Chapter Fifty-Six - Sharie

384 22 0
                                    


" Friend ano ba? bilisan mo naman dyan. Male-late na tayo oh. Naku bff pag nag world war 3 kami ni Aldren kasalanan mo talaga!"




" Oo na bababa na po." natatawa akong bumaba dahil nakabusangot na si Jannah. Hinila niya agad ako at pinag tulakan sa kotse.




" Manong paliparin mo na." napanguso tuloy si Manong Bert. 10 minutes lang ang byahe dahil diba malapit lang ang school sa bahay.




" Jannah dahan-dahan naman." kinaladkad na kasi niya ako patungong auditorium.




" naman friend, isuot mo na yang toga mo. at saka ano yang shoes mo? My Gosh bff! Heels not flat! kaloka ka!" she then rolled her eyes up. Napailing nalang ako. I'm not use to wear high heels kaya flat shoes yung sinuot ko. At least comfortable ako sa dito.




" hep hep hep anong kaguluhan to? Hindi pa nga nagsisimula selfie agad kayo.Sali kami!" sigaw niya kina Renzo na busy sa pag pi-picture sa labas ng audi. Pinagtulakan niya ako sa gitna ni Trisha at Renzo. Trisha rolled her eyes kaya napatawa ng bongga si Renzo saka inakbayan ako. Napangiti na talaga ako ng umakbay si Jannah kay Trisha, then umakbay din si Trisha kay Renzo.




" SMILE....." we said in chorus as the flash of camera captured us. Nakailang shoots pa kami saka dumating si Aldren at hayun tinangay na si Jannah.




" let's go." aya sakin ni Trisha.




" una na muna kayo. Hintayin ko lang sila mommy dito."




" come on! They will be here any minute." ang lawak ng ngiti niya sakin saka hinila na ako sa papasok. Kumindat lang si Renzo sakin habang papasok kami sa audi.





Ang bilis ng panahon. Graduation nga pala namin ngayon. 6 months na rin ang nalakipas nung huli ko siyang makita. Malungkot sympre, lalo na yung mga panahong mag-isa lang ako. Dito sa school madalas ko siyang naalala. Minsan pa nga tumatambay ako sa likod ng science building remembering those moment that I dance with him. Sa gym, kung saan una naming naisayaw ang isa't isa. Sa locker room, kung saan katabi ko lang siya. Hindi na nga pala ginamit yung locker niya. I ask Renzo to do it kaya hanggang ngayon bakante pa rin yun. Sa classroom naman, madalas ko siyang nakikita na nasa tabi ko siya, nakayuko. Wala rin nag lakas loob na pumalit sa pwesto niya kaya minsan natutulala ako sa upuan niya umaasang nandun lang siya. At dito sa auditorium, napangiti ako sa tuwing naaalala ko yung unang beses na nag holding hands kami. Dito nagsimula ang lahat.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon