Chapter Nineteen - Sharie

629 23 0
                                    

Hindi naman talaga ako sasama kay Renzo pero nakunsensya ako dahil nag effort ang impakto. Wala ako sa mood and makahiya is running in my mind the whole night. Ang kapal talaga!

Balak sana ni Renzo na sa ancestral house ng lola niya kami pumunta which is 1 hour ang byahe. At dahil sa nag-inarte ako at pinag bantaan ang kinabukasan niya kaya nakuntento nalang kami sa mall.

It feels weird! Sa lahat ng pinuntahan namin sa mall, I felt someone’s eyes on me. Yung feeling na may nakatingin sayo. Ilang ulit akong napapalingon pero sa dami ng tao sa mall, di ko na napapansin kung sinong tumitingin sakin. At mas weird pa, eh yung parang alam ko kung bakit ako kinakabahan, it’s as if makahiya is somewhere at this damn place. Argh…napa-paranoid na naman ako! Siya naman kasi ang dahilan bakit nakikipag date ako dito sa lutong lupa nato.

“you okay?”  inakbayan niya ako. Nabigya ako, sympre andyan parin yung feeling nan aa-amaze ako sa sweetness niya. Na parang any moment mahuhulog na talaga ako sa kanya. Pero dahil sa sinabi ni makahiya sakin kahapon, gumulo na yung utak ko. Takte! Namumuro na talaga sakin ang damo!

“wala! Kain na tayo”

“yes boss!” nag salute pa siya sakin. Hay! Gumuwapo na naman ang impakto. Nakangisi siya na hinila ako sa isang fast food chain. Naman! Sinong di ma eh in love sa kanya na kahit pag kain lang ng fried chicken parang ang sarap-sarap sa kanya. Kahit nga pagtapon ng basura ng 3 points siya. Kahit masungit siya, kahit basagulero, kahit bully siya, ang swerte ng babaeng mamahalin niya coz Renzo is too good to be true.

Aw! Nag eh evolve na ang impakto in to a knight and shimmering prince charming. Naku! Baka isang step na lang I will found myself admiring him. Pero si makahiya, sa tingin ko nahigitan na siya. Saka…

“say ah sharie, susubuan kita!”  nakagat ko ang labi ko. In one moment nakunsensiya ako. Siya nga ang kasama ko pero si makahiya ang nasa isip ko.

“ahh..”  grabe yung tawa niya dahil ngumanga ako. Pinilit ko lang ding ngumiti sa kanya kahit parang ang sikip-sikip na ng dibdib ko. Sa dami ng ginawa ni Renzo sakin, ni wala sa kalingkingan niya ang mga ginawa ni makahiya. Pero bakit para sakin, walang makakahigit kay damo. Sumakit bigla yung ulo ko.

“tara na!” naglakad na ako. Shit! Saan galing tong konsensya ko? Mamaya ikukulong ko to! Nasisira ang moment ko. Kainis!

“uwi na tayo”  nasabi ko nalang bigla nung nakalabas na kami.

“sharie naman! Ang aga pa oh”

“pagod na ako!” inrapan ko siya. Pero napako ang tingin ko sa isang tao na nasa likuran ni Renzo. He’s wearing a gray jacket, a jogging pants and sleepers. Kahit nakatalikod siya, I think I know him.

“ pagod? Gusto mo kargahin kita? Hehe. Di ka naman ata mabigat eh!”  lumingon yung lalaki. Nanlaki ang mata ko. I knew it! Si…

“sharie! Nakikinig ka ba sakin?”

“ha? Ah ano nga yung sinabi mo?”

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon