Chapter Thirty 2.0- Sharie

423 20 0
                                    

11 pm na pero wala parin siya. Gusto ko na namang umiyak. Sa isang iglap ganun lang? ganito na agad. Lord naman! Ang bilis naman ng karma ko. Sumilip-silip ako sa terrace, madilim na ang bahay nila.

“ makahiya, ayaw mo na ba sakin?”  para akong batang napaupo sa sahig. Akala ko di ako masasaktan ng ganito dahil iba siya sa lahat. Pero. . .  pero kasi mahal ko yung damo na yun eh. Mahal ko na siya, sobra!

Di ko alam kong anong relationship meron sila ng daddy niya, kung bakit ganun nalang ang takot niya. Pero masisi nyo ba ako? Ikaw kaya harap-harapang eh deny, mag pa-party ka ba? Hell no! kahit bilang kaibigan niya lang, di man lang niya ako pinakilala. Kahit bilang kaibigan man lang, itinanggi niya ako. Ang sakit, ang unfair niya, ang selfish niya!

Quarter to 1. Wala na! di na siya dumating pa. umiyak lang ako ng umiyak dito sa kwarto ko. Pakiramdam ko, hindi ako mahalaga sa kanya. Ang sakit-sakit, sobra!

*********

Napabalikwas ako ng bangon sa ring ng phone ko. It was my mom.

“ hello mommy.” 

“ sha..? you okay? May sakit ka ba?”  parang naiiyak na naman ako. Ang hapdi-hapdi pa naman ng mata ko.

“ wa..wala po. Medyo masakit lang po ang ulo ko. Ahh mom, kailan po kayo uuwi?”

“ next week pa baby, okay ka lang ba dyan? Gusto mo dyan muna mag stay si Aling Tina?”

“ nah, I’m fine.”  Pero deep inside naiiyak ako dahil wala akong mapagsasabihan ng sakit na nararamdam ko ngayon. Ba’t ba ang unfair ng mundo?

“ anong gusto mong pasalubong?”

“ just come home mom.”  I heard a sigh from my mom. Nasa Singapore sila for their business trip.

“ okay baby. I love you.!”

“ love you too.”  Then she hung up the phone. Napatingin ako sa terrace at dali-daling lumabas mula doon. Pati ba naman ang langit, nakikisimpatya sa feelings ko, parang any moment kasi uulan na.

Pag baba ko wala si aling Tina pero may sticky note na nag grocery daw siya. Kumain ako kahit wala akong gana. Pero parang may nagtutulak sa utak ko na puntahan si makahiya. Kaya dali-dali akong naligo at nagbihis.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon