Chapter Sixty Nine - Sharie

465 20 0
                                    



Tahimik kaming apat na nakasakay sa isang medyo may kaliitang yate. Katabi ko si Charles samantalang nasa harap ko naman si makahiya at Tiffany. Pauwi na kami at sobrang bigat ng dibdib ko na hindi ko man lang siya ulit nakausap. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kong sa akin ba siya nakatingin dahil naka sunglasses siya pero nakaupo naman siya paharap sakin. Ako na lang rin ang nag-iwas ng tingin sa kanya dahil lumingon ang ulo ni Tiffany sa direction ko.


"Sharie." I felt Charles hand landed to my shoulder. Bahagya ko siyang nilingon. He smiles at me kaya parang mas bumigat tuloy yung nandito sa puso ko.


"you okay?"


"yeah! Pagod lang siguro ako."


"don't worry okay?" mabilis akong umiwas sa kanya dahil baka maiyak na talaga ako. He even patted my head. Gutso ko tuloy siyang yakapin. Si makahiya kasi prenting nakaupo lang sa harap ko. Ni hindi man lang gumagalaw. Shit naman oh! Sumasakit na talaga ang ulo ko



"Just. .you okay?" narinig kong nagsalita si Tiffany.



" hmmm.." kahit yun lang ang narinig ko mula sa kanya parang mas naiiyak pa ako.


"ang ganda pala sito noh? So refreshing ang lovely."


"yeah."


"I want to have a vacation here. Sayang naman!"


"next time."


"really? Aawww..you're so thoughtful talaga. Muahh. ." napatingin agad ako sa dagat ng yakapin siya ni Tiffany saka hinalikan sa pisngi. Pwedeng magmura? TANG-INA!



" tsk! Arte-arte kala mo maganda!"nangunot ang noo kong napalingon kay Charles na nakasimangot pa.



" what did you say?" nakapamaywang na humarap si Tiffany. Sobrang hindi maipinta ang mukha niya at ang pula-pula pa.



" you heard me. Bakit bingi ka ba?"


" how dare you? Ipis ka, palaka, pangit. I hate you to the moon and back!"



" nagsalita ang maganda!" Charles sarcastically laugh. Natulala ako sa kanila. Para silang aso't pusa na nagsisigawan, ni hindi ko sila maintindihan.



" shut up! Naiinis na ako sayo!"nagpapadyak sa inis si Tiffany. Gusto kong matawa ng pagsasampalin niya si Charles pero parang kinakarate naman ni Charles ang babae, may sound effect pa. They are so cute to look at.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon