Chapter Twenty - Sharie

696 26 0
                                    

Quarter to 7 palang ng umaga nasa labas na ako ng bahay. Naman! Excited akong mag-aral ngayon lalo pa’t flag ceremony. Kasi naman simula nung sabado which is date ko with Renzo that turns out date ko with makahiya, abah! Ang damo gumagawa yata ng garden sa utak ko dahil gapang ng gapang, walang paalam! Nung linggo nga gusto ko ng hatakin ang Monday para Makita ko siya. Yeah! Were neighbours pero out of nowhere ang damo kahapon, di mahanap ng radar ko. Mukhang busy siya. Sana naman di paghahanap ng ibang paru-paro ang trip niya.

Imagine, simula sabado sa sobrang excited ko, naiimagine ko na siya sa kwarto ko. Totoo! Parang nakikita ko siya sa tabi ko. Di ba parang na obsessed naman at ako bigla? Holo! Ginayuma ata ako ng damo.

Malapit na ako sa may exit gate ng village ng mapansin ko na sumusunod na siya. At sa bawat hakbang niya nagwawala yung puso ko. Parang may nagkakarera sa loob ko. Naman! Ang aga-aga pa pero pinagpapawisan na ako.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. At tuluyan na akong napapikit ng hawakan niya ang kamay ko. Nahatak pa niya ako dahil sa na estatwa ako. oh my! Grabe na ang epektong bibibigay niya sakin. Para na akong malulunod sa nararamdaman ko. Ewan ko ba, nagiging mahiyain na ata ako sa kanya. ( see the cover photo, ganyan kaming dalawa hihihi)  hayyy…! Tingin ko, it’s the best morning ever. Ang sarap ng hangin, ang saya sa pakiramdam. Makahiya, how you made me feel like this? Panu mo nagagawang maging ganito ako sayo?

“aayyyyyy..” nahatak ako padikit sa kanya. Shet! My heartbeat go crazy dahil nagkatitigan kami plus my hands are in his broad chest. Aw! What a sweet gesture.

Pinitik niya bigla ang noo ko at binaling sa right side ang mukha niya. Napasunod naman ako.

“ay..hehehe..” umatras ako palayo sa kanya. Kitams! Dahil sa pag de-draming ko lumagpas na kami sa gate ng school kaya nahila niya ako pabalik. Naman! Sira agad ang poise ko on our very first day.

“sorry..” napayuko ako. I put my hair at the back of my ears, pa cute kumbaga. Pero nag ring ang phone ko. Si Renzo na naman.

“enzo! Problema mo?” paglingon ko wala na ang damo. Ayun oh, mabagal na naglakad papasok ng campus.

“enzo naman eh! Ano?” tumakbo na ako papasok ng campus.

“asan ka? Ok ka lang ba? Susunduin kita!”

“ok na nga sabi ako. nasa school nako. K bye!”

“I miss you!” napahinto ako sa sinabi niya. Nakagat ko pa ang labi ko ng marinig ko ang pag buntong-hininga niya.

“sige na. bye sharie. See you at school” then he hung up. Sigh..kasi naman simula nung sabado tawag siya ng tawag, tapos kung sasagutin ko naman, minamadali ko. I don’t know, I just expecting makahiya will call or even texted me. Tsk! Kahit alam ko namang wala siyang phone number ko. Nakonsensiya tuloy ako sa inasal ko kay Renzo. And I think may problema siya. Hay naku! Nakaka vad vibes naman!

Pero tuluyan ng nag bago ang mood ko when I saw how trisha hug makahiya sa gitna ng field.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon