Chapter 37

131 11 0
                                    

Still On Track

Handa na ba talaga ako? Kung handa na talaga ako makakaya ko kaya Maraming katanungan ang naguunahan sa aking isipan ngunit gayon pa man wala akong ibang pagpipiliin kundi ang maging mapanindigan.

Tanda ko pa ang laging sinasabi at pinagbibilin sa akin ni Ama.

'Sa tuwing ikaw ay kikilos o gagawa sisiguraduhin mo nang maibibigay mo ang lahat ng makakaya mo para rito para pagdating ng wakas ay wala kang pagsisisihan'

"Again. WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Sigaw parin nito sa akin.

Tumikhim lamang ako saka tumayo ng tuwid at tinitigan din siya sa kaniyang mga mata. Halo-halong emosyon ang naroroon kaya bago pa ko madala ng mga emosyong iyon sa hindi dapat ay umiwas na ako ng tingin.

"Pano kung sabihin kong oo? Anong magagawa mo?" Saad ko habang lumapit sa hamba ng teresa saka pinagmasdan ang malalayong kalupaan mula rito.

"W-hat do y-you mean?"nl Nauutal na saad nito.

"Paano kung sabihin ko sayo na maaring ako ang prinsesa ng inangkin nyong kaharian pero maari ring hindi?" Tanong ko pa ulit.

Ilang minuto itong walang imik kaya napilitan ako nuling harapin ito. Nakatitig lamang ito sa akin na tila maraming nais sabihin ngunit wala itong mahanap na salita upang bigkasin.

"Paano kung nagbalik ang Prinsesa para bawiin ang mga bagay na nararapat sa kaniya. Ibibigay mo ba lahat ng inyong inangkin?" Tanong ko pa ulit. Habang pilit pinatatatag ang aking kalooban.

"Who really are you?" Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong sugudin saka hinawakan sa magkabilang braso at ilang beses inaalog-alog.

"T-tell me! Sabi mo sasabihin mo sakin ang totoo p-pero b-bakit?!" Nanginginig na usal nito saka marahan akong binitawan at ginulo ang kaniyang buhok saka panakanakang bumibigkas ng mura.

"You did'nt ask thats why---" Mahinahon kong saad ng makabawi sa pagkakagulat.

"---The h*ll?--"putol nito sa aking sasabihin.

"-----DON'T YOU EVER TRY TO CURSE ME! MY FATHER DID'NT RAISED ME TO BE HUMILIATED!" Sigaw ko sa kaniya saka sinamaan sya ng tingin.

Kung siya ay nagagalit sa akin mas naman ako sa kaniya dahil bukod sa kinuha niya ang aking kwintas ng walang paalam ay napakalaki pa ng pagkakautang nilang ginawa sa akin. Agad itong tumingin sa akin saka nagpabalik-balik ng lakad sa aking harapan.

"Sumunod ka sakin!" Galit nitong saad saka maingat na hinawakan ang aking kaliwang braso.

Bagamat hindi naman masakit ang paraan niya ng pagkakahawak ay naiirita parin ako sa kaniyang ginagawa. Pilit ako nitong pinapasok sa dating silid aklatan ni ama.

"Are you the Princess?! Tell me the f*cking truth?!" Sigaw nito sa akin. Sa itsura nito ay para bang ano mang oras ay sasabog na sya sa iritasyon. Namumula na rin ang mukha nito maging ang litid ng kaniyang ugat sa kaniyang leeg ay lumilitaw narin.

Tinitigan ko lamang siya. Inis nitong hinatak ang isang itim na tela kaya agad napabaling ang aking tingin sa dati kong pintang larawan. Sa ayos niyon ay masasabi kong masaya pa ako ng mga panahon na iyon kasama si Ama sa larawan.

Iyon ay ang aking ika-labing walong kaarawan. Nakaupo ako sa isang kulay gintong upuan habang nasa likod ko si Ama habang nakapatong ang kanan nitong kamay sa aking kanang balikat. Parehas makikita sa aming mga mata ang kasiyahan bagamat seryoso lamang ang aming mga ekspresyon roon.

"H-hindi mo naman ako tinanong kaya pano ko sasabihin?" Saad ko habang titig na titig sa pinta.

Agad ako nitong pinaharap sa kaniya at walang pasabing nilagyan ng pantabing ang kalahati ng aking mukha. Inayos niya pa iyon ng ilang beses saka nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa larawan.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now