Chapter Seventy Three - Sharie

662 27 1
                                    



" Oh! Anong ginagawa mo dito?" palinga-linga ako sa paligid saka ko siya hinila sa sulok ng parking lot.



"baka Makita ka ni dad! Naku! Lagot ka talaga dun!" I pouted as I look at him. Bigla naman niya akong kinabig ng yakap saka mabilis na hinalikan sa labi. Hinampas ko siya sa balikat.


" Angella naman! Namimiss na kaya kita. Saka gusto lang kitang sunduin."


"diba may klase ka pa? until 8 pm pa ang schedule mo eh nandito ka. Bawal ka dito kaya sige na balik ka na sa school." Pinagtulakan ko siya pabalik sa kotse niya. Nagkakamot siya ng batok.


"why are you doing this? Gusto lang kitang Makita masama ba yun? I really don't get anything with this set-up. Angella, 2 years! Two fucking years! Shit!" maktol niya saka mabilis na sumakay sa kotse niya at walang pasabing pinaandar yun.


"makahiya.... Hoy..." napa buntong-hininga ako. Gusto ko naman talagang makasal na sa kanya eh. Kahit sinong babae yun ang pangarap diba? Ang makasal sa lalaking mahal nila. I still couldn't help myself from smiling every time I remember 3 months ago when he proposed to me. Sobrang saya ko ng gabing yun kasi hindi ko akalain na gagawin niya yun at babalikan niya talaga ako. I was ready to marry him kahit pa hindi na niya ako liligawan pa. Kahit nga bukas na bukas din gusto ko ng makasal sa kanya. But mom was right, masyado pa kaming bata para pumasok sa ganuong kalaki na responsibilidad. He's not graduate at nag-aalala ako baka masanay lang siya sa ganun. Gusto ko rin naman na kahit papano matupad din yung mga pangarap niya.



I know he's still mad sa set-up na ginawa nila. Na kailangan niyang mag-aral ulit at hindi niya ako pwedeng puntahan o sunduin kapag ay klase pa siya. But we still can go on a date or something kapag wala na siyang klase. Pero sa tigas na ng ulo niya madalas niyang nasusuway ang rules nayun. Minsan nga hindi ko na talaga siya maintindihan kasi honestly, ibang-iba na siya sa makahiyang kilala ko. He's arrogant, sometimes a jerk, sobrang mainitin din ang ulo niya at madalas naninigaw. But I tried my best to adjust with him. Iba na siya na eh! Kaya nga minsan naiisip ko na tama nga sigurong after 2 years pa yung kasal kasi parang ngayon pa talaga kami nagkakakila na dalawa. It's a totally different world for us now. Kailangan pa naming bigyan ng time ang isa't isa para makapag handa pa kami.



But you know want? Kahit ibang-iba na siya, mas minamahal ko siya ngayon. Kasi nuon, hindi niya alam paano mag express ng feelings at yuyuko na lang sa isang tabi. Unlike now, halos ipagsigawan niya talaga lahat ng nararamdaman niya. Either he's happy or mad, sinasabi niya yun agad-agad. Kaya kahit siya na si Justin James Saavedra ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Nakaka excite pa minsan kasi kahit ibang tao na siya, bumabalik siya sa pagiging makahiya sa tuwing kami lang dalawa. Yung sweetness na hindi mo akalaing kaya niyang gawin, yung surprises na siya lang ang kayang pagpakilig sakin. Siya parin talaga ang damo ng buhay ko. Kagaya ngayon, I will count from 1.. .2. . .3



"Angella. .." sigaw agad niya saka nagmadaling bumaba sa kotse niya. Niyakap niya agad ako sa pinugpog ng halik sa noo at pisngi. Hehehe... hindi ako matitiis ng lalaking to kahit pa salbahe na siya ngayon.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon