Chapter Forty-Nine- Sharie

385 18 0
                                    

 Nagising ako na masakit ang ulo ko. Pati yung mata ko sobrang hapdi. Siguro pwede na akong magbenta ng eyebags sa laki nito. Pero napa balikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyari kagabi.I was kidnap. Dali-dali akong lumabas ng kwarto.. I was surprise na hindi naka lock ang pinto. The house was huge and authentic. Yung parang sa kastila ang estilo. Malaki siya at parang ako lang ang tao dito. Kinabahan ako bigla. Panu kung patayin niya ako? gahasain at itapon sa ilog. Nyeta! Sana hindi nalang ako nag paka marter at sumama nalang ako kay Renzo.


"iha, gising ka na pala." Nabigla ako sa pag sulpot ni Yaya Tasing.


"yaya? Oh my God. Yaya..." patakbo ko siyang niyakap.


"sir! Gising na po si Sharie." Bumitaw agad ako. nakangiti si yaya sakin. Can somebody explain to me what was happening here?


"yaya." I was literally shaking when I heard his voice. Slow motion ang paglingon ko at tuluyan na akong nawala sa sarili ko ng Makita siya.



"hi Angella."


BLAG.


Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Pagmulat ko ng mata, nakangiting mukha ni Drake ang bumungad sakin. Mabilis akong bumangon at umupo sa sulok ng kama.


"anong ginawa mo? You kidnap me! Nasaan tayo?" sunod-sunod na tanong ko. Pero nakatitig lang siya sakin na sobrang seryoso saka dahan-dahang yumuko.



"bakit pink?" namilog ang mata kong napatingin sa blouse ko. I'm wearing a see-thru one, may blazer naman ako kagabi eh, nasaan na ba yun? Agad kong tinakpan ang sarili ko.



"pervert! Get out!" nagkamot siya ng ulo saka mas lumapit sakin. Naka dukwang na. Hindi na ako nakagalaw ng nilapit niya ang mukha sakin. And before I realise what was about to happen, Naangkin na niya ang labi ko.



"alam ko bitin, tuloy nalang natin mamaya." Hinatak niya ako at sinuotan ng jacket saka hinila palabas. Gabi na pala. Dumiretso kami sa kusina. Nandun si yaya at saka dalawang batang lalaki.



"hi po ate Sharie." Sabay nilang dalawa. Ngumiti lang ako kahit hindi ko maintindihan ang lahat. Nasan kami? At bakit nandito si yaya Tasing?Pagkatapos kumain ay hinila ko agad si Drake papuntang sala.


"nasan tayo? Ba't mo ako dinala dito?" mabagal siyang umupo at hinila ang kamay ko kaya napaupo ako sa tabi niya. Uusog sana ako pero nahawakan na niya ang baywang ko.



"we're at Davao." Nanlaki ang mata ko. Davao? As in sa Mindanao?


"yaya Tasing's province. Sina Matt and Andrew mga apo niya. ang cute nila diba?" sinamaan ko siya ng tingin.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon