Chapter 1

709 35 5
                                    

Thy Kingdom

Mula dito sa durungawan ng aking silid ay kitang kita ang kahariang nasasakupan ng aking ama. Isa ang aming kaharian sa pinaka-mayaman at mataas ang pamamalakad sa bawat nasasakupan.

Di ko maiwasang malungkot tuwing nakikita ko ang aking amang nahihirapan. Mahigit ilang linggo narin ang nakakaraan ng dapuan sya ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Kaya't ang kasalukuyang reyna ang namumuno sa kaharian pansamantala kay ama.

Napapabuntong hininga na lang ako tuwing naalala ko ang kalupitan ng reyna sa mga naninilbihan dito sa palasyo. Kahapon lamang ng bawasan niya ang aking mga tagapaglingkod kung dati ay nasa mahigit labing-apat sila ngayon ay nangalahati na sila.Hindi dahil sa wala akong alam gawin at lalong-lalong hindi ako nalulungkot dahil wala na kong mauutusan kundi dahil mula rin lang sila sa mga pinakamababang antas ng mamayan dito sa aming kaharian.

Naalala ko pa noong sinabi sa akin ni Ama na mismong ang aking Tunay na Inang Reyna ang pumili sa kanila upang ako'y mapaglingkuran. Naging tapat sila at maalaga sa akin. Gayon pa man ay hamak na isa lamang akong prinsesa kung kakalabanin ko ang kasalukuyang reyna. Siguradong lalo ko lamang mapapalala ang sitwasyon.

Kung saan saan na lumilipad ang aking isipan ng may kumatok sa pintuan ng aking silid.

"Mahal na prinsesa maari po ba akong pumasok"mahinhing saad ni Lida, ang pinakabata sa mga naninilbihan sa akin. Anak siya ng dati kong personal na tangapangalaga ngunit sa katandaan ay kailangan na niyang lisanin ang palasyo para na rin sa kanyang kalusugan.

"Tumuloy ka Lida"nakangiti kong anas na nakatingin parin sa magandang tanawin sa labas ng palasyo.

"Nais po sana kayong makausap ni Ginoong Julio ukol sa kalagayan ng ating mahal na hari"agad akong napalingon sa kanya at dali-daling lumabas ng aking silid.

"Maghinay-hinay po kayo mahal na Prinsesa Furi baka po madisgrasya kayo"nag-aalalang saad ng isa sa mga nakatalagang tagapaglingkod sa akin.

Pagkababa ko pa lamang ng hagdan mula sa tore kung nasaan ang aking silid ay lumakad na ulit ako, hindi alintana ang mga tagapagsilbing nakasunod sa akin at nagpapaalalang mag-ingat ako sa aking bawat paghakbang.

Sa dami ng pasilyong aking dinaanan ay tumatagaktak na ang pawis ko habang pinupunasan at pinapaypayan ako ng mga tagapagsilbing punos pagaalala ang makikita sa kanilang mga mukha.

Huminto muna ako upang saglit na huminga, mga ilang minuto lamang ay bitbit ko na ulit ang laylayan ng aking damit upang mas mapabilis ang aking paghakbang sa hagdanan patungo sa silid ng aking ama.

Saglit pa akong lumingon sa mga kasama ko at halata sa kanilang mga mukha ang pagod at hingal sa layo ng aking silid mula rito. Itinaas ko ang aking kanang kamay hudyat na maaari na nila akong wag sundan. Agad silang umiling at akma ng susunod sa akin.

"Maari na kayong maiwan rito at ng makapagpahinga na kayo..kaya ko na ang aking sarili"nakangiti kong saad bakas parin ang pagtutol ng bawat isa sa kanila.

"N-ngunit mahal na Prinsesa,baka po magpangabot na naman kayo ng--"

Pinutol ko na agad ang kanilang sasabihin. Alam kong hindi lingid lalo na sa kanila ang maling pagtrato sa akin ng reyna. Ngunit alam kong hindi niya naman siguro sinasadya ang mga bagay na ginawa niya sa akin.

"Wag na kayong magalala baka nabibigla lamang ang ating mahal na Reyna dahil sa pagkakasakit ng ating Hari kaya siya nagkakaganoon....Hindi ko naman pababayaang masaktan ang aking sarili. Kaya Smile na kayo dyan." Mas lalong lumapad ang aking ngiti tinataas baba ko pa ang aking kilay para mas lalo ko silang makumbinsi.

"Pero--"

"Iyon ang aking paguutos." Hindi ko gustong sabihin ang bagay na iyon. Sapagkat ayokong ituring nila ang kanilang sarili na mga utusan, gusto kong pantay pantay ang tingin namin sa bawat isa. Iyon ang isa sa mga itinuro sa akin ng aking ama.

Nginitian ko muna sila bago magpatuloy sa paglalakad sa mahabang pasilyo na ito. Sa paligid ay may mga nakasabit na larawan ng Royal Family simula pa sa mga ninuno hanggang sa kasalukuyan.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pihitin ang sineradura ng pinto.

"Magandang Umaga po sa Inyo Ginoong Julio." Nakangiti at yumukod pa ako ng kaunti bilang pagpapakita ng respeto. Yumukod rin ito bago ako batiin. Lumapit ako sa aking ama sabay hawak sa mga kamay nito.

'Mahal kong Ama kailan ka ba gagaling?

"Mahal na Prinsesa Furi tatapatin na kita...Alam kong mahal mo ang iyong ama ngunit ilbis na mapabuti ay tila mas lalong lumalala ang karamdaman ng ating kamahalan." Malungkot na saad nito.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Ang makita sa ganitong sitwasyon ang aking mahal na ama ang pinakamasakit na bagay na nararamdaman ko sa ngayon.

Ang aking ama ay isang napakabuting ama sa akin at sa buong kaharian. Lahat ng kaya niyang gawin ay ginagawa niya hindi lang para sa aming nasasakupan pati upang makatulong na rin sa ibang kaharian.

Simula pagkabata ay hindi pa nila ko hinahayaang makalabas ng palasyo ni ang aking mukha ay ang hari at si Mister Joseph pa lamang ang nakakakita. Prohibitado ito dahil ako ang susunod na magmamana ng kaharian at para na rin sa aking kaligtasan. Kahit saan ako pumunta ay otomatikong nakasunod ang aking mga tagapagsilbi sa oras naman na nais kong maglibot sa buong palasyo ay nakabuntot narin ang mga kawal.

Hindi ko sila nais tawagin sa ganoong paraan ngunit iyon kasi ang naayon sa kanilang bawat kilos. Ang sumunod sa akin kung saan-saan.

Hindi ko magawang magtampo sa kahigpitan ng aking ama sa akin dahil bilang Prinsesa at huling tagapag-mana ng Kaharian ng Lesbitya ay tungkulin nila akong pangalagaan lalo na't hindi pa ako tumutungtong sa wastong edad.

Sa pagsapit ng aking ika-labing siyam na kaarawan ay maari na akong umupo sa trono kung gugustuhin ng hari ngunit para sa akin nanaisin ko paring si ama ang maghari at ipasa na lamang nya ito sa akin sa oras na umabot ako sa akin nang ika-dalawampu't dalawang karawan.

Furi: The Huntres Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now