Chapter 31

127 12 2
                                    

The fuse of rugs

Balak ko na sanang magprotesta sa sinabi nito ngunit natuon lamang ang aking pansin kay Lisa na masamang masama na ang tingin sa akin. Pasimple pa itong iniayos ang kanyang kamay habang nakataas ang hintuturo at pinasadahan ang kaniyang leeg mula kaliwa pakanan.

Saka ngumisi na agad din namang ngumiti ng natamis ng lumingon sa kaniya ang hari. Pero ng sakin na ulit ito nakatingin ay ngumisi ulit ito saka ako panuyang tiningnan.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at tila nais kong makaganti sa manyang mga ginagawa.

"I need to go, your Majesty." Saad nito at bahagya pang yumuko sa harap ng hari.

"Where are you going I thought---" Pinutol ko ang pagsasalita ng hari ng hawakan ko ang kanan nitong kamay saka ako ngumiti ng matamis sa kaniya.

Namumula lamang itong nakatingin sa akin habang pasimple ko namang tiningnan si Lisa na ngayon ay natigilan rin at halos mamula na ang kaniyang buong mukha saka padabog na umalis.

Napangiti na lamang ako sa kalokohan kong ginawa saka ko mabilisang binitawan ang kamay ng hari na halatang nadismaya pa ng bitawan ko ang kaniyang kamay.

"About what happend earlier. Let's just forget it." Walang patumpik tumpik kong saad rito.

Agad akong yumuko lang ng bahagya rito saka nakangiting naglakad papalayo rito habang nakakunot lamang ang noo nito. Hindi pa man nakakalimang hakbang ay nagsalita ito na agad ko namang ikinagulat.

"I wanted you to be ready for our upcoming wedding." Agad akong humarap dito at pinagkunutan ito ng noo.

"W-wedding?! I'm already engaged to som--" Agad akong napatigil sa pagsasalita ng bigla na lamang itong nasaharapan ko na at bigla na lamang niyang hinaplos ang aking labi.

"Whether you like it or not, you're getting married to me." Nulong nito sa akin habang naestatwa lamang ako sa kaniyang harapan dahil sa sobrang lapit niya sakin.

"N-no! You can't rule me---"
Saad ko kahit nauutal dahil bahagya pa nitong nilapit ang kaniyang mukha sa akin.

"The people who refused to let me rule them experienced a severe punishment since I am the ruler of all the rules." Saad nito sa akin kaya napapikit pa ako dahil sa pagtama ng hininga nito sa aking ilong dahil hamak na mas matangkad siya kaysa sa akin.

"You won't receive a harsh penalty from me because you will be carrying my heir, so don't worry." Agad ko itong naitulak dahil sa sinabi nya.

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya at pakiramdam ko pa ay namumula na ang aking mga pisngi.

"You can't rule me! And I don't care for your so called 'punishment'!!" malakas kong sigaw saka napapikit.

Agad akong tumakbo palayo dahil sa kaniyang mga sinasabi. Kung pakakasalan ko siya ay maari na akong matali sa kaniya habang buhay ngunit kapalit nito ay madali kong maisasakatuparan ang aking mga plano.

Hanggang ngayon ay wala parin akong balita kila Amang Dero at sigurado akong magagalit ito sa akin. Ngunit wala na akong magagawa ni isang tagapaglingkod o maging kawal ay hindi ako pinayagang makisuyo ng pagpapadala ng sulat sa mga ito.

Hindi ko namalayang nakapunta na pala ako sa likurang bahagi ng palasyo kung nasan ang kusina. Wala akong nakitang ibang tao rito kaya napabuntong hininga na lamang ako. Sa totoo lamang ay pangalawang beses ko pa lang nakapunta sa bahaging ito. Ang una ay noong ako'y paslit pa at tinuturuan ni ama sa iba't ibang bahagi ng palasyo at ngayon na lamang dahil talaga namang napakalayo nito mula sa toreng aking kinaroroonan.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now