Chapter 50

209 8 0
                                    

The parents of the heir

Muli ko na namang natagpuan ang aking sarili na halos mawalan ng lakas habang hinahalukay ang aking kalamnan. Kahit anong pilit ko ay laging puro tubig na lamang ang lumalabas sa aking bibig.

"Mahabaging langit!" Naluluha ang matang tumingin ako kay Ginang Felina ng marinig ko itong sumigaw habang nagmamadaling lumapit sa akin.

Agad ako nitong inalalayang magmumog saka dahan-dahang inihiga sa aking kama. Napahawak na lamang ako sa aking noo dahil pakiramdam ko ay tila umiikot parin ang aking paligid.

"Hindi ko mawari kung isa ba itong magandang balita o hindi. Kamahalan sino ang Ama?" Nangunot ang aking noo dahil sa tanong nito.

'Anong sino?

"A-Ano pong ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong rito.

"Kung hindi ka pa handang magsabi mananatili itong sikreto sa ating pagitan." Nakangiti nitong saad.

Tumango na lamang ako rito dahil hindi ko rin naman lubos maunawaan kung ano ba ang nais nitong ipahiwatig.

"Mamahinga ka muna at maya-maya lamang ay darating na ang mga taga-konseho para sa buwanang pagpupulong." Agad akong napapikit dahil sa sinabi nito.

Dapat nga pala ay nagtungo ako sa silid-aklatan upang magaral pero heto ako ngayon nakahiga parin sa aking kama at daig pa ang lantang gulay.

NAKASIMANGOT akong naglalakad papunta sa malaking bulwagan dahil doon gaganapin ang aming pagpupulong ngayong buwan. Ni hindi ko na pinagtuunang pansin ang kanilang mga pagbati at nagmamadali na lang akong umupo sa aking trono saka nakahalumbabang nakatingin sa kanila.

Katulad ng nakasanayan ay tanging mga bilang ng populasyon, demand ng pagkain, pagpapalawak ng nasasakupan at ang mga teroristang nagkalat sa mababang lugar ng kaharian ang pinagpulungan.

"As of the moment and the help of anonymous decisions. We decided for you to marry King Mordeus Amaz from our neighborhood kingdom-Amazora." Tila agad nawala ang pagkabagot sa aking katawan ng marinig ko ang sinabing iyon ng aking punong taga-payo.

"What?!" Halatang nagulat sila sa aking biglaang pagsigaw.

"It's for the righteousness of our kingdom and for a stronger partnership--" Dagdag pa ng isa.

Agad na umakyat ang inis sa aking ulo dahil sa kanilang mga sinasabi. Ako nga hindi ko pa napagiisipan ang tungkol sa aking pagpapakasal tapos silang hindi naman ang ikakasal ang magde-desisyon?!

"I'm going to retrieve you, My Wife.
Just wait for me and don't you ever dare to entertain their suggestions."

'Should I wait? Yes, I surely always will.
But I knew that it was just a dream. And thinking about the fact that it was just a part of my dream is really awful.

"---I was the one who was going to be married here. You know?! I should be the one who's going to choose!" Irita ko pang saad.

"But your highness! It was for the sake of our kingdom!" Napasapo pa ako sa aking dibdib dahil sa biglaang sigaw ng isang dating tagapayo ni ama.

Nagsusumamo akong tumingin kay Mordeus sa pag-asang tutulungan niya ulit ako upang malusutan ang kanilang mga sinasabi ngunit ganoon na lamang ang pangingilid ng aking mga luha ng umiwas lamang ito ng tingin sa akin.

"I-I am still your Queen. Y-You should consider my feelings." Tumutulo ang luha kong saad.

Agad akong napasalo sa aking ulo dahil tila bigla-bigla na lamang itong kumikirot. Ilang beses ko pang kinurap ang aking mga mata pero walang nagbago at patuloy lamang itong umiikot. Pinilit ko paring tumayo ng tuwid habang nakahawak sa hamba ng aking trono.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now