Chapter Twenty Six - Drake

497 24 1
                                    

Nagising ako mga alas kwatro ng umaga, ang himbing pa rin ng tulog ni Angella. Oo dito ako natulog! Wala akong ginawang masama sa kanya ah, niyakap ko lang siya buong magdamag, ah minsan nga pala may halik sa pisngi, pero madalas sa lips.

Bigla siyang tumagilid kaya nakaharap sakin ang mukha niya. Medyo namamaga parin yung mata niya dahil sa kakaiyak sa Renzo nayun. Umayos ako ng higa at tumingin sa kisame.

Tsk. Kaya ko namang kumanta eh, ang di ko lang kaya ay ang humarap sa maraming tao. Sobrang galit at selos yung naramdaman ko habang kinakantahan siya ni Renzo. Gusto ko siyang hatakin at iuwi sa bahay pero pinangunahan ako ng kaba at hiya. Pero nung naiwang bigo si Renzo kumaripas ako ng takbo papunta kay Angella. Selfish man sabihin pero masaya ako na pinagtawanan siya ng buong school.

Pero nung nakita kong umiiyak si Angella papasok ng bahay nila, pati ako nasaktan, pati ako naiyak.

Limang oras akong nakaupo sa bakanting lote sa harap ng bahay nila. Sinundo ako ni yaya Tasing pero di ko siya sinunod. At gaya ng nakasanayan ko sa mga lumipas na araw, inakyat ko ang kwarto niya. Sa umpisa, sobrang nakaka-kaba, sa taas ng bahay nila panigurado basag ang bungo ko pag nahulog ako dito. Pero hanggang sa nasanay na akong umakyat dito gabi-gabi kaya parang ang dali na lang ng bawat hakbang ko.

11 pm.

Sa ganitong oras alam kong tulog na siya. Niyakap ko agad siya dahil kawawa ang hitsura niya, halatang tinulugan niya ang pag-iyak. Ganun ba ka special si Renzo para iyakan niya?

Pero natuliro ang puso ko ng bigla siyang gumising, but at the same time natuwa ako na nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit napapadalas ang tulog ko sa klase, umagang-umaga inaantok ako dahil 11 pm dito ako sa kanya, 4:30 na ako umuuwi sa bahay.

“ sir, tumawag si Trisha kahapon na pupunta daw siya ngayong umaga.”  Bungad agad sakin ni yaya tasing pag pasok ko ng bahay. Kahit si yaya sanay ng ganito ang oras ng uwi ko.

“ sir kape po?”  tumango lang ako sa kanya. Umupo ako sa sala at nakita ko yung pink na envelope at isang malaking box.

“ dumating po yan kagabi.”  Di ko na hinintay na matapos ni yaya ang pag timpla ng kape, umakyat na ako sa kwarto ko bitbit ang malaking box. I knew what’s inside of this.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon