan ninyong dalawa at kay aga-aga ay nagsisigawan na?" Saad ni Amang Mario na kalalabas lamang ng kaniyang silid.

"May nagbabalak umuwi mag-isa sa Lesbitya." Napaawang ang aking labi ng diretsahan itong sabihin ni Dero kaya pinukulan ko lamang ito ng isang masamang tingin.

"Ano?! Hindi maari! " Naging malamlam ang aking tingin ng biglaang nagtaas ng boses si Amang Mario.

"Hindi ko kayo maaring isama--" saad ko.

"----At lalong hindi ka maaring umalis ng walang kasama!!---" Mahinanahong saad ni Amang Mario sa akin.

"----Iniisip ko lamang ang inyong kapakanan---"putol ko pa rito.

"----kapakanan mo ang mas mahalaga rito!!" Napahinto na lamang ako ng bigla itong sumigaw sa mismong harapan ko.

"N-ngunit..." Gusto kong ipilit ang aking naisin ngunit alam kong wala itong patutunguhan kung sakali.

"Kaligtasan mo lamang ang aming iniisip kaya kung sakali ay wag mo muna iyang unahin." Malamlam na saad nito.

"Maari naman akong umalis at manatili kayo rito saka...saka hindi maaring umalis si Dero dahil hindi niya maaring takasan ang kaniyang---"

"----Si Esmeralda ang aking nais--"saad ni Dero.

"-----Hindi ka isang lalaki kung tatakasan mo ang iyong responsibilidad. Huwag mong bahagin ang iyong buntot! Ikaw itong hindi nagiisip ng maayos! Pakakasalan mo sya! Tapos ang usapan!" Galit na saad ni Amang Mario kaya napayuko na lamang ako.

Maghapon ako nitong hindi pinayagang lumabas ng aming tahanan ganun din si Dero. Hindi ko pa alam kung bakit ipinipilit niya ang kaniyang sarili kay Esmeralda samantalanag ayaw naman nito sa kaniya.

Kung hindi nila ako papayagang umalis ng matiwasay tatakasan ko na lamang sila! Ilang araw? Buwan? at taon pa ba ang aking hihintayin bago ako bumalik ng Lesbitya?

Hindi ko naman ipapahamak ang aking sarili eh! magmamanman lamang ako upang makakuha ng impormasyon at babalik rin agad ako rito upang makapaghanda kung sakali.

"Huwag mong tangkaing tumakas." Nagbabantang saad ni Amang Mario nasa likod nito si Dero at halatang may importante silang pupuntahan.

Wala akong nagawa kundi ang manatili sa aming tahanan at magbasa basa ng mga aklat maging ang mga manliligaw ay pinagbawalan ring pumunta rito.

Sumapit na ang gabi at wala parin sila.
Nakapagluto na rin ako ng hapunan at lahat ay wala parin sila. Napagpasyahan ko na lamang na takpan ang mga pagkain at pumasok muli sa aking silid.

HATING GABI na at sa tingin ko ay malapit ng pumalo sa ika-isa ang oras kaya't dahan dahan akong bumangon sa aking higaan. Alas nueve na sila dumating at mukang mga pagod na pagod kaya't konti lamang ang mga nakain at mukha pang nakainom.

Kaya't sinamantala ko iyon at nagpalit ng aking damit. Nagsuot lamang ako ng mahabang sayang puti na hanggang braso ang haba ng manggas at nagsuksok narin ng isang balisong sa magkabilaan kong sapatos na bota na gawa sa balat ng hayop.

Inilabas ko na rin kanina ang aking mga dadalhin at maging ang mga palamuti. Dahan dahan kong binuksan ang bintana ng aking silid. Dahan dahan akong sumampa rito upang makalabas.

Isang metro ang layo kung saan ko inilagay ang aking mga dalahin.
Inayos ko pa muna ang aking talukbong dahil sa lamig ng klima at dahang dahang binagtas ang madilim na kakahuyan. Hindi ako maaring dumaan sa tapat ng bahay kung kaya't sa likod na ako dumaan. Nagiwan rin ako ng sulat sa kanila na sana ay magtiwala sila sa akin.

Nang makuha ko ang aking mga kagamitan ay dali dali akong pumunta sa daungan ng barko. Marami na ring mga pasahero ang naririto at batid kong sa palangisdaan ng Lesbitya ang baba nito.

Mas mapapabilis kung sa tubig dadaan kaysa sa lupa. Bagamat ito ang aking unang karanasang makasakay sa ganitong panglakbay ay kakayanin ko naman siguro. Madami ng tao ang nasa loob hindi lamang mga mamamayan ng Amazora kundi maging ng ibang kaharian. Agad akong pumasok sa kwartong nakalaan sa akin.

Naway maging maayos ang aking pagbabalik.

"Binibini narito na tayo." Nagising ako sa mumunting pagyugyog ng aking nga balikat. Namataan ko ang babaeng may dalang sanggol na nagtiyaga akong gisingin nginitian ko na lamang ito at nagmamadaling iayos ang aking sarili.

"Mauna na ako sayo Binibini!" Sagot nito habang kumakaway palayo.

Wala akong nagawa kundi ang mapangiti ng tuluyan na akong makababa ng sasakyang pandagat.
Katulad ng dati ay marami paring tao dito lalo na at ika-pito narin ng umaga.

Madami mang salaping pumapasok halata naman ang lumbay sa mata ng mga mamayan sa tuwing magtatama ang aming mga paningin.

Inayos ko lamang ang aking talukbong dahil napansin kong pinagtitinginan rin ako ng mga tao. Umayos lamang ako ng tayo at kunwaring nagmamasid-masid ng makitang may papalapit na mga kawal sa akin. Pasimple lamang akong humalo sa mga tao. Malayo pa ako sa Sentrong pamilihan at lalong lalo na sa dati naming tinutuluyan. Wala akong nagawa kundi ang umarkila na lamang ng sakayan.

"Sigurado ka bang dito ka nakatira? Wala ng naninirahan dito dahil delikado." Bagamat kanina pa nayayamot dahil bakit raw sa bundok ako nagpahatid na wala daw sa kanilang usapang ruta ay halata sa mukha nito ang pagkalito at pagaalala.

"Maraming salamat po." Saad ko na laang at inabutan ng tatlong pirasong bilog na pilak.

"Naku! Maraming salamat rito Binibini hanggang sa susunod!" Nakangiti nitong usal kung kaya't lumabas ang bungi-bungi nitong mga ngipin.

Kumaway na lamang ako rito saka dahan dahang binagtas ang daan paakyat ng bundok. Napangiti ako ng matanawan ang dati naming tirahan.

Bagamat napakadaming matatas na damo ay maayos parin naman itong tingnan. Napaubo pa ako ng ilang beses ng buksan ko ang pintuan dahil sa kapal ng alikabok. Sa kabila ng kakulangan sa tulog ay wala akong nagawa kundi linisin na lamang ang buong bahay. Maging ang mga kalat sa labas ay nilinis ko narin maging ang pagkukumpuni sa ilang nasirang bahagi ay natapos ko rin sa loob ng isang araw.

Nang matapos ay napagpasiyahan kong umakyat sa pinakamataas na puno rito sa bundok na ito. Hindi ito naging madali dahil sa aking kasuotan at sa taglay nga naman nitong taas. Muntik pa nga akong malaglag kung hindi lamang ako napakapit rito ay tiyak na durog-durog na ang aking mga buto.

Napangiti ako ng makita ang kabuuan ng kaharian bahagya ko pang ikinawit ang aking braso sa isang sanga upang pang suporta. Hindi ko inakalang makakabalik pa akong muli rito ng walang gambala. Hindi naman masama maging masaya ngunit paano kung ang lahat ng masaya mong alaala rito ay napalitan ng isang kalunos-lunos na trahedya.








Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now