Chapter 11

158 14 0
                                    

A Father's Love

Bakit kailangang sa'kin pa ito mangyari?Magiging masamang tao ba ako kung hihilingin kong sa ibang tao na lang dapat nangyari tong trahedya sa buhay ko?

Magiging masamang anak ba ako kung magagalit ako sa mga desisyon ni Ama?Magiging mabuting prinsesa ba ako kung nanatili ako rito at sinamahan silang magdusa?

"Yuri!"naagaw ang atensyon ko ng marinig ang boses ni Dero. Kahit malaki na ang apoy at balot narin ng usok ang paligid ay pumasok parin ito at lumapit sa akin.

Ngunit hindi ko iiwan ang aking Ama. Nawala na nga ako sa tabi niya ng panahong kailangan niya ako ay iiwan ko parin ba sya kahit huli na ang lahat para sa buhay nya?

"M-mahal na Hari..."narinig kong bulong nito. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong umiwas ng tingin.

'Alam kong may alam ka pero bakit di ko man lang ako pinahiwatigan?

"P-patay na ang a-aking Ama"mahinang bulong ko at nagmistulang patak na naman ng ulan ang mga luha ko.

"Nalulungkot rin ako sa pagkawala ng Hari..." Mahina nitong bulong ang kaninang patak patak lang ng luha ay magsisimula na namang bumugso.

Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay maihahalintulad sa bagyo. Paunti unting lumalakas kahulugan ng sakit. Habang tumatagal palakas ng palakas ang bugso ganun din ang unti unting pagkadurog ng aking puso .

'Ama

"Kailangan na nating lumisan." Narinig kong dagdag pa nito. Hindi katulad kanina na puno ng lungkot ngayon ay may halo na itong determinasyon.

"h-hindi ko iiwan ang aking ama." Matigas at paos kong usal.

"Ngunit--"

"---pagbigyan mo na lamang ako kahit ngayon lang nakikiusap ako---"

"----Hindi lilisanin na natin ang lugar na ito---

"---ako si Prinsesa Furi inuutusan kita na sundin ang aking kautusan--"ang ayaw ko sa lahat ay iparamdam sa iba na nakatataas ako. Ngunit hindi ako makakapayag sa naisin nya. Hindi pa ako handa...Iyon ang totoo masyadong masakit ang pagpanaw ni Ama....

"-----Sa ngalan at utos ng yumaong hari ng Lesbitya ay sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo"agad napataas ang aking tingin sa kanya.

'May alam talaga sya!Bakit Ama?bakit pinili ninyong maging makasarili?bakit hindi ninyo ako pinagkatiwalaan sa bagay na ito?

Buong pagtututol ang ibinuhos ko sa kanya para lang hindi makalapit sa akin.

"p-pakiusap" Iyan lang ang mga salitang lumalabas sa aking bibig habang patuloy na iniiwasan ang paglapit nya sa akin.

"Patawad ngunit ito ang huling habilin niya sa akin." Nabigla ako ng bigla na lamang itong lumapit sa akin. At binuhat ako ng patiwarik at isinabit ang may kaliitan kong bewang sa kaniyang balikat.

"pakiusap!Ang aking Ama!Ama!!!" Wala akong nagawa kun'di ang umiyak at magmakaawang huwag iwan si Ama. Gustuhin ko mang bumaba ay hinahawakan niya lamang ng mahigpit ang aking binti upang hindi kami mawalan ng balanse.

"Kumapit kang maiigi"nagulat ako ng bigla ako nitong isakay sa kabayo. Si dilim.

Hindi pa man nakakasakay ng ayos ay agad nya na itong pinatakbo kahit sa pagbaba ng hagdan ay tila sanay na sanay na si Dilim.

"I-ihinto mo ito p-pakiusap." Bulong ko pa ngunit mas lalo lamang nitong pinabilis ang pagtakbo.

Saglit ko pang inilibot ang aking tingin sa paligid na naging dahilan lamang ito upang lalong bumigat ang aking dibdib wala paring tigil ang pagagos ng aking mga luha.

Ang malinis na marmol na sahig ng palasyo ay puro bahid ng dugo maging ang mga nagkikintabang mwebles at dingding ay pulos pula na ang makikita. Kaliwat kanan ang patayan ganun din ang mga nagliliyab na kagamitan.

Ang dating lugar na aking nakasanayan ay unti unti ng nagbabago. Ang lugar kung saan ako naging masaya ay unti unti na ring napapalitan ng takot at poot.

"Huminahon ka mahal na prinsesa..sana'y mapatawad mo kami ngunit para rin naman ito sa iyo." Saad nito. Kahit napakaingay ng kapaligiran ay rinig na rinig ko parin ang kaniyang mga sinasabi dahil na rin ako ang nakasakay sa unahan ng kabayo at siya ang aking nasa likod at nagmamaneho kay Dilim.

Tinanaw ko pa ang durungawan ni Ama. Bakit ganon?Nang huling beses na tumanaw ako roon ay naroon pa si Ama. Ngunit ngayon ay w-wala na...

Tanging pagiyak lang ang aking nagawa sa tagal ng binyahe namin bago makabalik sa dati naming tinutuluyan.

"Anong nangyari?"agad sumalubong sa amin si Amang Mario. Natanaw ko na rin ang karwaheng sinsakyan namin kanina.

"Nangyari na ang inaasahan"napabaling ang aking tingin kay Dero ng sabihin nya ito.

"H-hindi?!SINO ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT NG ITO?!SABIHIN NYO PAKIUSAP!SABIHIN NYO?!" Napaupo na ako sa damuhan habang sapo sapo ang aking dibdib. Napakasakit isipin na nangyayari ito sa akin.

"Tumayo kayo riyan pakiusap"saad pa ni Amang Mario habang palinga linga sa paligid. Tanging pag-iling at hikbi ko na lamang ang aking naging sagot sa kanya.

"Ipaliliwanag namin sa iyo ang lahat sa oras na maging ayos ka na." Huling sagot ni Dero bago ako muling binuhat ng pang kasal at dinala paloob ng bahay.

"Nakikiramay kami sa kadalamhatiang nangyari sa kaharian ng Lesbitya. Mahalagang tao sa akin ang iyong Ama kaya ko ito ginagawa, bilang matalik na kaibigan at maibalik ang kabutihang ginawa niya sa akin kaya ko ito ginagawa---"

"---pero bakit hindi ninyo man lang ako nagawang sabihan?Bakit hinintay nyo pang umabot sa puntong ito?" Napatayo pa ko sa aking pagkakaupo sa silya ng itanong ko ito sa kanya. Puno iyon ng pagtatampo at pighati.

"Paumanhin ngunit hindi pa ito ang tamang oras para riyan---"

"---kailangan kong malaman ang lahat!" Sigaw ko pa. Sa tanang buhay ko ay hindi ko ginawang magtaas ng boses sa kahit na sino.

"-----tulad ng sinabi ni Ama mamahinga ka muna Yuri, walang maidudulot na maganda ang pagiging padalos dalos at pagpapairal ng galit sa sitwasyon natin ngayon." Nahimasmasan ako sa sinabi ni Dero.

Tama sya. Ngunit may parte parin sa'king nasasaktan at natatakam malaman ang katotohanan.

"Hindi kailan man nanaisin ng iyong amang makita kang ganito kaya kung maaari ay pumasok ka na muna sa iyong silid at mamahinga"

Ito na ata ang pinakamatagal at madaming luhang nailabas ko sa buong buhay ko. Kahit gusto kong tutulan ang lahat ng kanilang sinabi ay hindi ko maitatanggi na totoo lahat ng kanilang sinasabi kahit pangatwiranan ko pa ito ay alam ko ding nagsasayang lang ako ng oras para ipaglaban ang mga naisin ko.

Ilang oras na akong nakatulala sa kisame ng kwartong tinutuluyan ko ngayon kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ang pagbuhos ng aking luha, taghoy at ingay na nagmumula sa lungsod.

Kung ipinaalam man lang ba ito sa akin ni ama ay mangyayari ito sa kanya?Kung naging matalino at mapagmasid ba ako sa aking paligid ay malalaman ko ba agad ang lahat?

Madami akong katanungang gustong masolusyonan ngunit patuloy na nagpapaulit ulit sa aking isipan lahat ng sinabi at itinuro sa akin ng aking Ama.

Nanghihina na ang aking katawan miski ang pumunta sa palikuran at maglinis ng katawan ay hindi ko na inabala pang gawin. Gamit ang natitira kong lakas ay kinuha ko ang byolin na ibinigay sa akin ni ama.

Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Ang pagiyak ng langit at ng kapaligiran ay tinugtog ko sa napakabagal na paraan ang unang pyesang itinuro sa akin ni Ama.




Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now