Chapter Twenty Seven- Sharie

455 20 2
                                    

Sobrang saya ko ng sabay kaming tumakbo palabas ng auditorium. Para nga akong prinsesa na tumatakbo kasama ang prince charming ko. Kumaripas kami ng takbo hanggang sa field. Dinig na dinig pa rin yung kanta.

Isinayaw niya ako. Kahit kaming dalawa lang, kahit siya at ako lang. grabe, ang saya ko! Di ko na muna iisipin si Renzo. Alam ko nabigla siya na imbes siya yung lapitan ko ay dumiretso ako sa nakaupong si makahiya. Wala eh! I’m expecting Renzo na mananalo siya. Pero nung Makita ko kung gaano ka pursegido si makahiya na kalabanin si Renzo, at kung paano siya naiyak na natalo, wala na akong ibang inisip kundi siya lang.

*************************

“ yaya…. Sigaw agad niya ng makapasok kami sa bahay nila.

“ sir.. ay Sharie ikaw ba yan? Naku! Ang ganda-ganda mo iha!”  niyakap ako ni yaya Tasing kaya bahagya akong hinila ni makahiya papunta sa may hagdanan.

“ thank  you po yaya Tasing!”

“ ay sir, phone nyo po?”  inabot naman ni makahiya yung phone niya kay yaya at hinatak na niya ako paakyat ng hagdan.

Chakkk… sabay kaming napalingon ni damo.

Chakk..

“ yaya ano ba?”  sigaw niya bigla, nahampas ko tuloy siya sa mukha.

“ sir picture po kayo, dali-dali..”  pinag dikit niya kaming dalawa.

“ say chess..”   napatawa ako bigla.

ChakK..

“ ay ang cute nyo po! Isa pa po.”  This time umakbay na si makahiya sakin, nag peace sign naman ako. We took a couple of pose. Ang saya!

“ tama na.”  hinila niya ulit ako. Ang tagal naming nakarating sa kwarto niya. Sa laki nitong gown ko, pinagtulungan naming dalawa ang pag buhat. Grabe! Hiningal ako dun ah.

Humiga agad siya pag pasok namin, ako nakatayo lang sa may pinto. Ito na naman ang pagwawala ng puso ko.

“ angella.”  Nagkatitigan kami, nag-iwas ako ng tingin kasi parang nahihiya ako bigla. Tumayo siya at pumuwesto sa likod ko.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon