Chapter 24

129 10 0
                                    

Royal Invitation

Ang buong akala ko ay paparusahan ako ng tinatawag nilang kamahalan.
Dahil alam kong naging pangahas ako lalo pa sa kanyang harapan. Hindi hamak na siguradong kamatayan ang aking kaparusahan kung sakali dahil sa pagtaliwas sa kanilang pinanukalang batas.

Ngunit masisisi ba nila ako kung nais ko lang namang ituwid ang kanilang pagkakamali? kung kaayusan at hustisya lang naman ang aking hangarin.

Hanggang ngayon ay tulala parin ako habang bumabyahe pauwi. Simula ng umalis ang kanilang kamahalan ay hindi na ako tinantanan ng mga kawal. Nagtataka na nga ako kung bakit sinusundan lamang nila ang bawat galaw ko ilbis na ikulong ako sa likod ng selda.

Maging sa paguwi ni Ginang Sonya ay sinusundan nila ako. Sila pa nga ang nagboluntaryong maghatid rito. Ang nais pa nga ni Ginang Sonya ay doon na muna ako magpalipas ng gabi dahil nagaalala ito sa akin ng labis saka delikado raw lalo na at wala naman akong ibang kasama sa bahay. Umiyak pa nga ang dalawang kambal at inintay ko pang makatulog bago ako umalis dahil kulang na lang ay itali nila ako sa isang upuan para di ako makaalis ng kanilang tahanan.

Hindi ko alam kung sigurado ba talaga tong mga kawal na ito na sundan ako?Kung bibitayin lang din naman nila ako ay bakit hindi na lang nila madaliin hindi yung may pasunod sunod pa silang nalalaman.

"Dito na lamang ako maari na kayong umalis." Mahinahon kong usal matapos kong makababa ng karwahe.
Nagkatinginan muna ang mga ito bago sumagot ang sa tingin ko ay ang namumuno sa kanilang apat.

"Ipagpaumanhin po ninyo Binibini ngunit mahigpit na ipinagbilin ng ating kamahalan na huwag kayong mawawaglit sa aming paningin." Pormal na saad nito.

Ating kamahalan? talaga lang ha? hindi ko siya ituturing na kamahalan dahil hinding hindi ko makakalimutang sila ang sumira ng matiwasay naming pamumuhay ng aking ama.

"Ilang beses ko bang sasabihin at ipaiintindi sa inyo na hindi ko naman kayo tatakasan!" Medyo napataas pa ng bahagya ang boses ko dahil sa kaunting inis na nararamdaman.

"Ngunit iyon ang utos ng kamahalan at wala ka ng magagawa ukol dito." Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kanilang sinabi. Napailing na lamang ako saka nagsimulang bagtasin ang daan papaakyat ng bundok.

"Alalayan ninyo ang Binibini!" Narinig ko pang sigaw ng pinakapinuno nila ngunit pano nila iyon magagawa kung ang sarili nga nila ay hindi nila maiakyat ng ayos.

Bahagya pa kasing umulan kanina kaya medyo maputik at madulas ang daraanan ngayon. Nakabaluti ng pangkawal pa naman sila kung kaya't talagang mahihirapan silang gumalaw kung sakali.

Hingal na hingal ang mga ito at nagmistulang mga batang naglaro sa putikan dahil sa kanilang mga itsura.
Ilang beses kasi silang dumausdos pababa kaya sila nagkaganyan.

"Sigurado ba kayong babantayan ninyo talaga ako? saka wala na kasi akong bakanteng silid sa loob kung kaya't hindi ko na kayo mapapaanyayahan pang magpalagi ng gabi dito." Saad ko.

Hindi ko maaaring ipagamit sa kanila ang kwarto ni Amang Mario at Dero lalo na at wala pa ako ng kanilang pahintulot.

"A-ayos lamang kami rito Binibini." Nakangiting saad ng kanilang pinuno ngunit tiningnan ko lamang ito saka naglakad papasok ng bahay.

Siguro ay ipagiinit ko na lamang sila ng nilagang luya at nang kamote. Hindi na kasi ako nagimbak ng pagkain rito dahil balak ko naman ng bumalik ng Amazora sa susunod na araw. Nang balikan ko sila sa labas ay maayos na ang kanilang mga itsura mukang naglinis sila sa tabing balon sa likod bahay.

"Ipagpaumanhin ninyo kung ito lang ang aking makayanan." Alinlangin kong ngiting saad sa kanila dahil iyon naman ang totoo.

Bahagya pang mga namula ang mga mukha nito bago umiwas ng tingin ang tatlong kawal maliban sa kanilang pinakapinuno. Pinaninkitan ko lamang ito ng tingin ngunit napaawang ang aking mga labi dahil sa kaniyang ginawa.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now