Chapter 10

160 13 0
                                    

The greatest of fears

Ilang beses pa akong tinawag ni Amang Mario at Dero ngunit hindi ko na ito pinansin. Sakay sa kabayo ay mabilis ko itong pinatakbo. Ilang beses pa kong may nadaanang nagkakagulo ngunit mas nanaig sa akin ang makabalik ng palasyo.

Intayin nyo po ako Ama'

Agad kong hinatak ang tali ng kabayo dahilan para huminto ito sa isang gilid. Agad kong nilapitan ang isang batang umiiyak may hawak pa itong maliit na manika.

''A-ate tulungan niyo po ang aking ama''sagot nito.

"Shh wag ka ng umiyak. W-wag kang magalala hahanapin natin ang mga magulang mo"saad ko rito. Sa totoo lang maging ako ay natatakot sa maaaring kalabasan ng gyerang ito.

Sa itsura nito ay halatang naiwan siya ng kaniyang mga magulang. Agad ko syang binuhat at sinakay sa kabayo umiiyak parin ito hanggang ngayon. Gustuhin ko mang tulungan at hanapin ang kanyang mga magulang ay mas nanaig sakin na magpatuloy upang makabalik kay Ama.

Marami pa akong nais itanong sa kanya. Ito ba ang dahilan kung bakit lumabas ang balitang namatay na ako?kung bakit mas hinayaan nyang mahirapan sila?bakit mas pinili niya akong mailigtas kaysa sa aming nasasakupan?

"Kumapit kang maigi ha"saad ko rito. Bahagya ko itong pinadapa sa kabayo habang mas lalo pa kong yumukod.

Kaliwa't kanan ang sunog at mga patalim na hindi ko alam kung saan nangagaling. Di ko namalayang umiiyak na rin pala ako.

'Hindi ako pwedeng umiyak!Kailangan ko pang balikan si Ama.

"Ahhhh"sigaw ng bata mas humigpit pa ang yakap nito sa kabayo dahil sa muntikan na kaming tamaan ng isang palaso. Kung tutuusin ay wala akong laban sa kanila tanging sa bilis lang ng pagpapatakbo ng kabayo ang kaya kong gawin.

"Wag ka ng umiyak..Poprotektahan kita." Bulong ko pa rito habang umiiwas sa mga bangkay na nakakalat sa daan.

"Maari bang takpan mo muna ang iyong mga mata. Hanggat h-hindi ko sinasabi ay wag mong bubuksan. Maari ba iyon?"tanong ko rito habang tinatahak pa rin ang dahan.

"O-opo"saad nito.Agad na pumikit ito habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa kabayo.

"H-huminto k-kayo p-pakiusap!"agad kong hinatak ang tali ng kabayo para huminto ito. Sa pagkabigla ay umangat pa ang bandang unahan nito.

"A-ate ano pong nangyayari?"umiiyak na usal nito habang nakayakap parin sa kabayo.

"A-anak"agad napamulat ang bata ng makita ang lalaki na halos gutay gutay na ang damit at may ilang galos sa katawan.

"Ama!"magiliw na saad ng bata at agad nagpaalalay saking bumaba.

"M-maraming salamat sa pagtulong mo sa aking anak"nakangiti nitong usal. Tumango lamang ako rito saka muling pinatakbo ang kabayo.

Pagpasok ko pa lamang sa tarangkahan ng palasyo ay nais ko ng maiyak sa nasaksihan. Sunog ang unang bahagi ng tarangkahan kasama ang mga nakahandusay at wala ng buhay na mga kawal. Nilagpasan ko na lamang ang mga ito saka ulit tinahak ang daan papuntang palasyo.

Wala na akong magagawa dahil wala na silang buhay. Sa bawat madadaanan ay puro dugo at katawan.Bakit kailangan nila itong gawin sa aming kaharian?

Hindi parin ako bumababa ng kabayo agad ko itong pinaakyat sa mataas na hagdanan papasok ng palasyo. Kahit mabilis na ang bawat hakbang nito ay natatakot parin ako. Pinunasan ko muna ang aking pisngi bago kami tuluyang makaakyat sa pintuang sira sira.

Katulad ng kanina ay mga walang buhay na kawal o di kaya sunog ang makikita rito. Sakay sa kabayo ay nagtungo ako sa isang sikretong pader. Kung sa tamang daan at hagdan pa ako dadaan ay baka di ko na maabutan pa si Ama.

Tinulak ko ang isang maliit na bato sa pinaka ibabang bahagi nito sabay sa pagbukas ng lagusan. May mumunting ilaw na matatanaw sa loob.

Ayaw pang pumasok ng kabayo pero sa huli ay napapasok ko rin ito. Tagaktak na ang pawis na tinahak ko ang madilim at medyo makipot na lagusan. Sadyang ginawa ito para sa ganitong mga sitwasyon. Marami kang maaring pasukan at maari karing maligaw.

Ngunit kabisado ko ang lahat ng ito dahil minsan ko na rin itong narinig galing sa bibig ni Ama. Tumatagaktak ang pawis ay muli kong pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Sa aking silid ang hangganan nito. Nang makarating sa hangganan ay unti-unti kong giniba ang hindi kakapalang pader nito. Pagkatapos naman ay ang papel na nagsisilbing dekorasyon ng aking silid.

Nang mapunit ko na ito ay tumambad sa akin ang aking larawan na halos mataas pa sa akin.Dahil sa may kabigatan ay tinulungan pa ko ng kabayong dala ko upang maiisog ito at magkaron kami ng daan.

Makapal na usok ang sumalubong sa akin. Ilang beses pa akong napaubo habang umaakyat sa kabayo. Medyo nahirapan akong kontrolin ito dahil sa pababang hagdan ng aking silid. Nang makababa ay agad kong tinungo ang silid ng aking Ama.

"A-ama"mahinang bulong ko.
Nababalutan ng malaking apoy at napaka itim na usok ang silid ni Ama.
Kailangan kong makita si Ama!

Pagkababa ko ng kabayo ay saktong pagtakbo rin nito palayo. Lumapit ako sa nakaawang na pintuan ni Ama at walang pasabing itinulak ko iyon ng buong pwersa. Ilang beses ko pa itong inulit hanggang sa tuluyan na itong bumagsak at magiba.

Napatakip na lamang ako sa aking ilong. Nahihirapan akong makahinga at nagluluha na rin ang aking mata dahil sa pangamba at sanhi ng makapal na usok. Nahagip ng aking mga mata ang aking Ama. Nagtataka itong nakatingin sa akin. Ngunit tila napako ang dalawa kong mga paa. Nanatiling nakatitig ako sa kanya at ganun rin sya sa akin.

Bumigat ang aking dibdib kasabay ng pagragasa ng aking mga luha. Nanginginig na rin ang aking katawan maging ang aking mga binti.

"H-HINDI!"malakas kong sigaw sabay takbo sa distansya namin ni Ama. Hindi ko alintana ang mga nasusunog na muwebles sa loob ng silid.

"A-ama!gumis-sing ka!A-ma!H-hindi ito ma-aari!Ama!Ama!p-pakiusap Ama!H-hindi pa kayo nagpapaliwanag sa akin!marami pa kong nais itanong at m-malaman!p-pakiusap!p-pakiusap!"humahagulhol na ako habang pilit ginigising si Ama.

Kung lumapit lang siguro ako ng mas mabilis hindi sana sya tatamaan ng palaso. Kung hindi siguro ako umalis baka buhay pa sya!Anong klase akong prinsesa?!masyado akong duwag!duwag ako!duwag!

"A-ama!parang awa mo na gumising ka ama!" Patuloy ko paring usal. Unti unti naring bumbagsak ang kisame.

"S-sino ang gumawa nito?!" Mahina kong usal habang patuloy paring umiiyak at yakap yakap ang katawan ni Amang wala ng buhay.

AALAMIN KO ANG LAHAT!KUNG SINO MAN ANG MAY GAWA NITO SA IYO AMA AT SA ATING NASASAKUPAN! HAHANAPIN KO SILA AT BABAWIIN ANG DAPAT NA SA ATIN!

"P-patawarin mo ako Ama...h-h-hindi ako naging m-mabuting P-prinsesa.....at l-lalong hindi ako naging m-mabuting A-anak." Napakasakit na sabihin ang mga salitang iyon.

Hindi ko matanggap!masakit!bakit ang Ama ko?bakit sa amin ito ng nangyari?hindi ko pa nararanasang mamuhay ng may kalayaan kasama si Ama!Nang walang ibang iniintindi kundi tanging ang kaligayahan lang namin!bakit?b-bakit?!

"N-naway maging m-masaya ka k-kasama si I-ina....M-mahal na Mahal ko po kayo A-aking Amang H-hari"saad ko.

Habang sinusuklay ang buhok nito. Gamit ang kanang kamay ay dahan dahan kong ipinikit ang mga mata nito. Sabay hatak ng panang tumama sakto sa dibdib ni Ama.

Kinuha ko narin ang suot nitong kwintas. A-ama....

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now