Chapter 19

130 14 0
                                    

Face your fear Lady

Ilang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang aking itsura sa salamin sa aking kwarto. Hanggang ibaba na ng dibdib ang haba ng aking buhok na kulay pula ang dulo. Tuwid na tuwid ito. Maging ang aking kilay na  laging tila inaayos. Mababakas sa aking mukha ang kainosentihan ngunit ang aking isipan ay napuno na rin ng karahasan.
Ang mga mata kong ilang beses ng lumuha at nakasaksi ng mga bagay na hindi gugustuhing makita ng isang tulad ko.

Tama kaya ang magiging desisyon ko kung sakali? Alam ko namang may lakas at kakayahan na ako at may sandatahang lakas na handang tumulong sa akin.

Dahan dahan akong tumayo saka muling pinasadahan ang aking itsura. Suot ko ang dati kong itim na saya.
Nakalugay ang aking buhok at suot suot ko ang kwintas na sumasagisag sa akin at sa aking ama.

Alam kong may kakaiba sa akin ngayon.
Malaki. Malaki na ang nagbago. Bagamat parang may kulang, alam ko sa aking sarili na kahit masira pa iyon ay patuloy padin iyong mabubuo sa tulong ng aking mga paniniwala.

Hinawi ko pa ng bahagya ang aking buhok na nakatabing sa aking pisngi at inilagay ito sa likod ng aking tenga bago napagpasyahang lumabas ng silid ng walang anumang nakatabing sa aking mukha.

Nais kong maging ganap sa aking pangalan at aking pwestong ipinagkait ng mga mananakop. Ngayon ang aking ikalabing-siyam na kaarawan. Masaya sana ako kung sakali mang buhay pa si ama. Ngunit wala na sya at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya.

At sisiguraduhin kong magbabayad sila sa malinis na paraan na dumaan sa pagkilatis at batas.

"Maligayang Kaa--Magpugay!" Agad lumuhod si Amang Mario ng ako'y kaniyang masilayan.

May hawak pa itong kakanin na siguradong pinaghandaan nila. Samantalang ang mga taong kasama niyang naririto para sana supresahin ako ay nakatulala lamang at titig na titig sa akin. Maging si Dero. Nagulat pa ako ng makita ang Hari na nandito din. Hindi ko inakala na makikiisa siya sa mga taong makakaisip ng ganitong bagay.

"P-prinsesa Furi" Narinig kong mahinang anas ni Dero at bigla na lang ding lumuhod. Kasabay ng mga taong naririto sa loob ng bahay.

Nginitian ko lamang sila. Wala na ang tabing. Hinubad ko na ang pagkakilanlan ni Yuri dahil narito na ako. Handa na sisiguraduhin kong mababalik sa akin lahat ng inagaw nila.

Dahang dahang naglakad papalapit sa akin si Haring Mordeus habang nakatitig parin sa akin. Sa unang pagkakataon ay ngumiti ito kaya hindi ko maiwasang mapaawang ang aking labi.

"Binabati kita Yuri o mas mabuting tawaging Crown Princess Furi ng Lesbitya." Nakangiti nitong usal saka bahagyang yumukod at halikan ang likod ng aking palad habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"Maraming salamat sa inyong lahat maari na kayong tumayo." Nakangiti kong usal. Bahagya pang nakaawang ang mga labi ng mga ito. Mahigit sa sampu ang naririto sa aming munting tahanan kasama na si Cecilia at ang hari.

"Na sa iyo ang aking katapatan aking Prinsesa." Nabaling ang aking tingin kay Amang Mario ng magsalita ito at bahagya pang yumukod. Nginitian ako nito at ginantihan ko lang rin ng isang matamis na ngiti. Agad ko itong yinakap ganun din ang bawat isang naparito.

"Hindi mo ba yayakapin ang kamahalan?" Napakunot pa ang aking noo ng ibulong ito sa akin ni Cecilia dahil siya ang huli kong yinakap. Nahihiya akong lumapit sa kamahalan saka ito yinakap. Noong una ay nagulat pa ito ngunit ng lumaon ay gumanti rin ito pabalik.

"Maligayang bati sa iyong pagsilang!Maligayang maligaya...maligayang Bati!Maligayang Kaarawan Yuri!" Masayang kantahan ng lahat saka iniabot sa akin ang kakanin na may nakasinding kandila.

"Humiling ka na kamahalan"
Nakangiting bulong sa akin ni Dero.

Nakangiti akong lumapit sa mga ito saka pumikit upang humiling.
Isa lamang ang kahilingan ko at sana ay matupad iyon hindi lang para sa akin kundi para na rin sa lahat ng taong naniniwala sa akin.

'katagumpayan sa akin at sa hinaharap
Unti unti kong minulat ang aking mga mata saka hinipan ang mumunting kandila.

"Simulan na ang kasiyahan!" Bibong saad ni Cecilia.

"Mahiya ka naman kahit konti kababae mong tao." Singhal naman ni Dero.

"Wala kang pakialam, sinabi ko bang lalaki ako?" Mataray na saad ni Cecilia.
Nailing na lamang ako sa mga inaasal nila. Halatang pinaghandaan nila ang mga ito dahil narin sa dami ng handa na nakalatag sa aming hapag ngayon.

Hindi natapos ang aming munting hapunan ng walang kasiyahan na pinangunahan na ng parang aso at pusang sina Dero at Cecilia. Panay papuri ang maya't maya kong naririnig. Ang akala ko ay munti lamang itong pagsasalo ngunit buong kaharian pala ay nagsisiya dahil ng sumilip ako sa aming bintana ay nakita ko roon ang hilera ng mga lamesa kung saan kumakain ang ibang mga mamamayan.

Nakakatuwang isipin na bawat magdadaos pala ng kaarawan sa kanilang kaharian ay pinaghahandaan ng lahat mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang uri.

MALALIM na rin ang gabi at karamihan sa kanila ay natutulog na. Nakakatawang isipin na ako ay nagtitirik ng kandila sa aking mismong araw kaarawan.

"Hindi ka pa ba dinadalaw ng antok mahal na prinsesa?" Napabaling ako sa likuran ng matanawan ko roon si Amang Mario. Mukhang balak na sana nitong mamahinga ngunit nilapitan niya pa ako rito sa tapat ng aming bintana. Base narin sa kaniyang kasuotan na ginagamit pangtulog.

"Tama po kaya ang aking naging pasya?hindi po ba ako mapapahamak ng dahil rito?" Wala sa asarili kong tanong habang nakatitig sa nitsa ng kandila.

"Hindi talaga maiiwasan sa buhay ang sumugal lalo na kung may matibay kang pinanghahawakan.....ngunit lagi mong tatandaan na lagi sa isang desisyon ay may kalakip na responsibilidad na kailangan mong gampanan." Mahabang salaysay nito.

"Alam ko naman po iyon...Pero paano kung mabigo akong gampanan ang mga bagay na  dapat kong gawin?" Tanong ko pa habang nakatulala na lamang sa buwan.

"Walang masamang magalinlangan ngunit lagi moring tatandaan na sa bawat tanong ay may kasagutan. Sa bawat gusot ay laging may paraan upang ito ay matuwid...Nais kong isipin mo ang tagumpay na naghihintay sa iyo sa hinaharap. Muli maligayang kaarawan sa iyo aming kamahalan." Huling sabi nito bago ako iniwang nakaupo sa tapat ng paubos ng kandila.

Bahagya ko pang itinaas ang aking kamay na tila hinahaplos ang buwan.
Kung nandito lamang si ama ay siguradong tagumpay rin ang kaniyang nanaisin para sa akin. Binaba ko ang aking kamay saka hinawakan ang kuwintas na aking suot. Alam kong nagagalak rin si Ina dahil ngayon ang aking kaarawan. Alam kong kung ano man ang mangyari maging maganda man o pangit ang kahihinatnan nito ay patuloy parin nila akong susuportahan kung nasan man sila.

Sa pagpikit ng aking mga mata ang sya ring pagdampi ng malamig na hangin sa aking katawan. Hindi ko maiwasang mapangiti ng dahil roon.

'Maraming salamat po sa aking buhay

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now