Chapter Fifty- Drake

400 21 4
                                    

 Dalawang araw na kami dito sa province pero hindi ko parin siya nakaka usap ng matino. Palagi niya akong sinisigawan minsan pa pinag babato ng kung anu-ano.Ito lang talaga ang last option ko. Pagkatapos kasi ng insidenteng yun sa school naka pag decide akong itatakas siya kahit hindi siya sumama. Wala eh! Natatakot na akong kung mas mapapatagal pa baka tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.Nagpatulong ako kay Tiffany. Nalaman kasi niya na may namamagitan kay Renzo at Trisha. Hindi na ako nagtataka dahil obvious naman na may feelings si Trisha sa kanya. What's worse is that baka masaktan na naman si Angella.


Tiffany was crying the whole night in my apartment because she saw them kissing. Kahit ako galit kay Renzo. Tiffany was hysterically shouting na uuwi na daw siya sa states. Wala naman akong magawa para sa kanya. But she orders some guy para kidnappen si Angella at sapilitang dalhin dito. Then Yaya Tasing escaped from daddy's house para samahan kami dito. Gusto ko nga pati si Tiffany nandito pero sinigawan lang niya ako na bobo at insensitive ako. Kaya ito ako ngayon, trying hard na mahalin ulit nitong prinsesa ko.



" yaya. .." lumingon siya sakin. Naghuhugas siya ng pinggan. Pagkatapos kasi naming mag burn fire nag kulong lang si Angella sa kwarto.



"oh. Sir?"



"ahm. . pwede. . pwede po ba akong matulog sa kwarto ni Angella?" nagkamot ako sa ulo. Nakakahiya lang talaga. Ayaw ko kasing isipin ni yaya na wala akong respito sa kanya. Sympre bahay niya to at nakikitira lang kami dito. Napayuko ako ng tinitigan ako ni yaya.



" bakit naman hindi?"



"promise! Behave po ako." I raised my right hand. Tumawa ng pagak si yaya saka kinuha ang kamay ko.


"sana hindi ka masaktan sa huli sir Drake."


"salamat po sa lahat yaya. Sorry po kasi nadamay pa kayo tapos. . ."


"parang anak na kita kaya aalagaan kita." Niyakap ko siya ng mabilis saka ako tumakbo sa kwarto ni Angella. Hindi na ako bata pero nandyan parin si yaya para sakin. Sana lang talaga walang mangyayaring masama sa kanya kapag nalaman ni daddy na siya ang nagtago samin. Pero hindi naman kami magtatagal dito. Sa oras na maging okay na kami ni Angella iuuwi ko siya. Uuwi kami na magkasama. 



Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at pumasok sa kwarto. Bahala na kung sisigawan na naman niya ako. Mas makakaya ko ng ganito basta kasama ko siya kaysa hayaan nalang na mawala siya sa buhay ko.Nadatnan ko siyang nakatulalang nakaupo sa kama. She's looking at the sky at the window. At kahit abot-abot ang kaba ko, lumapit ako sa kanya. Kakaupo ko palang sa kama ay napatayo agad ako. Holy Christ! She looks at me as if she's going to kill me. I just force myself to smile at her but she's just glaring at me.


"ANO NA NAMAN?!" napaiktad ako sa sigaw niya. Relax Drake! Kaya mo 'to! Instead na kumaripas ako ng takbo palabas, I look at her seriously.


"dito ako matutulog." Napanganga siya kaya napangiti ako saka dahan-dahang humiga sa tabi niya.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon